PH2 #1: Reallan

2367 Words
# 1_Reallan Flashback 1.0 "Para sayo." Nakayuko akong itinaas ang kamay ko na may hawak na isang pirasong rosas na may kasamang note. Naglakas loob akong pumasok sa Universidad na pinapasukan niya at nag disguise pa ako na college student at nagpagawa ng pekeng I.D para lang papasukin ako ng guard. Ganun ako kapursigido para malapitan siya at malaman ang nararamdaman ko sa kanya. At ngayon, inabangan ko talaga siya sa department nila kaya heto at naglakas loob akong ibigay sa kanya ang rosas at loveletter. Isang buong linggo ko iyon isinulat. Isang linggong kinikilig habang nag iisip ng maisusulat ko para maipahag ko lamang ang nilalaman ng puso ko. Nagpakahirap ako sa pag iisip kaya dapat basahin niya. But I feel so disappointed ng iwaksi lang niya ang kamay ko kaya nahulog iyon sa semento. Parang gusto kong maiyak dahil inapakan pa niya mismo ang bulaklak ng akma ko iyong pupulutin saka ako linagpasan. "Get out of my way if you don't like to get hurt." Pagtataboy niya na may kasamang pagbabanta bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa department nila. Ang boses na iyon. Hindi ko pinansin ang galit niya dahil mas natawag ang pansin ko kung gaano buong buo ang boses niya. Lalaking lalaki. Boses pa lang ay siguradong kikiligin ka na. "I love you Kanye Anderson. I love you." Sigaw ko na mas nakatawag ng pansin sa lahat maging siya ay marahas na napalingon sa akin na matalim na tinapunan ako ng tingin. Iyon na lang ang paraan para hindi niya ako baliwalain. Nandito na ako at hindi ko aasayangin ang pagkakataong ito. "You‐." Hindi nito tinapos ang sinasabi at nilapitan ako at kinuwelyuhan. "Ang daming taong pagtritripan mo, ako pa talaga ang napili mo. Baka magsisi ka at hindi mo kaya ang magiging kapalit ng kapangahasan mo." Ramdam ko ang gigil niya habang sinasabi iyon sa akin. Kikiligin na sana ako dahil hawak niya ako. Ramdam ang init na nagmumula sa palad niya pero.. Napangiwi ako dahil halos umangat na ang mga paa ko sa semento dahil sa pagkakwelyo niya sa akin. Sa tanggkad ba naman niya habang ako ay nasa 5flat lang. "Umalis ka na at huwag kang magpapakita sa akin, dahil hindi lang iyan ang aabutin mo." Saka niya ako binitawan. Nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa semento. Napasimangot ako. Maluha luha akong tumayo dahil masakit ang balakang ko sa pagkakabagsak ko. Isama pa na ipinahiya niya ako sa harap ng karamihan. Hindi ko naisip na ganito kabayulente siya magrereact sa pagtatapat ko. Kasalanan ko ba na gusto ko siya. Hindi naman diba. Lalakasan ko ang loob ko. Hindi dapat ako magpapatalo at hinding hindi ako susuko. Ipapakita ko na talagang gusto ko siya kahit na ipagtabuyan pa niya ako. Ipaparamdam ko na hindi lamang ako naglalaro o nantritrip. "mmmm." tikom ang bibig ko na hindi ko naman alam ang sasabihin ko. "Babalik ako. Hindi ako susuko." malakas na saad ko. Mabilis na pinulot ko ang bulaklak na nasira kasama ang love letter bago ko nilisan ang University nila at nagtuloy na din ako sa school namin na sa kabilang kalsada lang. Inalis ang pinagawa kong uniform dahil sa ilalim nun ay ang uniform namin sa school. At alam ko na sa ginawa ko ay kakalat iyon sa buong magkaharap na eskwelahan. But I don't care because I love him. = "Ui Rea, ano iyong ginawa mo?" Salubong na tanong sa akin ni Cheska ng narating ko ang classroom namin. "Anong kagagahan ang ginawa mo ng napakaaga.." dagdag pa nito na sinabayan ng pagsiko sa tagiliran ko. "Aww naman.Ang alin ba?" Balewala kong balik tanong dito kahit na alam ko na ang tinutukoy nito. "Anong alin? Agad na kumalat ang ginawa mo kanina lang ui. Grabe ka gurl. Ang lakas naman ng loob mo, kung ako iyon, jusko. Baka magtatago na lang ako sa saya ng lola ko." Kikay na kikay na saad nito kaya naman natawa na lang ako sa sinabi nito. Isa siya sa kaibigan ko at kasama ko sa ilang mga kalukuhang naiisip ko. Pero ang ginawa ko kanina... Hindi ko siyq nasabihan kaya halatang nagulat talaga. "Ang gwapo kasi niya bhe. Alam mo ba iyong pakiramdam na kapag tititigan ka ng mga mata niya ay matutunaw ang puso mo. Lalag panty talaga." And I feel like I'm in heaven habang sinasabi ko iyon. Pinagsalikop ko pa ang palad ko at isinandal iyon sa baba ko habang nakatungkod ang siko ko sa lamesa. "Gagi, baka brief ang sayo. Tigilan mo nga iyan. Grabe ka talaga gurl. Viral na viral na agad iyong ginawa mo. Isang Anderson pa talaga napagdiskitahan mo." "Bhe, he is my everything, my life. I wanna live in, inside his brief forever." saad ko na hindi pinansin ang paninermon niya. "Aaay! Itigil mo iyan, ako nalalaglagan ng panty sayo." Kontra nito sa akin kahit ito man din ay kinikilig sa kagwapuhan ng Kanye ko. Marami pa kaming kalukohang pinag usapan hanggang sa magsimula na ang klase namin. Siya nga pala, ako si Reallan Charles Dela Cruz, 15, ay mag 16 na pala ako sa Jan. 14. 6 months to go pa. At isa akong scholar ng mga Anderson. Isa ako sa nabiyayaan ng kabutihan ng lolo ng pinakamamahal kong si Kanye, si Lolo Alejandro Anderson. Ahem, nakiki lolo na ako dahil for sure, kapag sinagot ako ng love kong si Kanye ay magiging lolo ko na din ang lolo niya. Ngising tagumpay lang ba ang gumuhit sa labi ko at nagising na lang ako sa day dreaming ko ng batuhin ako ng teacher namin ng chalk na tumama mismo sa nuo ko dahil kanina pa daw niya ako tinatawag sa pangalan ko para sagutan ang nasa pisara na hindi ko naman napansin at narinig. "hayst.. si Teacher naman oh." hindi naman ako nagdabog na tumayo. Napasimagot na lang ako dahil pinagtawanan pa ako ng mga ka klase ko kasama na doon ang bwesit kong bestie. "Reallan Charles, hindi oras ng pag day daydreaming, dahil oras ng klase ko." Galit pa sita ng guro sa akin. Pero kailangan ba na ipahiya ako. Hmmp! Kung makatarungan lang na sagutin ko siya ay ginawa ko na kung hindi lang makakarating sa lolo ng lalab ko. Baka mawala pa ang scholar ko kung magpapabaya ako. Mawawalan pa kami ng kumyunikasyon kung sakali. Hindi dapat iyon mangyayari. Hindi ko hahayaang mawala ang kaunting pag asa na pinanghuhugutan ko. Hayst talaga!!! Busit na guro. Padabog man na tumayo ako at sinagutan nga ang nasa pisara. Mabuti na lang ay magaling ako kahit papaano, at kahit liparin man ang isip ko papunta kay Kanye ay ayos lang. Nakangiti na naman ako habang sinasagutan ang napakadaling solving problem sa math sa pisara at taas nuo ko pang ibinalik sa guro namin ang chalk. "Tapos na ma'am." Sabi ko bago ako bumalik sa upuan ko. Kumindat pa ako kay Cheska na nag thumbs up sa akin. Napahagikgik pa kaming dalawa ng magsikuan kami. Pinuri naman ako ng guro naman kahit papaano kaya nawala ang tampulan ng tukso sa akin. Naging magaan ang bawat sandali habang nakikinig kami sa guro namin pero ako ay sadyang nililipad ang utak ko sa pwede ko pang gawin para mapansin ako ng lalab ko. Mabilis na din na lumipas ang oras hanggang sa matapos na ang lahat ng subject namin sa umaga at ngayon ay tanghalian na. Mabilis pa sa alas kwatrong nagpaalam ako kay Cheska para pumunta na naman sa kabilang kalsada para magpapansin sa lalab ko. At hayon na nga. Gaya ng ginawa ko kaninang umaga ay isinuot ko muli ang uniform nila at ang pekeng ID ko kaya agad akong nakapasok. Tinungo muli ang department nila. Bago na namang rosas ang dala ko na binili ko lang sa gilid ng kalsada sa mga nagtitindang mga bata. Agad ko siyang namataan, kaya patakbo akong lumapit sa kanya kahit na may kasama siya ay wala akong pakialam. "Para sayo." Muli kong itinaas ng kamay ko hawak ang letter at bulaklak. Pero nilagpasan lang niya ako. "I love you. Gagawin ko lahat para magustuhan mo din ako." Sigaw ko ng makalayo siya ng ilang hakbang bago siya muling humarap sa akin. Seryuso at wala akong ibang makitang emosyon sa mga mata nito. Napalunok ako ng lapitan niya ako. Dalawang dangkal na lang ang layo ko sa kanya kaya naman napatingala ako dahil sa tangkad niya. Nakatitig lang sa akin at hindi ko alam kung ano ang balak niyang gawin. His face is going near and near sa mukha ko. Is he going to kiss me. Ayyyyy! My gosh! Kinilig ako sa naisip ko na kusang pumikit ang mga mata ko at hinintay ang paglapat ng labi niya sa akin. Pero naghintay na ako ng ilang sigundo ay wala parin ang labi niya. Kaya naman nagmulat ako at ngisi sa mga labi niya ang sumalubong sa akin. "Don't think to much, you f*****g slutty gay. At ito na ang huli kitang makikita, dahil hindi na lang salita ang bantang gagawin ko." Sabi pa niya saka niya ako itinulak. Kung hindi ko siguro nabalanse ang katawan ko ay baka natumba na naman ako. "But I love you. Hindi ako titigil." Sagot ko sa kanya ng akma na siyang tatalikod sa akin. "You‐." Hindi ko na siya hinayaang magsalita at agad na lumapit ako sa kanya at ako na ang nagtuloy sa naisip ko kanina. Hinalikan ko siya sa labi. Parehong mulat ang aming mga mata at kitang kita ko ang panlalaki ng ng kanyang mata dahil sa ginawa ko. Ng makabawi siya sa gulat ay agad na lumayo sa akin at marahas na itinulak na naman ako at pinahig ang labi na dinikitan ng labi ko. Narinig ko na tumawa ang mga barkada niya kaya halos sabay kaming napalingon sa kanila. Ako na parang nahiya sa ginawa ko at siya na matalim ang ipinukol na tingin sa kanila bago ako muling binalingan. "You b***h‐" "You are my first kiss. Kaya tayo na. Boyfriend na kita." Putol ko na naman sa sinabi niya na lalong nakapagpatalim ng tingin niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin. "Oh! Ayan. Para sayo, regalo ko para sa unang araw natin." Ngumiti pa ako sa kanya at ipinahawak sa kanya ang rosas at love letter. "Mmm, I love you, My love." Hindi pa man siya nakakasagot ay mabilis na muling dumampi ang labi ko sa labi niya bago ako kumaripas ng takbo palayo sa kanya. Narinig ko pa ang tawanan ng mga barkada niya at ang malutong na pagmumura niya sa mga ito. Deretso na akong muling bumalik sa paaralan namin at parang gusto ko ng mangisay sa kilig dahil sa nangyari sa pagitan namin. Gusto kong sumigaw sa galak dahil sa naging halikan namin. "Aaaaaaaaaaaahhh." Pero hindi ko na talaga mapigilan ang mapahiyaw ng marating ko ang classroom namin na ikinagulat ng mga ka klase ko. Nadako lahat ng tingin nila sa akin. "Anong problema mo gurl?" Si Cheska ng lapitan ako. Kilig na kilig na nagtatatalon ako ng hawakan ko siya sa magkabilang braso at panakang yayakapin ko siya. Tapos kakalas tapos yayakap ulit ako at hihiyaw na naman ako dahil sa kilig ko. "Bheeeeeee. My gosssh. Bhe, I'm dying." At pati boses ko ay nanginginig na sa kilig. "Ano? Bakit? Itatakbo na ba kita sa hospital?" "Inhale exhale. Inhale Exhale." Sabi ko pa. Huhugot ng malalim na hangin sa baga at ibubuga din. "Gurl, ayos ka lang? Ipaparehab na ba kita?" "Gagi." Sabay tampal ng nuo nito. "Panira ka ng momemt eh. Pero.....aaahhhhh. bheeeee.. kami na ng My lovey love kong si Kanye. Kami na bheeeee." Pasigaw na pagbabalita ko na kahit alam ko naman na walang katutuhanan. Pero basta para sa akin ay kami na dahil nakuha na niya ang first kiss ko. Ako naman ngayon ang tinampal nito sa nuo kaya natigil ako sa kilig ko at napasimagot. Narinig ko pa ang tawanan ng mga ka klase ko at ang sinabi nilang ambisyusa daw ako. Na ang lakas daw ng loob kong sabihin na boyfriend ko na si Kanye. Nasaan daw ang swerte ko. Ako na proud na gay, papatulan ako ng isang gwapo at isang Anderson. Duh! Basta kami na. Pakialam nila. "Inggit lang kayo." Binilatan ko sila isa isa bago ko binalingan si Cheska "Bheeee, ang lambot ng labi niya. Mmmm..bheeee. ang bango bango niya." Muli kong sabi dito na halos malaglag ang panga sa narinig niya. "Gurl?" Saka nito tinapik ang magkabilang pisngi ko. "Nananaginip ka yata ng gising, saan mo naman napulot ang mga sinabi mong iyan?" Saad nito na hindi talaga naniniwala sa akin. "We kissed.. aaahhhhhh.. basta we kissed. And. Aaahhhh. Bheeee. Ang lambot ng labi niya. Bhe.. ang lambot lambot." Kinikilig na naman ako at may panaka nakang talon na naman ako dahil walang pagsidlan na ang kilig ko. "You sure?" Paniniguro pa nito at sunod sunod naman ang tango ko bilang sagot. Napatingala pa ako sabay hawak ng labi ko at muling nag flash sa utak ko ang pagkakadikit ng labi namin. Pero agad ding naputol iyon ng ipitik ni Cheska ang mga daliri sa mismong mga mata ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Sinalat ang nuo ko. "Gurl, malala na yan. Mainit ka. Baka nagdidileryo ka lang." "Gagi ka talaga. Bakit ba ayaw mong maniwala, kailan ba ako nagsinungaling sayo. We kissed,two times pa nga." Muli kong sabi. Kahit dampi lamang iyon, para sa akin, heaven na ang matatawag doon. Nailing siya. Saka siya yumakap sa akin. Pahikbi pa siya kaya nagulat ako at mabilis na kumalas sa yakap nito. "I proud of you gurl. Inggit ako sayo." Nakalabi pa nitong sabi na sinabayan ulit ng hikbi kahit wala namang luha. "Thank you bhe.. promise.. hindi kita makakalimutan kahit boyfriend ko na siya ngayon." Nagkatinginan kaming dalawa dahil bigla na lang napalitan ng kunwariang drama sa pagitan namin. Saka sabay din na tumawa na ngayon ay sinabayan na din ng pagtalon talon at nakisali na siya sa kilig na nararamdaman ko. "Congrats gurl." Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko. At alam kong hindi na iyon mawawala sa mga labi ko hanggat mahal ko ang lalabs ko. ¤¤¤¤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD