PROLOGUE

2858 Words
==¤== "Dad, lets go, tito Jason is here." Tawag sa akin ng isa sa kambal. Si Frances kasunod si Xavier. Bihis na bihis na sila para sa paglabas namin ngayon kasama si Jason. Napangiti ako ng mapagmasdan silang dalawa. They are identical. Kaellan Frances and Kaellan Xavier. At nakuha nila lahat ng features nila sa kanilang ama. Kanilang ama na matagal ko ng ibinaon sa limot. Sila ang tanging naiwan sa akin na naging bunga ng kapusukan ko noong kabataan ko na sinamantala naman niya ang kahinaan ko. I'm Raelan Charles Dela Cruz. 23 years old. Male but can get pregnant. Noon akala ko isang sumpa ang kalagayan ko. Na nagbuntis ako kahit lalaki. Pero naging dahilan iyon para ipagpatuloy ko ang aking buhay na minsan ng nasira dahil sa pagmamahal ko sa kanilang ama. Naging marupok ako noon, nagpadala sa nararamdaman ko sa kanya. At iyon ang dahilan kung bakit ko maranasan ang masaktan. Nasaktan at nagpasyang magpakalayo. Dahil wala ding magandang naidulot ang pagpipilit ko ng sarili ko sa kanya dahil simula pa lang ay ipinaramdam nitong isa lamang akong laruan. Pampalipas oras lamang. But time can heal. Ngayon, wala na ang sakit na iniwan niya sa puso ko dahil nag iwan naman siya ng dalawang mahalagang kayaman sa akin. And they are my twin. "Dad, dad are you with us?" Napakurap pa ako ng hilain naman ni Xavier ang kamay ko na nakapagpagising sa akin at muling bumalik sa kasalukuyan ang aking pag iisip. "Yeah baby. May naalala lang si daddy." Tanging sagot ko na lang sa kanila. Magkasabay na ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa mga ulo nila at masuyong humaplos doon. I also give them a kiss in their forehead. They are my everything, my precious gems since then. "Let's go na. Kanina pa nasa baba si tito Jason eh." si Frances na excited sa paglabas namin kasama si Jason. Napangiti ako at nagpahila na lang sa kanilang dalawa ng hawakan nila ako sa magkabilang kamay ko. Napakabibo nilang dalawa. Mag pi-pitong taon na sila sa susunod na limang buwan. Kaya naman pinaghahandaan ko iyon ng mabuti. Nakangiti naman tumingin sa amin si Jason na ngayon ay matiyagang naghihintay sa sala ng bahay. Tumayo pa ito sa pagkakaupo at sumalubong sa amin. Awtomatikong kinarga niya ang isa sa kambal bago lumapit sa akin and give me a kiss in my cheek. "Your beautiful." Bulong pa niya sa akin bago tuluyang lumayo. Ngiti lamang ang sagot ko sa papuri niya. Lalaki ako pero lagi parin nito akong sinasabihang maganda. Hinahayaan ko na lamang siya. "Tara na, pagkatapos nating magpasukat ng damit ay mamasyal pa tayo para naman sulit na ang araw natin." Baling naman nito sa kambal na agad na sumang ayon na hindi maitago ang kagalakan. Hindi naman kasi kami madalas lumabas ng bahay na kaming tatlo lang para lamang mamasyal dahil nasa bahay lamang ang trabaho ko. Ang kambal na lamang ang palaging lumalabas kapag walang pasok sa eskwelahan dahil ipinapasyal sila ng señior. Tatlong taon na pala makilala at magsimula ng manligaw sa akin si Jason at tanggap ako, tanggap ang dalawang anak ko. Sa simula ay hindi ko na intensyong magkaroon ng relasyon sa iba simula noong lumayo ako. Dahil hindi ko na kailangan ng kalinga ng iba dahil ang kambal na anak ko ay sapat na sa akin para maging kumpleto ang buhay ko. Pero naging masigasig si Jason sa panliligaw sa akin. At mas naging doble pa ang pagsisikap niya ng malamang sa akin mismo nanggaling ang kambal. Tanggap niya ang kambal at sinabing aakuin niya ang dalawa na parang sa kanya sila galing. Umabot ng isa hanggang sa maging tatlong taon na din simula noon at hindi parin nagbabago ang trato niya sa akin at sa kambal. Kaya naman nakagaanan ko na ito ng loob at sila na ang kinalakihan ng kambal kaya malapit na din ang loob nila sa kanya. Unti unti na itong nagkakaroon ng puwang sa puso ko at ipinamulat sa akin na hindi daw ako dapat magpaapekto sa nakaraan, at kailangan na harapin ang kasalukuyan ng bagong simula, bagong kakilala, at dapat bukas ang puso para sa bagong pagmamahal. He said that he can wait until na matutunan ko na daw siya mahalin. Kaya naman heto na kami. Halos isang buong pamilya na dahil dalawang buwan na lang ay ikakasal na kami. Dito na kami magpapagawa ng damit na gagamitin namin bago kami magtungo sa Japan para sa kasal. Mas malapit na doon. Inaasikaso na namin ang lahat para lang matapos iyon at ng legal na ang pagsasama namin. Kaya heto ako, sinasanay na ang sarili ko na lagi siyang kasama. Sinasanay ko ang katawan ko sa presenya niya. Sa hawak niya. At sa mga halik niya. Nandoon parin ang pangingilad ko, at iniiwasan pang lumagpas sa halik ang pagsaluhan namin dalawa. Sabi ko sa kanya na, saka na lang kapag tapos na ang kasal naming dalawa. "Hey! Baby, lets go." Untag niya sa akin sabay pisil ng kamay ko na hawak na niya ngayon. "Your mind is out of nowhere baby. Are you okay?" Tanong niya sa akin na may pag aalalang tuno. "Okay lang ako." Halos hindi lumabas iyon sa bibig ko dahil parang may bumara sa lalamunan ko. "Daddy is always like that those few days tito. He always out of his mind." Sabi ni Xavier na karga niya. "Are you sure, that's your okay?" Muli nitong tanong sa akin. "Napapansin ko din iyan simula ng magsimula nating asikasuhin ang kasal natin." May kung anong nakita akong pag aalangan sa boses nito na parang bang nasa isip ay baka nagdadalawang isip na ako sa naging pasya ko. "Baby, tell me." Aniya saka ibinaba si Xavier. "Go first in the car babies. Susunod kami ng daddy niyo." Bilin sa dalawa. Agad naman sila na tumalima at naiwan nga kaming dalawa. Hinarap niya ako at masuyong hinaplos sa pisngi habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko. "Nagdadalawang isip ka parin ba hanggang ngayon?" Tanong nito sa akin na puno ng lungkot ang mga matang nakatitig sa akin. Isang ngiti ang isinagot ko sa kanya at humaplos din ang ang kamay ko sa pisngi niya. "Wala sa isip ko ang pagdadalawang isip Jason. Kaya alisin mo iyan sa isipan mo." Sagot ko. Pero may bahagi ng pagkatao ko ang biglang sumipa ng dibdib ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. "Kung nagdadalawang isip ka, sabihin mo lang sa akin Baby. Dahil kaya ko pang maghintay hanggang sa buong buo na sa puso at isipan mo ang pasya mo. I love you. And I really do. At hindi kita pipilitin. Alam mo iyan." may lungkot sa mga mata niya na nakatitig sa akin. Hawak ang dalawang kamay ko at pinisil ang mga iyon. "Hindi kita pipilitin. Sapat na sa akin ang makasama ka ng ganito kung may pag aalinlangan ka na magpakasal sa akin." Buong buo man ang tinig niya habang sinasabi iyon ay hindi naman maitatago sa kanyang mga mata ang kalungkutan. "I know that Jason." binawi ko ang kamay ko na hawak niya at pinagpalit iyon. Ako naman ang humawak sa kamay niya na sinamahan ng kaunnting pagpisil. "Kaya nga tinanggap ko na ang alok mo. At nagpapasalamat ako sa pagmamahal mo sa akin, at sa mga anak ko. At bago kita sinagot ay buong buo na ang pasya ko, dahil nagkakaroon ka na ng puwang dito." Sabay turo ng tapat ng puso ko. Pagpapalubag loob ba ang sinabi ko? Bakit kahit ako ay hindi kumbinsado. Hindi na niya sinagot ang sinabi ko. Matamang tumitig sa akin. Ilang sandali pa ay yumakap na siya sa akin ng buong higpit. Ako man ay ganun din sa kanya. "I love you baby." "I love you too." Halos pumiyok pa ako ng sagutin ko iyon. I know, mahirap bigkasin ang salitang iyon lalo na kung hindi mo talaga mahal ang isang tao. Ang sinabi kong puwang nito sa puso ko ay hindi nga ako sigurado kung nasa kalahati ba iyon. Aminado naman ako na sa una pa lang ay pakikipagkaibigan lang talaga ang gusto ko sa kanya at hindi na hihigit pa doon. Tinanong ko din sa sarili ko kung bakit ko tinanggap ang pag ibig niya para sa akin. Mahal ko nga ba talaga siya o sadyang nababaitan lamang ako sa kanya. Kung magkaganun man, ay matututuhan ko din siguro siyang mahalin ng buong puso kapag kasal na kami. Natuturuan ang puso. Oo, may tiwala ako sa sarili ko na kaya ko ng ipagkatiwala sa kanya iyon ng buong pagmamahal. Sa tamang oras.. sa tamang panahon. "L-lets go." Kumalas ako ng yakap sa kanya. "Para agad na matapos. Excited pa naman ang dalawa." Aya ko na sa kanya at ako na mismo ang humila sa kanya para mawala ang nabuhay na agam agam sa puso ko. = "Dito lang muna kayo saglit baby, natanawan ko lang kasi ang isa sa colleague ko." Paalam sa akin ni Jason ng tumayo. At humalik sa nuo ko. Nasa isang restaurant na kami para sa tanghalian matapos kaming magpasukat para sa mga damit naming apat. "Sige lang." Pagpayag ko na may kasamang pagtango. Guhit ng ngiti sa labi. "Bantayan niyo si Daddy okay. Huwag niyong hahayaan na may ibang lumapit sa kanya." Pabirong bilin pa nito sa kambal na agad namang sumaludo sa kanya bilang sagot. Naging magana ang dalawa sa pagkain nila habang nakatanaw ako kay Jason na lumapit sa isang lamesa sa hindi kalayuan. Tumayo ang isa na nandoon at nakipagkamay dito. Halata na sinabi ni Jason na kasama kami dahil itinuro nito ang lamesa namin at kumaway pa sa amin. Kumaway din ako pabalik sa kanya. Pero para akong nabuhusan ng isang drum na malamig na tubig at na estatwa ako ng makilala ang lalaking kausap nito ng binalingan ko iyon. Kumabog ng malakas ang puso ko. Kahit na dinid ko ang mabining kalansing ng hawak na tinitor at kutsara ng kambal habang kumakain ay mas nanaig sa pandinig ko ang sariling t***k ng puso ko dahil sa lakas. Paano kong makakalimutan ang mga ngiting iyon. Ang mga malalalim na mata kung tumingin. Halos wala siyang ipinagbago sa higit anim na taon na lumipas. Napalunok ako at nagbawi ng tingin sa gawi nila ng mapansin kong dumako na ang tingin ng kausap nito sa amin. No! This can't be happening. Ang kamay ko ay pumailalim sa lamesa. Napahawak ako sa suot kong pantalon na bahagyang nanginig. Bakit dito pa? Bakit ngayon ko pa ito nakita kung kailan nakamove on na ako at nagbabagong buhay na kasama ng lalaking gusto ko ng makasama sa buhay na tanggap ako at tanggap ang anak mga anak ko. Gusto ko sanang tumayo na. Ayain ang kambal para umalis na sa restaurant na iyon pero ayaw kumilos ang katawan ko. Ayaw sumunod ang mga paa ko. Pero mas napako ako sa kinauupuan ko ng mapansin kong palapit sila sa amin. Damn it! Jason please, no. Lihim akong nanalangin na sana hindi niya ako makilala. Malaki na din ang ipinagbago ko simula noon dahil hindi na ako ang dating Reallan Charles na nakilala niya. I hope so! I hope so. Sandali. Ang mga anak ko. Pinilit ko ang sarili ko na kumilos para umalis na lang. Isasama ko ang kambal para hindi niya makita. Pero..... "Baby. What happened?" Si Jason na tuluyang nakalapit sa akin at huli na para makaiwas pa. "N-nothing." Halos wala ng boses ang lumabas sa bibig ko. Napayuko ako at pilit na itinatago ang mukha ko sa kasama niya. "You look tense. And.. you look pale.. May dinaramdam ka ba?" Muli nitong tanong. "W-wala. A-ayos lang ako." Muli kong sagot. Hindi ko mapigilan ang panginigan ng boses. Pero mas nagimbal ako ng mapansin ko na ang kambal ay napatingin sa kanya na ngayon ay nakatingin na din siya sa dalawa. "They are cute. Mga anak niyo ba sila?" Tanong niya kay Jason. "Hi kiddo." Sabay gulo ng mga buhok nila ng ipatong ang mga kamay niya sa ulo nila. "Hello po." Magalang na halos panabay din na bati nila sa kanya. "Oo bro. They are my children." Sagot ni Jason sa kanya pero hindi nakaligtas sa akin ang tinging ipinukol niya ng mapatingin na din ako sa kanya. "By the way, met my fiance. Allan, baby. Colleague ko si Kanye. Kanye Anderson." Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya na nakatitig parin sa akin pero hindi maikakailang bahagyang nangunot ang nuo niya na nakatitig sa akin. Nakikilala niya ba ako? "Nice to meet you Allan." Sabi nito sabay lahad ng palad sa akin. Alanganin na parang ayaw kong tanggapin ang pakikipagkamay niya ng maramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Jason sa siko ko kung saan siya nakahawak sa akin. "N-nice meeting you too." Sabi ko na lang. Na agad ding binawi ang kamay ko matapos akong makipagkamay. "If you don't mind. You can join us bro. Para naman may kasama kang kumain. Iyon lang kung may hinihintay ka pa." Alok ni Jason na lalong nakapagpahabag sa akin. Hindi na ako mapakali. Ewan ko, mali pala ako ng akala na nakalimot na ako pero nandoon parin ang sakit na iniwan niya. Iba din pala kapag hindi mo nakikita ang taong nag iwan ng malaking sugat sa puso mo na akala mo ay wala na iyon at naghilom na pero ngayon na nakita ko siyang muli ay bumalik lahat ng alaala na naiwan sa puso ko na matagal ng nananahan. Ang bigat sa dibdib na maalala ang sakit na idinulot niya sa akin. "Kung hindi ako nakakaabala sa date ng pamilya mo bro." Sagot niya dito na hindi parin inaalis ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay ang bigat ng mukha ko dahil sa pagtitig niya sa akin. "Oo naman bro. Come on." Saka nito inalok ang isang bakanteng upuan mismo sa tapat ng upuan ko. Mabuti na lang hindi nakikisawsaw sa usapan at pumapagitna ang kambal. Para hindi niya mapansin ang pagkakatulad nila. Hindi na ako umimik. Umupo na lang ako at pilit na iniiwas na lang na magawi ko ang tingin sa kanya na halata ko, hindi ko man derektang tignan ay napapasulyap siya sa akin. "Daddy, I want Ice cream later." Xavier said na katabi niya kaya halos sabay kaming napatingin dito na bumasag ng katahimikan sa pagkain namin. "Of course baby. We will buy later." Si Jason ang sumagot. "Me too, me too." Si Frances na agad din nitong sinang ayunan. "I feel like, nakita ko na ang mga anak niyo pero hindi ko matandaan kung saan ko sila nakita." He said na napapatingin din sa dalawa. Palipat lipat ang naging tingin sa aming tatlo na parang may gustong ipahiwatig ng tingin niyang iyon. Muli akong napalunok ng magawi ang paningin niya sa akin at huli na ng bawiin ko ang tingin ko dahil nagtama na ang mga mata namin. May kung anong sinasabi ang mga mata niya na hindi ko naman mapangalanan. "Siguro sa mga health school program bro. Diba madalas ka naman minsan mag volunteer sa mga ganun." "Mmm, I think so." Na sinabayan ng pagtango pero sa akin parin siya nakatingin. "Excuse me. Magbabanyo lang ako." Nasabi ko na lang saka mabilis na tumayo. "Go on baby." "Thank you." Mabilis na tinalunton ko Comfort Room at nagkulong sa isang cubicle doon. Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng mawala na siya sa paningin ko at hindi na ko na ramdam ang titig niya sa akin. "Reallan Charles Dela Cruz. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko sa sarili ko na hindi ko din alam ang tamang kasagutan. Anim na taon ng mahigit pero bakit parang naging sariwa parin ang mga nangyari noon ngayon nakita ko ulit siya. "Damn it! Damn it Reallan. Damn it." Sunod sunod na mura ko sa sa sarili. Hindi ito maari. Nakalimot na ako. Nakalimot na. Pero nakalimot nga ba ako? O sadyang niluluko ko lang ang sarili ko. Ahhhhhhh! Gusto kong sumigaw para lang sana mailabas ko ang kaba sa dibdib ko na nabuhay mula pa kanina. Pero nasa pampublikong palikuran ako ay hindi ako makasigaw gaya ng nais ko. Bigla akong nalito, ang daming katanungan sa isip ko at bumabagabag sa puso ko. "Anong gagawin ko? Sana hindi niya ako makilala. Sana nga." para na akong mababaliw dahil sa mga tanong ko na ako din naman mismo ang sumasagot. Kinalma ko ang sarili ko. Nagpalipas pa ng ilang sandali bago ako nagpasyang lumabas sa cubicle ng makabalik na sa kanila.Mqgkunwaring hindi ko siya kilala. Kailangan kong humarap dito na tama at hindi iyong ganito na parang may hinala na siya. Oo, I need to act like I don't know him. I will. And I can do that. "It's been a while little Kitten." Pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko na pagbukas ko ng pinto ng cubicle ay nakasandal siya sa sink board habang ang mga kamay ay nakasalikop sa kanyan dibdib na ngayon ay nakatingin na sa akin. Seryuso na parang inaarok at hindi din makapaniwala na magkikita kaming muli. And that little Kitten thing ay nagsasabing nakikilala nga niya ako. ¤¤¤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD