PH2 #2: Reallan

2464 Words
# 2_Reallan Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang naghahanda ng tanghalian para sa amin ng Kanye ko. Pakiramdam ko'y hindi na sumasayad ang mga paa ko sa sahig dahil lumulutang na ako sa alapaap dahil sa masaya akong iniisip siya sa bawat oras. Ayiieh! Kinikilig ako sa tuwing sasabihin kong "KANYE KO." Ko na siya. Basta, he is mine now. At ito ang unang araw naming magkasintahan. Ehem! Kasi may first kiss na kami kaya naman kami na. Hindi na niya mababago iyon dahil siya ang una kong halik. Naisip ko talaga na sa kanya ko ibibigay ang una kong halik. Lahat ng una sa akin. Ahemm.. Napalunok ako.. ano kaya ang pakiramdam ng unang.... no!!! never mind.. Hindi ko na muna iisipini iyon. Ang ngayon na lang muna ang pagkakaisipin ko. Hindi na muna ako mag iisip ng higit pa sa halik. Pinagtuunan ko ang ginagawa ko. Ipaghahanda ko siya ngayon ng tanghalian na siguradong magugustuhan niya. Bumili pa ako ng special lunchbox para lang maging mainit pa hanggang tanghalian ang iluluto ko so here I am now, maaga akong nagising para lang ipaghanda siya ng sasaluhan namin mamaya. Mabuti na lang ako lang mag isa sa apartment na binigay sa akin ng lolo niya dahil isa na iyon sa kasama sa pagiging scholar ko. Malayo kasi ang probinsya namin at sa kabutihang palad, kumpleto sa scholarship na bigay ng lolo niya, ahem. Lolo namin pala. At kumpleto ang allowance ko na binibigay nito. Para na nga akong buhay mayaman dahil doon. Pero di ko naman sinasayang ang scholar na ibinigay sa akin dahil nag aaral naman ako ng mabuti. Hindi ko naman sinasayang ang magandang oportinidad na ipinagkaloob sa akin. "Lala lalalala lalala." Napapakanta pa ako habang patapos na ako sa paghahanda. "Hmmmm. Ang sharap." Ngising ngisi pa akong ibinaba ang kutsara ng tikman ko ang niluto ko. Pinasadahan pa ng dila ko ang labi ko at ninamnam ang sarap ng niluto kong pagkain. "I'm the best.. ano pang hahanapin ng lalabs ko ngayon.. magaling na ako magluto.. maganda pa ako. ahemm. cute lang pala.. tapos sexy.. ahemmm... may hubog lang ang katawan.." nababaliw na yata ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko. Tama nga ang sabi ng iba... na kapag umiibig ka na ay para kang mababaliw dahil sa kakaisip sa taong nagpapatibok ng puso mo. "ayiiieh.. " kinikilig talaga ako. "hayst." Ng matapos kong maihanda at maisaayos ng mabuti ang pagkain sa lunchbox ay naligo na ako at siniguradong maayos ang hitsura ko at syempre dapat mabango ako at fresh na fresh ang hininga ko. Bumili pa ako ng listerine para lang matagalan ang fresh na hininga ko baka kasi maghalikan na naman kami. Ayieeeh! Kinikilig na naman ako. Hmmm???? Ano kaya ang pakiramdam ng halikan niya. Iyong hindi lang dampi. Napalunok pa ako sa sarili kong laway ng maisip ko na ipapasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Ahhhhhh! No!!! Behave lang dapat ako sa pagkakataon ganito. Malalaman ko na lang iyan kapag hinalikan niya ulit ako. Ay! Kapag hinalikan ko pala siya ulit, pero gagawa ako ng paraan para siya na ang kusang humalik sa akin. Eiiiii! Me gesh! I can't. I can't behave kung ganito ang laman ng isip ko. Kung palaging tumatakbo sa isipan ko ang gwapong mukha ng Lalabs ko. Nah! Mag fo-focus nga muna ako. Ready na akong pumasok ng paaralan. Muli akong napapakanta habang naghihintay ng masasakyang tricycle dahil isang kilometro lang naman ang layo ng paaralan namin sa apartment ko kaya mabilis lamang akong makakarating. Sinamahan ko pa kasi ng breakfast ang tanghalian dahil nalaman ko na madalas na maaga siya pumapasok para sa mga gagawin niya. Doctor ang kinukuha niyang kurso, na sinasamahan pa ng extra unit para sa BSBA kaya naman working hard din siya sa pag aaral. Hard working para sa kinabukasan namin sa hinaharap.. Ayiiehh. Reallan Charles Dela Cruz Anderson. Napatikhim na naman ako. Ang ganda pala pakinggan ang pangalan ko kakabit ng apelyedo niya.. At habang nag aaral siya ako ang mag aalaga sa kanya. Dahil ayaw kong mapabayaan niya ang sarili sa pag aaral niya ng halos panabay na kurso. "Ui! Rea, pagkain pa natin ang dala mo?" Kuway tanong sa akin ni Cheska ng mabungaran ko ito sa harapan ng eskwelahan namin na palaging naghihintay sa akin. "Nah! Hindi ah! Di pa nga nag go-good morning sa akin, pagkain na agad ang nasa isip mo. Hmmp." Kuway tampo ko naman. "Good morning bestie." Paglalambing naman niya at sinakyan ang kunwari pagtatampo ko saka humawak sa kamay ko. "Tara kainin na natin iyang dala mo." "Hindi para sayo to noh! Para sa boyfriend ko to. Ayyy! Nakita mo na bang pumasok siya?" Tanong ko pa sa kanya saka ako tumingin sa kabilang kalsada. "Oo, kanina pa at ang gwapo niya sa suot niyang doctor suit. Ganun pala siya ka gwapo talaga. Hindi pa man siya lesensyadong doctor pero nakikinita ko ng magaling siyang umeksamin ng katawan ng tao." Ngising sabi naman niya sa akin. Ngisi din ako. Tapos naisip ko kung paano niya kaya ako iyeksamin ang katawan ko. Ayyy! Baka matunaw na lang ako bigla kapag tinitigan niya ako. At buong katawan pa kaya. Kinikilig na naman ako sa nasa isipan ko. "Ui!." Tampal niya sa nuo ko na nakapagpabalik sa tamng huwesyo ang isipan ko. "Naman eh! Ganda ng nasa isip ko, winala mo pa." Napasimangot ko at tinampal ko din ang nyo niya. "Alam ko naman ang nasa isip mo ui! Ang laswa ng nasa isip mo. Alam mo, nakikita ko diyan oh. Ayon oh." Sabay turo sa itaas ng ulo ko na awtomatikong napatingala ako. "Ayan, malinaw na malinaw sa isipan mo na inieksamin ni Doc Kanye ang katawan mo. Tama ba ako." Ngising ngiwi ako. Ganun na ba napapahalata ang nasa isip ko. Pero nakikita ba niya talaga????? "Pinagluluko mo naman ako eh." Tumawa siya sa sinabi ko. "Pero totoo ang sinabi ko diba." "Hmmp! Oo na. Oo na." "Kita mo to, maghunusdili ka Rea. Huwag mong isusuko ang bataan habang hindi pa kayo kasal." "Ang bilis mo naman mag isip eh. Hanggang kiss lang naman bestie. Duh!." "Tara na nga, maglilinis pa tayo ng classroom eh." "Mauna ka na bes, pupuslit lang ako sa kabila." Sabay kindat dito. Hindi ko na ito hinintay na makapagreklamo dahil agad na tinalunton ko ang daan patawid sa kabilang kalsada at agad ding nakapasok sa campus nila dahil nakasuot ako ng uniform nila. Agad na binagtas ang daan patungo sa department niya. May isang oras pa ako para sa unang subject namin kaya makikita ko pa siya at makakausap. Ng marating ko na ang department nila ay hindi ko na kinailangang hanapin siya dahil makakasalubong ko na naman siya kasama ng mga kaibigan niya. Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Mabuti na lang ay nginitian ako ng apat na kasama niya kaya kahit papaano ay hindi ko naramdaman ang bahagyang pagkadisappoint ng hindi niya ako pansinin. "G-good morning." Pagbati ko sa kanya na bahagyan pang pumiyok ang boses ko. Ang lakas talaga ng loob ko gayong kinakabahan naman talaga ako ngayong nasa harapan ko na siya. "Good morning cutie." Pagbati naman ng mga kaibigan niya ng matapat sila sa akin. Pero siya ay deretso lang sa paglalakad at lumagpas sa akin. "Kanye, my love. Hindi ka ba mag go-good morning muna sa akin." Nilakasan ko ang boses ko para lumingon siya at nagtagumpay naman ako. Pero ang tingin niya ay para ng nakamamatay sa talim. Hindi ko na lang pinansin iyon. Nilapitan ko siya at tumingkayad ako at mabilis na dumampi ang labi ko sa pisngi niya. "You fucking..." itinulak ako palayo. Patumba na sana ako sa sahig ng malalayan ako ng isa sa mga kasama niya. "Relax Kanye dude. Sinasaktan mo naman si cutie eh." Sabi pa nito. "Shut up, kinukunsinti niyo pa ang isang iyan." Galit na tinapunan pa niya ito ng tingin. Tumindig ako ng tayo saka ko siya muling hinarap. "Gusto lang naman kita batiin ng magandang umaga at sabihing gumawa ako ng tanghalian natin mamaya." "Wow naman! Mayroon ba para sa amin cutie?" Sabi naman ng isa kaya napatingin ako dito. "Ay! Para sa aming dalawa lang ng my love ko. Sa susunod, igagawan ko din kayo." Nakangiti ko namang sagot. "Talaga, sige. Aasahan namin iyan." "Will you guys shut up." Muli ay sita niya sa mga ito kaya naman sabay sabay kaming napalingon sa kanya. "At ikaw, I warned you before. At ito na ang huli kong pagbabanta sayo. Huwag ka ng magpapakita dito dahil hindi mo magugustuhan ang magagawa ko."saka niya ako itinulak muli sa may balikat at mabilis na tumalikod. Naglakad na palayo sa amin. Naiwan tuloy akong walang imik na naiwan kasama ng mga kaibigan niya. "Pagpasensyahan mo na cutie." Sabi naman ng isa. "Ganyan talaga iyan. Seryuso. Siguro dahil sa dami ng inaalala sa mga aralin niya." Sabi naman ng isa pa. "At hindi siya kumakain ng tanghali cutie. Madalas iyang walang kain eh. Pero kung gusto mo paring ipilit iyang ginawa mo sa kanya. Just go at the rooftop before lunce dahil doon ang lagi niya tambayan sa tanghali at nagpapalipas ng oras." Tumango na lang ako. Mabuti na lang mabait ang mga kaibigan niya kaya lahit papaano ay naging magaan ang loob ko at hindi ko na pinansin ang pangbabaliwala niya sa akin. "But one more thing cutie. Huwag kang masyadong lalapit kay Kanye, baka pagsisihan mo din at masaktan ka sa huli." "Huh?" "Sige cutie. Mauna na kami sayo. Good morning ulit." Paalam na nila sa akin. Naiwan tuloy akong walang imik habang nakatingin sa palayong imahe nila pasunod kay Kanye ko. = Natapos na subject namin sa umaga at ngayon ay tanghalian na. Kaya naman agad akong pumuslit sa classroom para hindi na ako mapigilan ni Cheska at kwentuhan. Kailangan kong mauna sa rooftop ng department nila bago siya pumunta doon. Sana naman hindi lang nagbibiro ang mga kaibigan niya sa bagay na iyon. Nakangiti na kinakabahan ako. Sana hindi na naman siya magalit sa akin kapag nakita ako. Napakaaloof niya talaga. Tama nga ang nakakalap kong balita na hindi ito basta basta nakikihalubilo sa iba. Pero hindi niya ako mapipigilan. Hindi niya mapipigilan ang isang Reallan Charles Dela Cruz na lumapit sa kanya at gusto kong ako ang magpabago ng ugali niyang iyon. Fighting!! Kaya ko ito. Ngayon pa na kami na. Agad akong nakapasok ng campus nila. Tinungo ang department nila at pumuslit papunta na mismo sa rooftop na kahit pa maraming mga estudyante na ang nakatingin sa akin na iniisip siguro kung saang department ako galing. But I don't care, kailangan kong pumunta sa lugar na tambayan niya gaya ng sinabi ng mga kaibigan niya. Pero nasa pinakahuli na akong huling palapag na ako ng biglang may humarang sa daraanan ko. Napalunok ako ng makita ko na kakaiba ang mga naging tingin sa akin. Lalo na at naglalakihang tao sila. Ngising may mga masamang balak. "H-humaharang kayo sa daraanan ko." Pilit kong pinatatag ang boses ko kahit pa nakaramdam ako ng takot at kaba sa dibdib. Lima sila, gayong nag iisa lang ako. Lumingon pa ako sa paligid para sana tignan kung may ibang tao na pwedeng hingan ng tulong kung sakali pero walang ibang tao maliban sa amin. "Nakita ka kasi namin minsan na kinukulit mo si Kanye. At bilib din ako sa tapang mo bata. Isa ka pa lang high school student pero nagagawa mong pumasok sa campus namin." Sabi ng isa na nasa harapan at humakbang pa palapit sa akin kaya naman napahakbang naman ako paatras. "H-he is my boyfriend." lakas loob na sagot ko dito na naging dahilan para tawanan ako. "Haha hahahah! Narinig niyo iyon. Nakakatawa ka bata. Alam mo ba ang sinasabi mo. Faggot. Disgusting." Sabi pa nito na biglang nakapag patigil sa akin. "Akala mo ba papatulan ni Kanye ang isang kagaya mo. Disgusting faggot." Pang uulit pa nito. Napatingin ako sa kanila na nawala na ang takot ko kanina. "So what? It's none of your business." Nilakasan ko na ang loob ko. Parang gusto ko tuloy pagkakalmutin ang mga mukha ng mga bakulaw na ito. Akala mo naman kung sino sila magsalita. Ano ngayon kung bakla ako. Hindi ko iyon ikinakahiya. At kahit ganito ako ay kay Kanye ko lang ako magpapakababa. Hindi sa kanila.. at lalong hindi sa ibang tao.. sa kanya lang.. Sa Kanye ko. "Wow! Ang tapang ah! Bakit? May maibubuga ka ba laban sa aming lima?" Ngising ulol pa ito na patuloy lang sa paglapit sa akin kaya naman patuloy lang din naman ako sa pag atras. Kinabahan na naman ako ng makita ko pang kinalas pa ng isa ang isang butones ng uniform nito. "W-wala akong laban sa inyo. Pero huwag k-kayong lalapit sa akin. Kundi sisigaw ako." Pagbabanta ko na kahit na tudo na ang pagragasa ng t***k ng puso ko sa kaba. Nanginginig na din ang tuhod ko sa kakahakbang paatras. But then, mas lalo akong nanlumo dahil sa huling hakbang ko ay napasandal na ako sa pader at wala na akong aatrasan pa. "Sumigaw ka nga? Hindi kami natatakot. Dahil ikaw naman ang humahabol kay Kanye, bakit hindi ka namin subukan bata. Para maikwento namin kay Kanye kung masarap ka ba o hindi." At bago pa man ako nakasigaw ay mabilis na nakalapit na ito at agad na tinakpan ang bibig ko. Nanlalaki na ang mga mata ko dahil mas ipinasandal ako sa pader habang ang isang braso ay nakaharang na din mismo sa leeg ko. Kaya ang dating ay nasakal ako. "Uhmmmm.." hindi na ako makapagsalita. Sinalakay na ako ng takot dahil hindi na ako makakilos pa ng maayos pa dahil ang dalawa pang kasama nito ay humawak na sa magkabilang braso ko. Ngising ngisi sila. "Nagkamali ka na umakyat ka dito. Dahil ang palapag na ito ay teretoryo namin." Sabi pa nito. Kinilabutan ako dahil sa pagdampi ng hininga nito sa pisngi ko. Pero nainis ako dahil ang baho ng hininga nito. Pilit parin akong nagpumiglas pero wala parin akong nagawa, until naisip ko ang mga paa ko. Hindi na ako nagdalawang isip na igalaw ang paa ko at agad na tinuhod ang pagitan ng mga hita nito kaya naman nabitawan ako. Nabitawan na rin ako ng dalawa at kinuha ko na ang pagkakataong iyon para makatakbo palayo sa kanila. Pero.. Sa pagtakbo ko ay hindi ko na nakita ang taong nakabungguan ko. Para akong bola lang na tumalsik at napaupo sa sahig. "Ikaw?" Sunod sunod pa na sabi ng limang lalaki kaya naman napatingala na ako. Hindi ko na alintana ang sakit ng balakang ko sa pagbagsak ko sa sahig dahil mas natawag ng pansin ko sa lalaking nakatayo na ngayon sa harapan ko na seryusong nakatingin sa limang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD