Chapter 2

1381 Words
NAPALUNOK na lang si Alexa nang patuloy na naglakad ito patungong altar. Nawala na sa isip niya ang direktor at ang mga staffs sa project dahil nakapokus ang atensyon niya kay Stell. Pakiramdam niya ay parang main character moment niya ito kasama ang pinakagwapong groom na nakilala niya. Matangos ang ilong ni Stell, may makapal na kilay ito, at kasing puti ng labanos naman ang kutis nito na talagang may halong dugong banyaga ang binata. Hindi lang ‘yon, napansin ni Alexa na bagay na bagay kay Stell ang suot nitong black suit na may bow tie. May tangkas naman na mga mga bulaklak na nakakabit sa left side ng damit nito. “Siya pala ang groom ko? Tss,” naiinis nitong sambit sa isip. Hindi pa rin kasi makalimutan ni Alexa ang nangyari sa kanila ni Stell pagkatapos ng birthday party ng kaibigan niyang artista na si Valerie. Biglang naglakbay ang isip ni Alexa papunta sa nakaraan nang maalala niya ang pangyayaring ‘yon, dahil sa party na ‘yon nagsimula ang lahat kung bakit kinamumuhian ni Alexa si Stell Montreal. Lasing si Alexa no’ng gabing ‘yon nang dinala siya ni Stell sa hotel. Nagising na lamang si Alexa nang makita ang katabi niyang lalaking walang saplot sa katawan. “Waah! Who are you? Anong ginawa mo sa akin? Bakit nakahubad ka?!” sigaw ni Alexa nang lumayo siya sa lalaki. Naalimpungatan si Stell sa malakas na pag sigaw ni Alexa. Napatingin siya sa sarili niya at napagtantong wala nga talaga siyang saplot sa itaas. Mabilis niyang hinablot ang kumot na malapit kay Alexa at binalot ang sarili. “Uh–I-I’m sorry!” “Anong sorry-sorry ka d’yan? Sino ka at ba’t nandito ako sa. . . “ Ginala ni Alexa ang tingin niya sa kuwarto at nabasa niya ang pangalangan Rise Hotel sa loob. “Hotel?!” gulat niyang pang sabi. Napahigit siya ng paghinga saka kagyat na tiningnan ang sarili. Napasigaw siya sa gulat dahil napansin niyang iba na pala ang suot niya. Isa lang pumasok sa isip niya, this guy in front of her changed her clothes without her permission! “A-Anong ginawa mo sa damit ko? B-Bakit iba na ‘to? Ha? Walang hiya ka! r****t!” Pinagsasampal ni Alexa ang braso ng lalaki, na ‘yon namang ginawang shield ni Stell sa magandang mukha niya. “Teka, sandali lang. Sandali! Tama na!” sigaw ni Stell na makaramdam ng sakit sa braso. Agad na huminto si Alexa sa ginagawa niya at inis na inayos ang magulo niyang buhok. “Alam mo kung sino ka man, ang lakas din ng loob mong dalhin ako sa hotel at i-r**e ako? Ano ha? Masaya ka na? Nakuha mo na ang bandera ko? Purket. . .purket ang guwapo mo, ganito na ang gagawin mo sa akin? Ha?” galit na sabi ni Alexa saka siya huminga nang malalim. “Puwede bang kumalma ka muna? Hindi kita ni-r**e, okay? Dinala kita dito dahil lasing ka at—” Hindi na tinapos ni Alexa ang sunod pa nitong sasabihin. “Oh kita mo na? Lasing ako tapos pinagsamantalahan mo ang pagkalasing ko?” Bumaba sa kama si Alexa. “Paano ako ngayon kakalma ha?” dagdag pa niyang sabi. Huminga nang malalim si Stell. “Hindi mo ako maintindihan, Miss Aria.” Nanlaki ang mata ni Alexa nang marinig niya ang pangalan niya sa showbiz. Kilala pala siya ng lalaking ito. Sarkastikong napabuga siya ng hangin at tiningnan niya ito ng masama. “Kaya pala dinala mo ako dito dahil alam mong artista ako, ‘tapos ni-r**e mo ako? Ang kapal talaga ng pagmumukha mo!” Kinuha ni Alexa ang mga unan na malapit sa kaniya at binato ito sa lalaki. “Walang hiya ka! r****t!” sigaw ni Alexa. Lahat ng mga nakita niya—flower vase, remote ng TV, magazine, nakatuping towel at bottled water ay walang atubiling binato niya ito. Ibabato na sana niya ang bibliya sa mesa pero dahil mahal niya ang Diyos, binalik niya ito sa lalagyan. Sorry, Lord, patawarin niyo ako. Dahil palaban si Alexa, humantong sila sa presinto. Malinis ang intensyon ni Stell, nagmamagandang loob lang naman siya kay Alexa dahil hindi niya alam kung saan niya ito dadalhin at tanging hotel lang ang naisip niya. Lasing si Alexa nang magtagpo ang landas nila sa labas ng bahay ni Valerie, dinala niya ito sa hotel at padating sa loob ay sumuka ito at nadumihan ang damit. Bumili pa ng bagong damit si Stell at siya na ang nagpalit nito. Hindi naman niya inakalang aakusahan siyang r****t. “Sir, dinala niya ako sa hotel without my permission,” wika ni Alexa sa police. “Hindi naman kita ni-r**e. Kahit mag-conduct ka pa ng medical exam sa sarili mo, malalaman mong hindi kita ginalaw. Nagmagandang loob lang ako sa’yo dahil nakita kita sa labas na lasing at walang kasama. Pababayaan na sana kita pero hindi ako tinigilan ng konsensya kong makita kang pinagpipyestahan ng mga lalaki sa kanto dahil sa iksi at hapit mong suot. Dinala kita sa hotel dahil ‘yon lang ang naisip ko. Pagdating natin sa kuwarto, nagsuka ka kaya nadumhan damit mo. I bought new clothes at binihisan kita.” Napalunok ng laway si Alexa dahil hindi niya matanggap na nakita ng lalaking ito ang katawan niya. “Kita mo na, Sir? Inamin niya na binihisan niya ako. So, nakita niya ‘yong ano ko?” protesta ni Alexa sa pulis. Napapikit ng mata si Stell saka napahawak sa noo. “Malamang! Alangan naman pipikit ako? Eh, hindi na nga kita makausap ng matino dahil sa kalasingan mo. Kailangan kong palitan ang damit mo dahil madudumhan mo ang kama. Dapat nga nagpapasalamat ka sa akin dahil niligtas kita sa kalsada pati do’n sa mga lalaking pinagpipyestahan ang katawan mo,” naiinis na salaysay ni Stell. Punong-puno na si Stell sa pang-aakusa ni Alexa sa kaniya. Nagmamagandang loob lang naman siya, bakit siya pa itong may kasalanan? “Oh, nagmamagandang looob lang pala itong si Sir, Ma’am. Baka puwede namang patawarin mo na siya at kalimutan mo na lang ang nangyari,” pakiusap ng pulis. “Kalimutan? Kung panaginip lang ‘to, this is the worst nightmare ever! Hindi ko ‘to makakalimutan!” galit na sabi ni Alexa. Ilang sandali pa ay dumating ang secretary ni Stell na si Marcus at kinausap ito. “Haay. Dito lang pala kita nahanap, Sir Stell. Mabuti na lang ay naka-on ang gps ng cell phone mo. Kailangan na nating umalis, ma-la-late na po kayo sa opisina. Tumawag din kanina ang pinsan mong si Valerie.” Nagulat si Alexa nang mapagtanto niyang magpinsan pala ang lalaking ‘yon saka ang kaibigan niyang si Valerie. Naningkit din ang mata ni Alexa sa narinig niyang pangalan. Pamilyar ang pangalang Stell sa kaniya kaya hinalungkat niya sa isip niya kung saan niya ito nakita o narinig. Hanggang sa natigilan siya nang mapagtantong ang lalaking kaharap niya ay si Stell Montreal pala! Ang sikat na artista at model-s***h-CEO ng Montreal Group. Hindi niya ito namukhaan kaagad dala ng nangyari kanina. Tumindig sa kinauupuan si Stell habang nakatingin kay Alexa pagkatapos ay humalukipkip ito. “So, I have to go now, Miss Aria. Kung gusto mo i-demanda mo na lang ako. I’ll hire the best lawyer at sisiguraduhin kong matatalo ka sa kaso,” taas kilay nitong sabi na may sarkastikong tono. Tumalikod na si Stell at lumabas ng police station kasama ang secretary. Samantalang naiwan mag-isa si Alexa. Napabuga na lang siya ng hangin saka tumindig. “Kita niyo na, Sir? Ang lakas talaga ng loob niya. Ugh!” Hingal na hingal si Alexa dahil sa galit. Napakuyom na lang siya ng kamay habang minumura niya sa isip si Stell, pero syempre agad naman siyang humingi ng tawad kay Lord dahil mali ‘yon. “Kung hindi ka lang talaga guwapo, Stell, nasampolan na sana kita kanina. Ayoko lang na masira ang maganda mong mukha mo at ako pa ang sisihin ng mga fans mo,” aniya sa isip. Pinangako ni Alexa na kapag magkita ulit sila sa pangalawang pagkakataon ay hindi na niya ito palalampasin. Magbabayad si Stell sa pananamantala sa kaniya. Pero hindi naman niya inakalang mas mapapaaga pa pala ang pangalawang pagkakataon na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD