Kabanata 6 Ang Pagsalungat

1518 Words
Lumabas kami ng hotel.  Sumakay ako sa kotse ni Sue, at sabay kaming pumasok sa opisina.   Habang nasa daan, biglang sinabi ni Sue, "Nakapagdesisyon na ako.”   "Anong napagdesisyunan mo?" tanong ko.   “Nagpasya na akong sumama maghapunan kasama si Boss Zhang ngayong gabi." Sabay bagsak ng luha ni Sue.    Alam kong hindi kampante ang puso niya.  Wala man lang paki sa kanya ang asawa niya, at tinatrato siya na parang kasangkapan sa pangangalakal.   Bukod dito, kahit na sinabi ng kanyang asawa na lalagyan niya ng gamot ang alak ni Boss Zhang, at ang tunay na makakasama ni Boss Zhang ay ibang babae, alam ko pa ring may mangyayaring pagsasabwatan. “Sue, nararamdaman ko na may masamang mangyayari ngayong gabi, dapat mong pag-isipin muli! Ang isang taong tulad ng iyong asawa ay kayang gumawa ng kahit anong kahayupan. "   “Hindi mo ako kailangang kumbinsihin.  Gusto natin siyang pagbayarin.  Kailangan muna nating makuha ang tiwala niya!", matigas na sabi ni Sue.   “Ngayong nakapagdesisyon ka na, sasamahan kita mamayang gabi." Talagang hindi ako papayag na masaktan si Sue ninuman.    Pagdating namin sa opisina, bumalik kami sa kanya-kanya naming upuan.  Tulad ng dati noon wala pang nangyayari sa pagitan namin.   Kauupo ko palang, si Charlie, ang ka-opisina kong nakaupo sa aking tabi, ay pangising nagsabi sa akin: "Nakita kong dumating ka kanina sakay ng kotse ni Sue!”   “Nakasalubong ko siya paglabas ko ng subway, at isinabay na niya ako papasok ng opisina. " Natigilan ako at nakonsensya kong sinabi, "Wala akong ugnayan sa kanya. "   Natawa niyang sinabing: "Kalokohan, sa ganda niyang yan, maraming humahabol sa kanya.  Isang napakalaking eskandalo kapag siya ay papatol sa yo.  Paano ka niya magugustuhan, isang kawawang bata. Hay, ang seksi at ang ganda niya. Kung maka-iskor ako sa kanya, maski isang beses lang, katumbas na ito ng 10 taon sa buhay ko."   Habang naiisip ko na umuungol pa si Sue sa ilalim ko kaninang umaga… sa totoo lang, medyo proud ako.   Bago pa man din siyang mag-off sa trabaho, nangungulit na ang asawa ni Sue.   Pagka-off sa trabaho, umalis ako sa opisina kasama siya at tumungo sa hotel.   Ipinarada ni Sue ang kotse sa underground parking ng hotel. Nakita ni Sue ang aking pag-aalala at marahan akong sinabihan, "Huwag kang mag-alala, kaya ko ang aking sarili."   Hinalikan niya ako sa pisngi at bumaba ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit, pero kumikibot na ang talukap ng mata ko.  Parati kong nararamdaman na may masamang mangyayari.   Dumating ako sa lobby ng hotel tulad kahapon. Pagkaupo na pagkaupo ko, nakita ko ang isang limousine na nakaparada sa pintuan, at lumabas sa kotse ang isang lalaking malaki ang tiyan. Ito si Boss Zhang, ang lilibangin ni Sue ngayong gabi. Katabi niya ang isang lalaking mukhang assistant nya na nasa 30s. “Mr. Zhang, narito na tayo."   “Well, handa na ba ang lahat ng binilin ko sa iyo? "   "Huwag kang mag-alala, handa na ako." Sabi ng lalaki, at inilabas ang isang kahon mula sa kanyang bulsa, "Ang pinaka-advanced na kagamitan sa cctv camera, 360 high-definition. Pupunta ako sa silid at i-install ko muna ang camera." Tinapik ni Boss Zhang ang balikat ng assistant nang nakatawa: "Magaling!"   Hindi naman siguro nila ine-expect na may makakadinig sa kanilang pribadong pag-uusap. Bagama't napakahina ng boses, narinig ko pa rin ang kanilang pinag-usapan.   Sumakay si Mr. Zhang ng elevator papunta sa restaurant, at nanatili ang assistant sa front desk para mag-check-in.    “Gusto ko mag-check-in sa isang love suite.” Sabi ng assistant sa receptionist. “Just a moment... room 2046.” Inabot sa kanya ng receptionist ang isang key card.    Tumalikod ang assistant at umalis dala ang key card.   Nilabas ko ang ID card ko at inabot sa front desk: "Ngayon ko lang narinig na may love suite pala dito, okay ba?"   “Garantisadong masisiyahan ka kapag nasubukan mo.", nakangising sabi ng taga-front desk. "Sige, bigyan mo ako ng isang kwarto." Pinag-check-in ako at ibinigay sa akin ang key card, 2048.   Sa puntong ito, napagtanto ko na na baka may mangyayaring masama dito.  Sinabi ng asawa ni Sue na aayusin niya ang lahat, ngunit pinakuha ni Zhang ang kanyang assistant ng silid, at kinailangan niyang maglagay ng cctv sa loob para mai-record ang lahat.   Tiyak na si Sue ay lilinlangin ng kanyang asawa.   Nasa panganib si Sue! Mabilis kong itinext si Sue at sinabi ko sa kanya ang lahat ng nakita ko ngayon.   Nai-text ko na siya, ngunit hindi ako binalikan ni Sue, at para akong dahan- dahang lumulubog sa isang malawak na dagat.   Nagmamadali akong tumawag sa celfone ni Sue. Nakatawag ako, ngunit hindi niya sinasagot.   Hindi ko alam kung saang restaurant kumakain sina Sue. Hindi ko rin alam kung saan ko siya hahanapin.  Tiyak na itataboy ako ng mga security guard.   Kaya napagpasyahan kong dumiretso sa ika-20 palapag at hintayin sila.  Natagpuan ko ang room 2046 sa dulo ng koridor.  Ang aking silid 2048 ay nagkataong nasa tabi nito.    Naobserbahan ko lang na walang naka-install na cctv sa palapag na ito. Marahil ay para maprotektahan ang privacy ng mga high-profile na customer.   Nagtago ako sa may hagdanan sa tabi ng elevator. Pagkaraan ng wala pang isang oras na paghihintay, nakita kong tinulungan ni Boss Zhang si Sue palabas ng elevator.   Malasalamin ang mga mata ni Sue, tiyak na na-droga siya.   Nang tulungan ni Boss Zhang si Sue na maglakad papalapit, nagmadali akong lumabas ng hagdanan.  Sinamantala ko ang pagiging hindi handa ni Boss Zhang.  Kinuha ko ang solid na kahoy na mop sa hagdanan at pinukpok ko ito kay Zhang mula sa likuran at nawalan siya ng malay.   Kinuha ko si Sue at ipinasok sa aking kwarto, sa room 2048.  Pagkasara ng pinto, inilapag ko si Sue sa kama.   “Sue, kamusta ka na? " Kinakabahan akong tumingin kay Sue. "I'm so hot." Hinawakan ako ni Sue nang mahigpit sa pagitan ng kanyang mga hita at hinubaran ako.   “Mga bastos! Hindi siya tao!”   Nilinlang si Sue ng kanyang asawa na paiinumin niya ng gamot si Boss Zhang, pero ang bibigyan niya talaga ng gamot ay si Sue.   Kasuklam-suklam. “Ibigay mo na sa akin, alam mo ang gusto ko!" Pulang-pula ang mukha ni Sue at puno ng pananabik siyang tumingin sa akin. Ang mga kamay niya ay humahaplos sa aking katawan.   Maya-maya pa'y hubo't hubad na kami.   Nabaliw kami sa loob ng dalawang oras hanggang sa tuluyang mawala ang epekto ng gamot, at tuluyang kumalma si Sue.   Napuno ng halimuyak ng pagmamahalan ang buong silid.   Nang makita ko si Sue na nakahiga sa tabi ko na pagod at natutulog, Nakadama ako ng takot.  Kung hindi ako sumunod at nakita si Boss Zhang at ang kanyang assistant sa pinto ng hotel, at narinig ko ang kanilang pinag-usapan, ang kahihinatnan ay kapahamakan ni Sue.   Hindi nagtagal ay nagising si Sue, at nagsimulang bumalik ang kanyang pag-iisip.   Niyakap ko si Sue sa aking mga bisig.  Kahit balisa, mabilis na naunawaan ni Sue ang nangyari, at niyakap ako at malungkot na umiyak. “Hindi ko inakala na ireregalo niya talaga ako sa ibang lalaki, hindi siya tao!"  Nadurog ang puso ni Sue.   Sa oras na ito, tumunog ang doorbell, nagbalot ako ng tuwalya at binuksan ang pinto. Ang manager at security guard ng hotel ay nakatayo sa pintuan, at galit kong sinabi, "Ano ang problema?"   Pasensya na kayo at naistorbo namin kayo. Kanina lang nawalan ng malay ang isang bisita sa koridor. Gusto naming itanong kung may narinig kayo?"   “Wala!" nagmamadali kong sinabi.   Hindi na sila nagtanong pa.  Malamang ay ayaw na mismo ni Boss Zhang na palakihin pa ang usapin.   Pagkabalik ko sa kama, sinabi ko kay Sue ang buong pangyayari. “Buti nalang, nariyan ka. Kung hindi, hindi ko maisip kung ano ang mangyayari! "Niyakap ako ng mahigpit ni Sue. "I hate that bastard.”   Nagniningas ang apoy ng poot.   “Pagsisisihan niya buong buhay niya ang pinaggagagawa niya sa akin."   “May mga plano ka ba? " tanong ko sa kanya sapo-sapo ko ang kanyang dibdib.   Niyakap ako ni Sue at sinabing: “Hindi ko pa naiisip sa ngayon.  Pero huhukayin ko muna lahat ng maiitim niyang sikreto. "    “Bueno, sa madaling salita, dapat mong protektahan ang iyong sarili." Wala akong masyadong alam tungkol kay Louie. Ang tusong negosyanteng ito, ay gagawin ang lahat upang makamit ang kanyang mga layunin. Kahit pa ibenta ang kanyang asawa, kaya tiyak na hindi ito madaling harapin.”   Sa sandaling ito, biglang tumunog ang celfone ni Sue, at ang caller ID ay mula sa kanyang asawa.   Nagulat si Sue at kinakabahang tinanong ako, "Ano ang dapat kong gawin ngayon?"   May naisip ako at bigla kong naalala ang isang nakakapanabik na pelikula tungkol sa love ethics, kaya sinabi ko kay Sue: "Huwag mong sagutin ang tawag, magtext ka para sabihin sa kanya na kailangan niyang depositohan ng 3 milyon ang iyong account sa loob ng isang oras. Kung hindi, ikaw ay magpapakamatay pagkatapos magsulat ng isang suicide note upang ilantad ang kanyang mga kasuklam-suklam na gawain kasama si Boss Zhang."    Nagliwanag ang magagandang mata ni Sue: "Makakaganti din tayo. I’ll do it! It’s payback time!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD