Chapter 1

1158 Words
PINIKIT ni Alexa ang mata niya nang i-brush ng makeup artist ang final touch sa pisngi niya.  “Ayan, perfect!” masayang sabi ng babae. Bagay na bagay kay Alexa ang pinkish cheeks dahil fresh siyang tingnan.   Nang binuksan ni Alexa ang mata niya ay namangha siyang makita ang sarili sa salamin. Hindi lang sa makeup kundi sa bukod tanging ganda niya. Her name is Alexa Cruz o mas kilala sa tawag na Aria. Tatlong taon na siyang freelance actress and model, at dahil sa career niya ay malapit na niyang mapagtapos ng pag-aaral ang nakababata niyang kapatid na si Margaret Cruz.  Ulilang lubos ang magkapatid simula no’ng namatay sa sakit na cancer ang ina nila, at bata pa lang si Alexa nang mamatay naman sa car accident ang ama nila. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Alexa at pinili na lang magtrabaho para sa kinabukasan ng kapatid. Hindi naman niya ito pinagsisihan dahil masaya siya sa career niya, di man katayog ang kasikatan niya, at least kumikita siya. Pero hindi nawawala ang pangarap niyang maging famous artist.  Tumindig siya at tiningnan muli ang sarili sa mahabang salamin. She’s wearing a wedding dress na design ni Allison Moore. Napili siya para maging bride sa wedding advertisement. She grabbed the opportunity dahil malaki ang posibilidad na sumikat siya dito. “Alright Aria, puwede ka nang lumabas. The bridal car is waiting for you outside,” ani ng manager ni Alexa na si Miss Olivia. “Okay po.” Hinawakan ni Alexa ang magkabilang saya ng wedding dress niya at inangat itong bahagya saka humakbang palabas ng dressing room. Pagdating niya sa bridal car, dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Akala niya sasama si Miss Olivia, ngunit naiwan ito sa labas. “Miss Olivia, hindi ka po sasama?” tanong ni Alexa nang sumilip siya sa may bintana. Binaba ni Miss Olivia ang sarili para itapat ang sarili sa bridal car. “Mauna ka na dahil may kukunin pa ako sa loob. Nag-aabang na ang mga staff sa’yo sa simbahan. Sige na umalis na kayo,” tugon na wika ni Miss Olivia saka inayos ang pagtindig. Sumandal si Alexa sa kinauupuan niya. Huminga siya nang malalim saka nagsalita sa manong driver. “Alis na po tayo, kuya, ayokong ma-late sa shooting.” “Sige po, Ma’am.” Habang nasa byahe sila ay hindi maalis ni Alexa ang kaba niya sa dibdib. Alam niya kasing malaking project itong pinasukan niya. Nakapag-pictorial na siya kahapon at ‘yon daw ang gagamitin sa billboard. Ngayon naman ay shooting para sa advertisement na ipapalabas sa lahat ng social media at sa TV.  Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang bridal car ni Alexa sa tapat ng lumang simbahan ng San Agustin ng Intramuros, Manila.  “Andito na po tayo, Ma’am,” ani ni manong driver saka siya bumaba at pinagbuksan ng pinto si Alexa. Napangiti si Alexa dito kahit may natitira pang kaba sa dibdib. Nasaulo naman na niya ang script kagabi kung ano mga sasabihin niya sa harap ng pari at pati sa groom. Pagkababa niya sa bridal car ay bumangad sa kaniya ang malamig na hangin sa mukha. Mas lalo siyang napangiti dito, kahit na puno ng usok ang Manila ay balewala niya ito nang maramdaman ang tantya niyang preskong hangin na nalanghap niya. “Maraming salamat, manong.” Nasa harap na siya ng San Agustin Church at napaisip siya bigla kung sino kaya ang makakasama niyang groom sa shooting. Hindi kasi sinabi sa kaniya ang bagong groom dahil nag-backout daw ang unang groom nagaganap.  Pinasadahan ni Alexa ang tingin niya sa paligid. Marami ang mga sasakyan na naka-park sa labas, napaisip siya na baka mga sasakyan ‘yon ng mga staff, napakibit-balikat na lamang siya at sinimulang maglakad papuntang pinto ng simbahan. Habang naglalakad siya ay napansin niyang isang photographer at videographer lang ang nasa harap niya. Alam niya kasi na kapag may ganitong shooting, pinapalibutan siya ng mga cameraman. Napansin din niyang wala ang direktor sa labas. Sa pagkakaalam niya kasi ay kukunan siya ng video pagkababa pa lang ng sasakyan. Minsan kasi, ang direktor ay nakaupo sa harap ng mahabang mesa na may nakapatong na mga monitor at computer. Kinausap ni Alexa ang photographer para tanungin kung nasa’n ang ibang mga staff. “Kuya, nasa’n ang ibang mga staff? Sina direk nasa’n?” “Mga staff? Nasa loob na, kanina pa. Ikaw na lang kaya hinihintay sa loob. Mabuti at sumipot ka sa kasal, ang tagal mo kasi dumating akala namin hindi ka na magpapakita,” ani ng photographer habang kinukunan ng litrato si Alexa. Napataas ng kilay si Alexa at hindi niya masyadong maintindihan ang sinabi nito. Bakit naman sasabihin ng photographer na hindi siya sisipot sa shooting? Nababaliw na ba ‘to? “Uh. . . baka nagkamali ata ako ng pinuntahang simbahan,” ani Alexa nang mapansin niya na parang may mali. Simula pa lang sa script ay ibang-iba na sa aktuwal na nangyayari.  Napahinto sa ginagawa ang photographer at videographer. Napababa sila ng dala nilang camera. “Ano? Paanong magkakamali ka ng simbahan? Dito ka di ba binaba ng driver mo?” naguguluhan na sabi ng videographer saka naman sumingit ang photographer. “Ikaw ba si Alexa Cruz? Ang bride sa wedding na ‘to?” tanong ng photographer kaya biglang nawala ang pagduda ni Alexa nang marinig ang buo niyang pangalan. “Tama, ako nga si Alexa Cruz. Hindi niyo ba ako nakikilala? Ako si—” Sasabihin sana ni Alexa ang screen name niya bilang Aria nang sumingit sa usapan ang isang babaeng tantya niyang staff ng event. “Kayo po ba si Alexa Cruz? Pumasok na po tayo, marami na po nag-aabang sa’yo.” Napakunot-noo si Alexa dahil ito lang ata ang unang beses na narinig niyang tinawag siya sa tunay niyang pangalan ng staff. Kadalasan kasi, Aria ang tawag sa kaniya. Siguro kailangan pa niya mag-work hard para mas makilala siya bilang Aria. Kaya itong advertisement ang magiging daan para mas makilala pa siya ng mga tao. Nasa harap na siya ng ngayon ng pinto ng simbahan. Pagkabukas ng pinto ay mas lalo siyang naging kabado dahil ito na. . . ito na ang pagkakataon niya para numingning ang pangalan niya sa showbiz industry. Pagtingin niya sa loob ay laking gulat nang makita halos mapuno ang upuan ng simbahan sa dami ng mga bisita.  Ganito ba talaga karami ang mga extra na kinuha ni direk? Hindi na inisip ni Alexa ang bagay na ‘yon bagkus ay naglakad siya sa aisle papuntang altar. Napatingin siya sa dulo at nakita niya ang isang lalaki kasama ang pari na inaabangan siya. Hindi maklaro ni Alexa kung sino ang groom niya dahil malayo pa. Pero habang palapit na palapit siya sa destinasyon niya ay napaigtad siyang makita ang lalaking hindi niya inaasahan. That was Stell Montreal—actor or model-s***h-CEO ng kilalang kompanya na Montreal Group. Hindi niya inaasahang magiging groom niya ang lalaking kinamumuhian niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD