Kabanata 2 Pagsubaybay

1464 Words
Bumaba ako ng kotse, sinubukan kong maghanap ng mga ebidensya sa sasakyan.   May nakita akong maliit na plastic sa ilalim ng passenger seat, pero nakilala ko agad ito, at bahagi ito ng packaging ng condom.   Hindi pa kami nagse-s*x ni Lyn sa kotse. Paano kaya nagkaroon ng punit na wrapper ng condom sa kanyang sasakyan?   Halos sigurado ako na may kalaguyo si Lyn.    Natiklop ko ang mga kamao ko sa galit. Kaya pala gumawa siya ng kuwento para awayin ako nang matagal. May iba na pala siyang lalaki!   Nakita kong nakatanggal ang dash cam sa sasakyan, plug lang ang naiwan, at ang dash cam ay itinapon sa kung saan.   Umupo ako sa passenger seat, at sa sobrang galit ko ay nasuntok ko ang kamao ko sa dashboard.   Ang sakit ng kamay ko, pero mas nasaktan ang puso ko.   Sumandal ako sa passenger seat.  Sakto lang sa pakikipag-s*x ang lapad ng passenger seat.   Sumandal ako paharap at huminga sa windshield sa unahan. Maya-maya, nag-fog ang windshield at may nakita akong bakas ng mga paa ng babae sa windshield. Punong-puno ng passion!   Pinigil ko ang galit ko at umuwi nalang.   Natutulog pa si Lyn at ang bag niya ay nasa sofa sa sala. Lumapit ako at dahan-dahang binuksan ang bag ni Lyn. Nang sisilipin ko na sana ito, narinig ko ang boses ni Lyn na nagmula sa kwarto: "Nakita mo ba ang panty ko? Bakit hindi ko mahanap, masyado kang mainit kagabi.”   Nakita ko ang seksing lace na panty sa sofa, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkalumo. Hindi siya nagsusuot ng ganyang lace na panty dati, at transparent pa ang harapan. Halatang binili iyon para matuwa ang kanyang lalaki. .   “Sa sofa." Sinubukan kong kontrolin ang aking galit at kumilos nang normal.    Lumabas si Lyn mula sa kwarto.  Nagsuot ng panty at pumunta sa banyo para maligo.   Dali-dali kong binuksan ang bag niya at nakita kong may dalawang condom sa bag. Ikinumpara ko ang mga punit na balot ng condom na nakita ko sa kotse , at pareho sila.   Sa bag ni Lyn, mayroon ding isang napakagandang kahon. Binuksan ko ito at nakita kong isa itong singsing na diyamante, hindi bababa sa limang karat na napakakintab.   Ang puso ko ay lumubog sa isang iglap.  Malamang ito ay ibinigay kay Lyn ng lalaking iyon, at ito rin ay regalo para sa pagsusumikap ni Lyn!   Kapag naiisip kong si Lyn ay may ibang kinakasama at walang hiyang nagtaksil, lalo akong nagalit.   Hindi ko na nakayanan. Dali-dali akong pumunta sa banyo, ibinato sa mukha niya ang kahon ng condom at singsing, at sumigaw na, "Lyn, anong pinanggagagawa mo?"   Laking gulat ni Lyn.   “Ano ang kinababaliwan mo sa umaga?", galit na sabi ni Lyn.    “Sa kotse mo, may mga punit na balot ng condom, na eksaktong kapareho ng condom sa iyong bag. At paano mo ipapaliwanag ang diamond ring na ito?” Galit kong isinigaw.   Medyo nataranta si Lyn, ngunit mabilis siyang kumalma.   “Ang kliyente namin ay gumagawa ng condom at nagsagawa kami ng mga marketing ads ng condom. Lahat ng tao sa kumpanya namin ay meron nito. Kung hindi ka naniniwala, maaari kang magtanong. Tungkol naman sa mga punit-punit na balot ng condom, sa tingin ko ay aksidenteng naiwan iyon ng photographer nang buksan niya ito. Umuulan ng araw na iyon, at gumamit siya ng condom para hindi mabasa ang lens ng camera. Mabilis na tumugon si Lyn, na hawak hawak ang diamond ring, "At ito, hiniling din namin sa kumpanya ang alahas para sa advertisement.  Kung hindi ka naniniwala, maaari mong tanungin sa opisina. "   Nang marinig ko itong sinabi ni Lyn, agad kong napagtanto na ako ay naging padalus-dalos.   Kahit kailan ay hindi ako na nanalo sa pakikipag-away kay Lyn.   Si Lyn ay mahusay magsalita at mabilis siyang sumagot.  Sa loob lamang ng ilang segundo, ipinaliwanag niya ang lahat.   Alam ko sa aking puso na ang lahat ng ito ay mga dahilan, at ang pangangaliwa ni Lyn ay isang tiyak na katotohanan, ngunit hindi ko alam kung paano ipagpapatuloy ang pagtatanong.   “John, alam mo ba kung ano ang pinakamalaking problema sa pagitan natin? Wala tayong tiwala sa isa't isa. Lagi kang nanghihinala. Pati mga kaibigan ko, sabi nila nagpakasal daw ako sa isang mapanghinala na asawa, at masyado mo akong binigo.” Agad namang tumalikod si Lyn, "Nakalimutan mo na ba na noong huli tayong nag-away, ito ay dahil sa hinala mo sa akin.  Pinatawad lang kita. Nagkamali ka na naman ba?" "   Si Lyn ay mukhang galit na galit: "Kung sa tingin mo ay kaya mong mabuhay ng ganito, ituloy natin.  Kung hindi, maghiwalay na tayo!"   Ganap na ginulo ni Lyn ang aking pag-iisip.   Alam kong kung ipagpapatuloy ko ang usapang ito, wala itong mabubunga. Sa halip, ako ay matatalo ni Lyn.   Sa tagal naming mag-asawa, hindi ko pa ganap na kilala si Lyn.    Kung patuloy kong itatanong sa kanya kung ano ang puting mantsa sa passenger seat, malamang ay may magagawa pa rin siyang dahilan para mabalewala ang tanong ko. Baka sabihin na lang nya na may nahulog na ice cream sa upuan kaya’t nagkamantsa.   Tungkol naman sa bakas ng paa ng babae sa windshield, sasabihin niyang kasamahan niyang babae na nakisakay sa kanyang sasakyan.   O may iba pang lehitimong dahilan na hindi ko pa maisip.   Si Lyn ay palaging nakakagawa ng isang makatwirang paliwanag sa pinakamaikling posibleng panahon.   Kung hindi mo ilalagay sa harap niya ang matibay na ebidensya ng pagtataksil niya, hindi niya ito aaminin.   Agad akong kumalma at napagtanto na nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali, iyon ay minaliit ko ang kakayahan ni Lyn sa pagiging tuso. Ang buhay ay parang dula, depende lahat sa pag-arte. Kaya niyang umarte, kaya ko rin.  Sa pagpapatibay naman, mas mabilis nating mahahanap ang katotohanan.   "Pasensya ka na, kasalanan ko ang lahat. Masyado kasi akong nag-aalala sayo kaya naisip ko ang lahat na ito. Wag ka ng magalit ha?"   Nang marinig ni Lyn ang sinabi ko, malamang naisip niya na naniniwala ako sa sinabi niya, kaya pinilit niyang ngumiti at sinabing, "Bawal na ito sa susunod.  Ang pinakamahalagang bagay sa pagitan ng mag-asawa ay ang tiwala. Maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan ." “Pangako hindi na ako maghihinala pa. Maghanda ka na ng almusal nang makakain ka na! " sabi ko, sabay ngiti ng pilit. “Hindi ako mag-aalmusal. Galit na galit ako, nakalimutan kong sabihin sa iyo na ang kumpanya ay may out-of-town project,  at sasama ako sa isang business trip sa darating na linggo."   Sabi ni Lyn, sabay suot ng seksing palda.   Sumunod na lingo, nagmake-up si Lyn at siya’y napakaseksi. Mahaba na tuwid ang buhok, nakasuot ng shawl, low-cut jacket, at walang bra. Naglagay lang siya ng n****e stickers at kusa niyang pinisil ang kanyang s**o. Napakamapang-akit ang malalim niyang cleavage. Naka-black stockings, stiletto heels… hindi naman ito mukhang business trip, kundi rendezvous.   Noong una, puno ako ng pagkakonsensya tungkol sa nangyari sa amin ni Sue.  Ngunit nang malaman ko ang tungkol sa pagtataksil ni Lyn, tanging galit ang nababalot sa aking puso.   Matagal nang nakaimpake ang maleta ni Lyn, at mukhang handa na siya. Tiningnan ko si Lyn na may tipid na ngiti, pero nagdurugo ang puso ko. Alam kong may kinalolokohan ang asawa ko na ibang lalaki, kaya pinilit kong ngumiti.   Napakagaling din ni Lyn na magpanggap.  Sinadya niyang magkunwari na nag-aatubiling dalhin ako sa business trip niya. Lumapit siya at hinalikan ako: "Pasensya ka na at hintayin mo na lang ako, babalik ako."   Umalis na si Lyn, kaya palihim kong sinundan ang sasakyan niya.  Ang walang hiyang ito ay hindi papunta sa airport. Nagmaneho ito sa kabilang direksyon.   Nagdahilan siya na pupunta sa isang business trip, yun pala ay may pupuntahang affair.   Nanginginig ako sa galit, parang dinudurog ang puso ko.    Hindi man lang ako nagkaroon ng oras para maging malungkot. Sinundan ko ang sasakyan ni Lyn hanggang sa malayo.   Wala pang kalahating oras pagkatapos kong magmaneho palabas, nakita kong huminto ang sasakyan ni Lyn sa entrance ng isang hotel. Sa bukana ng hotel, may nakatayong lalaki.  Bumaba si Lyn sa kotse, pinakembot ang seksi nitong bewang, at naglakad patungo sa lalaki.   Nang makita ng lalaki si Lyn, niyakap niya ito. Inilagay niya ang malalaking kamay sa puwet nito, at walang hiyang hinaplos.  Sa halip na magalit, si Lyn ay sumunod sa lalaki at nagkusa na halikan ang lalaki sa bukana ng hotel.  Pinasok ng lalaki ang kanyang kamay sa damit ni Lyn at hinimas nang malakas ang hinaharap ni Lyn.  Mukha silang sabik sa isa’t isa.  Ang prosti na ito ay hindi nagsuot ng bra upang mabilis na mahawakan ng lalake ang dibdib nito.    Nag-alab sa galit ang aking dibdib, namumula ang aking mga mata, at nandilim ang paningin ko.  Bumaba ako ng sasakyan at sumugod ng pasigaw: "Mga aso! Hayup kayong dalawa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD