Kabanata 3 Ang Pagpapahiya

1317 Words
Kabanata 3 Ang Pagpapahiya   Nagulat si Lyn at ang lalaki nang makita nila akong biglang sumulpot , lalo na si Lyn. Nang makita nila akong lumitaw sa harapan nila, namutla si Lyn.  Nanlaki ang kanyang mata sa takot, at sa sobrang takot ay napa-atras siya ng ilang hakbang.   “Bakit ka pumunta dito? " natatarantang tanong ni Lyn.   “Kung hindi ako sumunod sa yo, hindi ko makikita ang mga kawalanghiyaan mo.”  Ramdam ko ang panginginig ng boses ko sa galit.   “Makinig ka sa aking paliwanag, ang mga bagay ay hindi tulad ng iniisip mo."  Magpapalusot na naman ang babaeng ito.   Akala pa rin niya na tanga ako hanggang sa mga oras na to?    Kung hindi pa ito nakita ng sarili kong mga mata, hindi ko akalain na si Lyn ay ganito kababa at kawalanghiya.    Sa ilalim ng sikat ng araw, sa b****a ng hotel, ni hindi na sila nakapaghintay na naglaplapan at naghipuan nang walang anumang kahihiyan.   “f**k! Ano pa bang dapat ipaliwanag, mga hayop!" Galit na galit na ako.   Sumigaw akong sumugod. Sinuntok ko nang malakas ang lalake.  nabasag ng husto ang mukha niya at kumalat ang dugo. Hinawakan at pinigilan ako ni Lyn, “John! Huwag kang pabigla-bigla."   “Huwag mo akong pigilan!" Namumula ang aking mga mata, at ang puso ko ay handang pumatay.  Hanggang sa ngayon, pinoprotektahan pa rin ni Lyn ang hayop na iyon.   Buong lakas kong itinapon si Lyn.   “John, makinig ka sa akin, mali ang iniisip mo." Ani ni Lyn, at niyakap niya ako mula sa likod.   “Bitiwan mo ako!"  Punong-puno ng matinding galit ang puso ko.  Hinila ko nang malakas ang kamay ni Lyn, sabay itinulak siyang palayo, hanggang sa natumba si Lyn. Pinunasan ng lalaki ang dugo sa gilid ng bibig niya at sinuntok ako sa mukha.   Agad na dumugo ang aking ilong, ngunit hindi ko ininda ang sakit, sabay ang pagkuyom ng aking kamao at sumugod patungo sa lalaki.   Lumabas na ang security guard ng hotel at pinigilan ako. “Bitawan mo ako.” Pumipiglas kong sigaw, at inipit ako ng sekyu sa pader.  Hindi ako makagalaw.   Tinulungan ng hayop na lalaki si Lyn na bumangon mula sa sahig. Nakita ni Lyn na si Louie ay nasugatan at kumuha ng tissue para punasan ang dugo sa kanyang mukha.   Mababaliw na ako.  Asawa ako ni Lyn, ngunit mahal na mahal talaga ng walanghiyang babaeng ito ang animal na lalaking iyon.   Tumingin sa akin ang lalaki at nakangising sinabi, "Ikaw ang walang kwentang asawa ni Lyn!  Dumating ka sa tamang oras.  Kung hindi ka nagpakita, hahanapin talaga kita."   Sinabi nung lalaki, at sa mismong harapan ko, niyakap niya si Lyn.   “f**k you!”   Napasigaw ako at nagpupumiglas.  Sinubukan kong agawin ang batuta ng sekyu subalit hinampas ako nito sa likod.  Sa sobrang sakit, halos malagutan na ako ng hininga.    Nang makita ng lalaki ang aking kahihiyan, ngumiti pa siya at mapang-asar na sinabing,  "John, ano ang ipanglalaban mo sa akin, isang kibot ko lang.  Ang pagpatay sa iyo ay para lang pagdurog sa isang langgam.  Nakita mo ba itong hotel sa likod ko? Akin ito, at ano ang ipinagmamalaki mo? Ang isang maliit na empleyado na may kakarampot na suweldo ay hindi karapat-dapat kay Lyn.” “Lyn, Mahal, pagkakataon mo na makipaghiwalay sa kanya ngayon, upang hindi na tayo kinakailangan pang maglihim ng ating relasyon.”   Galit akong nakatingin kay Lyn. Nakita ni Lyn na kontrolado na ng lalaki ang sitwasyon, at nawala ang pagkagulat sa kanyang mukha.   Nang makita ako ni Lyn na binubugbog ng sekyu kanina, tiningnan lang ako ni Lyn na walang pakialam, hindi man lang kumibo para ipagtanggol ako.    Agad na nanlamig ang puso ko.   Tumingin sa akin si Lyn at halos walang pagdadalawang-isip na sumandal sa lalaki: "John, maghiwalay na tayo. Hindi sapat ang suweldo mo para makabili ako ng mga pampaganda ko.  Walang kang ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili mo. Wala kang pangarap sa buhay!"   “Narinig mo? Sinabihan ka ng asawa mo na lumayas ka na!"  Pagtatagumpay na sambit ng lalaki.  Sa mismong harap ko, hinalikan niya talaga si Lyn.   Parami nang parami ang mga usisero sa paligid.  Nakatingin sa akin at nakaturo, nakangisi at tumatawa. Parang sinasabi nila, wala akong kwentang lalakeng, nagpapaloko sa asawa niya.  Walang kwentang lalaki, balahura!   Isang malaking kawalang-hiyaan na tagos sa puso ang naramdaman ko.  Sa pagkakataong iyon, ako ay napahiya sa pagsama ng aking asawa sa kanyang kabit, at wala akong maiharap na mukha.   Naramdaman kong umikot ang mundo ko.  Isang masangsang na pakiramdam ang bumalot sa aking lalamunan, at sumigaw ako nang parang baliw tsaka pumiglas sa sekyu.   Inilabas ko ang balisong sa aking bulsa, at sa sobrang galit ay sumugod ako sa hayop na asawa ko at ang kanyang kalaguyo.  Isa lang ang nasa isip ko, magsama na kaming lahat sa impyerno!   Pagtakbo ko pa lang ng ilang hakbang, naramdaman ko na lang na may pumukpok sa ulo ko.  Nandilim ang paningin ko at bumagsak ako sa lupa, na sinundan pa ng panibagong suntok at sipa.   Nakagulantang ako sa lupa, na sinamahan pa ng nag-aapoy na sakit.  Tanging pagmamasid lamang sa hayop na lalaking iyon ang aking nagawa. Sirang-sira na ako, wala akong magawa. Buong pagmamalaki na niyakap ng lalaki ang balingkinitang baywang ni Lyn at sumakay sila sa isang limousine.   Hindi ko na namalayan kung kailan nagsimulang umulan, at unti-unting nag-alisan ang mga sekyu.   Umiiyak at sumisagaw kong hinampas ang aking ulo sa lupa.    Naghalo na ang ulan at luha sa aking mata.    Mukha akong tangang pinagtitinginan ng mga taong dumaraan.   Pinilit kong bumangon sa lupa.  Palakas ng palakas ang ulan, at matagal nang umalis ang mga hayop na yon.   Sa sandaling iyon ay kumulog, na tila bang nakikiramay sa akin sa kanilang ginawang kawalanghiyan.    Tumayo ako sa gitna ng malakas na pag-ulan, nagwawala at nag-hysterical.   “Paano na?”   Parang natuyo ang buong kaluluwa at katawan ko.   Naglalakad ako sa kalye na parang walang kaluluwa tila bang  naglalakad na patay.   Ang buhos ng ulan ay tumatama sa aking katawan, at ako'y nanginginig na parang bangka sa rumaragasang tubig. Ang asawang minahal ko noon, at ang kanyang kalaguyo, ay pinahiya ako sa harap ng lahat, at nawala ang dignidad ko. Umiiyak ako, nagmumura, may hawak na payong sa kalsada, at parang tangang pinagtitinginan ng mga dumaraan.    Sa puntong ito, para akong baliw na pinagtatawanan ng lahat.    Ang lahat ng ito ay bangungot lamang.   Paulit-ulit na sinasabi ni Lyn na mahal niya ako, pero nakikisama siya sa ibang lalaki sa likod ko. Ang dating mga pangakong magsasama kami habang buhay, ay pawang kasinungalingan lamang.   Habang sinasabi ni Lyn na mahal niya ako, itinaas niya ang kanyang puwet na parang syang asong babae at hinayaan ang ibang lalaki na tirahin siya.   Fucking love!   Walang pusong si Lyn, walang pusong puta!   Bigla akong bumagsak sa lupa at pawang kadiliman lamang ang nakita ko, unti-unti akong nawalan ng malay.  Inilabas ko ang aking celfone at dinayal ang numero ni Sue bago ako tuluyang nawalan ng malay.   Hindi ko na alam kung gaano katagal na ang lumipas, dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.   Nakatingin sa akin ay isang magandang at pamilyar na mukha: "John, sa wakas ay nagising ka na.  Mamamatay na ako sa takot.”   Napagtanto kong nasa ospital ako.   Ang taong natatakot para sa akin ay hindi si Lyn. Ang putang iyon ay sumama na sa kanyang kaulayaw.   Dahan-dahan kong inunat ang kamay ko at marahang hinaplos ang magandang mukha na iyon.   Si Sue. Akala ko ay nakikipag-flirt lang kami ni Sue sa isa’t isa. Nang tuluyan na siyang madismaya sa kanilang pagsasama ng kanyang asawa, akala ko ako ay isang pahingahan lang para sa kanyang kamunduhan.  Ngunit ngayon, siya ay nasa aking tabi.    Sa isang iglap, nag-alab ang nanlalamig kong puso.    Hinawakan ni Sue ang aking kamay. Ang kanyang magagandang mata ay puno ng pag-aalala: "John, anong problema mo? Ano ang nangyari?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD