bc

BEAT OF LIES (Sequel of Owned by a Ruthless General) [Completed]

book_age18+
1.8K
FOLLOW
4.6K
READ
one-night stand
pregnant
arrogant
dominant
manipulative
twisted
serious
mystery
enimies to lovers
seductive
like
intro-logo
Blurb

BEAT OF LIES (Sequel of Owned by a Ruthless General) [Completed]

BEAT OF LIES (Sequel of Owned by a Ruthless General) [Completed]

BEAT OF LIES (Sequel of Owned by a Ruthless General) [Completed]

BEAT OF LIES (Sequel of Owned by a Ruthless General) [Completed]

chap-preview
Free preview
30 - END
ARIANA FUENTES Mangiyak-ngiyak kong sinulyapan ang bahay namin. Bitbit ang isang bagpack at isang maleta nilisan ko ang lugar na iyon. Nakarating ako sa highway. Nag-antay ako ng jeep na ipapara ko. Nangunot ang noo nang panay ang pagpara ko ng sasakyan pero hindi ako hinihintuan ng mga jeep. Nasa tamang sakayan naman ako? Dito naman ang babaan at sakayan pero bakit walang humihinto na sasakyan? Wala rin naman na masyadong sakay ang mga ito pero bakit hindi nila ako hinihintuan? Rented na ba ang mga jeep? Mas lalong nalukot ang mukha ko. Hindi ko alam kung mood swing ko na ba ito dahil buntis ako o sadyang nakakainis lang ang mga driver at hindi nila ako hinihintuan. Banas na napaasik ako. Mas lalo pang nalukot ang mukha ko nang sa kabilang banda ay humihinto ang mga sasakyan at doon nagpapasakay. Anak ng! Bawal doon ah?! Dito sa pwesto ko ang tamang sakayan at tamang babaan! Violation iyon! Hindi ba nila alam 'yon?! Nakakainit ng ulo! Banas na nagpunta ako doon. Kahit inis at gusto kong pagsisigawan ang mga driver ng mga sasakyan, kinimkim ko na lang iyon. Baka lalo pa akong mastress. Bawal pa naman iyon sa akin. Dahan-dahan akong sumakay ng jeep. Nakahinga ako ng maluwag ng umandar na ito. Iyon nga lang bigla akong kinabahan. Malakas na kumabog ang dibdib ko. Hindi ako mapakali. Namamawis ang noo ko. Oo mainit naman pero iba ito. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayare. Bigla ko naalala iyong araw na nahuli ako ng mga Police dahil sa pagsakay ko sa maling sakayan. Parang... ganitong-ganito iyon! H-hindi naman siguro, hindi ba? I mean, nakapwesto ako sa tamang sakayan at babaan kanina pero kasi... ang mga driver ang may problema at hindi ako! Kasalanan nila! Sa mali sila nagpapasakay. Kasalanan talaga nila! "Manong! Hinahabol ata tayo ng mga Police na iyon!" Suminghap ako nang sumigaw ang pasahero na nasa pinakaunahan. Nanlaki ang mga mata ko. At dahil nasa likuran lang ako madali kong nakita ang sinasabi ng babae na dalawang kotse ng Police na humahabol sa amin. Napamura ako sa isip. Lumingon pa ako kaliwa't kanan pero kami lamang ang jeep. Walang ibang sasakyan kundi ang jeep namin at ang dalawang kotse ng Police na humahabol sa amin. Habol habol ko ang hininga na para bang tumakbo ako ng pagkalayo-layo. No, not again! Mabilis na nag-over take ang isang kotse ng Police papunta sa aming harapan. Sa biglaang pagpreno ng drive ng jeep, halos sumubsob kami. Ang baby ko! Mangiyak-ngiyak kong prinotektahan ang aking sinapupunan. Nang huminto, nagsibabaan ang mga pasahero, gayon din ako. Tila natakot rin sila katulad ko. Nang huminto ang kotse ng Police, nagsilabasan ang mga Police doon. Nagulat pa ako ng makita ko si Reyes at Alcazar. Nagtatakang napatitig ako sa kanya. Bahagya pa akong napa-antras ng ngumisi sila sa akin. Marahas akong lumunok. Nanginginig ang mga kamay ko ng humigpit ang mga kapit nito sa maleta. "A-anong-" "Manong, overtaking ka." Pag-aakusa ni Reyes. Anim silang Police na narito. Ang apat ay hindi ko kilala. Namutla ang driver. "M-mga bossing... m-mabagal lang ako." "Tsk. Tsk. Tsk. Palusot ka pa Manong!" Alcazar. "Kunin niyo na ang lisensya niyan." Reyes. Lumapit sa driver ang isang Police. "S-sandali mga bossing baka pwedeng pag-usapan natin 'yan?" Nanginginig ang boses ng driver ng jeep. Sinenyasan ni Alcazar ang isang Police na tumigil- na kukuha dapat ng Lisensya ng driver. Huminto naman din ito kaagad. "Pwede namang pag-usapan. Areglado ka basta 'yong gusto ng bossing namin makuha niya." Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Nababalisa ako lalo pa't sa bawat bigkas ni Alcazar at Reyes ng kanilang mga salita ay panay ang tingin nila sa akin atsaka ngingisi. Gusto ko ng umalis pero hindi na ako makagalaw sa aking pwesto. "S-sige. Ano po ba iyon?" Naguguluhang sabi ng driver. "Boss! Ok na." Nakasigaw na sabi ni Reyes. Nakaharap at nakatingin ito sa kotse ng Police na nag-overtake sa harapan namin kanina. Tila bumagal ang lahat ng galaw sa aking paligid nang dahan-dahang magbukas ang pintuan ng kotse. Sa bawat galaw sa paligid na nagaganap, palakas din ng palakas ang kabog sa aking dibdib. Suminghap ako ng malakas ng bumaba mula sa kotse si Ivan. Matayog itong tumayo ng tuwid. Matikas na matikas ang katawan na nakasuot ng Police uniform. Seryuso ang mukha at mariin na nakatitig sa akin. Ang matalim na pagkakatitig nito sa akin ang mas lalong nakapagpangatog sa aking mga binti. "I-ivan..." suminghap ako para pigilan ang nagbabadyang pag-iyak ko. Saglit na inalis ni Ivan ang kanyang paningin sa akin at inilipat sa driver ng jeep. "Leave her. Kukunin ko siya. Akin siya Manong kaya kung saan kamang lupalot na magpunta- kung saan man patungo 'yang jeep mo, magtungo ka- kayo pero sa akin ang asawa ko. You can't take here from me." Nagtatangis ang bagang na sabi nito. Mas lalong namutla ang driver. Awang ang labi kong napatitig kay Ivan. Tila hindi maabsorb ng aking isipan kung ano man ang sinabi niya. "Go, alis na Manong." Galit na sabi nito. Aligagang sumakay ang driver sa jeep pati na rin ang mga pasahero nito at nagpaharurot paalis. Naiwan akong nakatanga kay Ivan. "Ivan..." Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ako. Malakas ang aking singhap na nagawa nang bigla niya akong hapitin at yakapin ng mahigpit. "Damn! I never told you to leave me." Napaiyak ako. "Kinamumuhian mo ako..." mahinang sabi ko. Kumalas siya ng yakap sa akin. "Hindi ko sinabi 'yan. Kailanman hindi kita kinamuhian." Lumamlam ang mata niya. Bakas dito ang paghihirap. "Ikaw na lang ang mayroon ako. Kayo na lang ni Riella at ng magiging anak natin." Bahagya siyang sumulyap sa aking tiyan. Nagulat ako sa sinabi niya. "Enzo told me about this at hindi ako makakapayag na lumaki na naman ang anak natin na hindi ko man lang nararanasan na makarga at maalagaan siya habang baby pa." Namula ang kanyang mata. "Akin ka Ariana. Una palang akin ka at wala ka ng magagawa doon." Inis na sabi niya. Natawa ako ng bahagya kahit na panay ang tulo ng luha sa aking mga mata. "I love you..." hindi ko maiwasang sabihin iyon. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Ivan at kahit magmukha akong tanga sa harapan ng mga kapwa Police niya na pagsabi ng salitang 'mahal kita', wala na akong pakialam doon. Kahit na kung sakali man na naghihiganti si Ivan at dumating ang araw na saktan niya ako dahil sa labis na pagmamahal ko sa kanya, wala na akong pakialam doon. Tatanggapin ko pero susulitin ko muna ang bagay at oras na ibibigay niya sa akin. I love him, at magiging vocal na ako doon. Tumulo ang luha sa mga mata nito. Kinurap-kurap niya pa ang mga mata at bahagyang napatawa. "Mas mahal kita Ariana. Mahal na mahal kita. Magpakasal na tayo. Hindi 'yan tanong. Utos 'yan. Because damn! Mababaliw ako kapag hindi pa kita napakasalan." Naghiyawan ang kapwa Police ni Ivan. Namula ang magkabilaang pisngi ko sa kantyaw at asar nila sa amin ni Ivan. "Iba ka talaga, Idol Captain!" "Idol!" Napatawang umiiyak ako. "Gusto rin kitang pakasalan." Nahihiyang sabi ko. Tumawa siya ng malakas. Hinawakan niya ang aking pisngi at masuyo iyong hinaplos. Nakatitigan kami. Para na naman akong nahipnutismo sa pagtitig sa kanyang mga mata. Siya lang talaga. Siya lang ang may kayang magpabilis sa aking puso. Si Ivan lang. Dahan-dahang inabot ni Ivan ang aking labi. Napapikit ako ng mariin. Masuyo niya akong hinalikan labi. "Mahal na mahal kita." Buong puso kong sinagot si Ivan. "Mahal na mahal rin kita. ~ THE END ~ Maraming salamat po sa pagbabasa, pag-aantay sa update, sa pag-unlock ng mga chapters. Thank you so much po! You can follow me po for more story updates. Thanks! And po pala, if you want to follow me or add me in f*******:, my name there is HARIETH MINE KADIA. Thank you po! And also if you have wa-tt-pad, you can also follow me there @khay2626 - for more story. Thanks po!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook