Si Sue ay nagpadala ng text na nagba-blackmail sa kanyang asawang si Louie na magdeposito ora mismo ng tatlong milyon kung ayaw niyang magpakamatay siya at mag-iwan ng suicide note na maglalantad ng mga kalokohan nito.
Agad naming nag-reply si Louie: “Sue, huwag kang manggulo, hindi lamang tayo nagkaunawaan, at hindi ko namalayang pati ako ay lalasingin ni Mr. Zhang at siya ay naglagay ng gamot sa iyong alak!”
Ipinakita ni Sue ang celfone sa akin at nakangising sinabing: "Hanggang oras na ito, gumagawa pa rin siya ng kwento.”
"Huwag ka nang makipag-usap sa ganyang tao. Ang tarantadong iyan! Nakahanap na siya ng katapat. Takutin mo siya’t i-off ang celfone at i-check ang iyong bank account pagkalipas ng isang oras. Tingnan natin kung gaano siya katigas!" Buong tapang kong inilahad ang aming plano.
"Ok." ang sagot ni Sue, sabay off sa kanyang celfone, ngunit nakaramdam ng kaunting kaba sa kanyang puso, "Tatlong milyon, sa tingin mo maloloko natin siya ng ganun ganun lang?"
“Maniwala ka, magbabayad iyang gagong yan!” buo ang loob kong sinabi.
Kapag nakalabas ang mga kalokohan niya at siya’y ma-eskandalo, at masangkot pa siya sa krimen, ikasisira niya nito. Ang makasariling tao na tulad niya ay tiyak na hindi isusugal ang kaniyang pangalan at kinabukasan.
Higit pa rito, malaking kliyente pa rin niya si Boss Zhang. Nasaliksik ko na ang kanyang impormasyon sa Internet. Isa siyang kilalang negosyante at prominente sa lipunan. Ang kanyang kumpanya ay naghahanda na mag-IPO (initial public offering). Kapag nalantad ang iskandalo, mas malaki ang mawawala sa kanya.
Para mabawasan ang kaba ni Sue, patukso kong sinabi, "May erotic room doon, gusto mo bang subukan?"
Ang epekto ng gamot ay hindi pa nawawala ng lubos. Nakita kong kinagat ni Sue ang kanyang mapupulang labi. Ang kanyang mapupungay na mata ay puno ng pagnanasa.
Dinala ko siya sa erotic room. Tinanggal ko ang kanyang tuwalya at siya’y lumuhod sa harap ko, at agad ibinaon sa harapan ko ang kanyang mukha...
At kami’y wild na wild na nagtalik sa isang waterbed...
Pagkalipas ng isang oras, habang hubad kaming nakahandusay sa kama, sumulyap si Sue sa relo, at kinakabahang binuksan ang celfone niya. Siya’y natigilan saglit, at tuwang-tuwa niyang napabulalas: "Dumating na ang tatlong milyon!"
Sa sobrang tuwa niya ay bumaling siya sa ibabaw ko, pumiglas sa katawan ko, at hinalikan ako ng puno ng pananabik. Hindi nagtagal ay tumayo ang aking sandata, at sumakay si Sue sa ibabaw ko.
Pinasok ko si Sue. Humampas ang mga kamay ko sa pwetan ni Sue, pabilis ng pabilis ang pagbayo ko sa kanya habang palakas ng palakas ang pag-ingay ng kama.
Ibinuhos namin ang aming kalibugan nang buong buo, para bang kami’y nagdiriwang ng tagumpay sa isang labanan.
Nang matapos ito, humiga si Sue sa ibabaw ko, bahagyang nag-twitch ang kanyang katawan, hinalikan ako at sinabing, "Salamat, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka. Mahal kita. Ikaw ang lahat sa akin!"
"I love you too." Sabay yakap ko kay Sue ng mahigpit.
Pakiramdam ko ay never pa akong naging mas motivated sa aking buhay. Ang tatlong milyon na ito ay simula pa lamang, at ang ating kalaban ay naalarma na sa ating paghihiganti.
Sa sandaling ito, tumunog muli ang celfone ni Sue. May text mula sa kanyang asawa: "Pinadalhan na kita ng tatlong milyon. Maaari mo bang tapusin ang kalokohang ito? Inaamin kong nagkamali ako. Love, bakit hindi ka umuwi? OK? Hihintayin kita sa bahay."
Ipinakita sa akin ni Sue ang text sabay niyakap ako ng mahigpit at sinabing, "Ayoko nang umuwi, gusto kitang makasama na palagi."
“Huwag kang umuwi”, sabay halik kay Sue.
“Napakayaman ni Louie, balewala sa kanya ang tatlong milyon. Kilalang-kilala ko siya. Kung makikipaghiwalay ako sa kanya sa oras na ito, sa kanyang katusuhan, tiyak na malinis nyang malilipat ang mga ari-arian, o palalabasin niyang nabangkarote ang kumpanya, upang hindi ako makakuha ng kahit isang sentimo. Isa pa, gusto nating makakuha ng mas maraming pera para makaganti din sa iyong asawa at sa kanyang pagtataksil, hindi ba? Kaya kailangan kong bumalik, pansamantalang paniwalain si Louie, at pagkatapos ay humanap ng paraan para magbayad siya ng higit pa!" mapait na sabi ni Sue.
Bagama't nag-aatubili akong maghiwalay kami pansamantala, hinayaan ko nang umalis si Sue.
Nang umalis si Sue, nakaramdam ako ng pangungulila.
Siguro dapat umuwi na rin ako.
Pagdating ko sa bahay, si Lyn ay nakahiga sa sofa at nanonood ng TV. Nasa coffee table ang divorce papers na kanyang pinagawa.
Ako’y galit na galit, ganun ba siya ka-atat na makipag-divorce?
Kinuha ko ang divorce papers at pinunit ito nang hindi man lang binasa.
“Lyn, ako lamang ang may karapatang magsabi kung kelan tayo magdidiborsyo."
"John, sa tingin mo ba ako ay natutuwa sa nangyayari? Ipinapayo ko sa iyo na pirmahan ang kasunduan, kung hindi ay magdadagdag ka lamang ng kahihiyan sa iyong sarili." Pangising sinabi ni Lyn.
“Tinatakot mo ba ako? Sige tignan natin! "
Pagkatapos kong magsalita, padabog akong lumabas ng pinto.
Bagama't akin ang kalahati ng bahay na ito, ayokong manatili dito kahit isang minuto, parang may masangsang na amoy sa hangin.
Syempre hindi ako papayag na makipaghiwalay ng ganun ganun lamang. Gusto kong ibalik ang nawala kong dignidad. Gusto kong ipahiya ang bastos na lalaking iyon sa harap ng hotel at pagsisihan niya ito habang buhay.
Gusto kong malaman ng walanghiyang babaeng ito kung ano ang pakiramdam ng mapahiya.
Pagkaalis ng bahay, gumala ako nang walang patutunguhan sa kalye, at hindi mabilang ang mga plot ng revenge movie ang sumagi sa isipan ko. Sa katunayan, napakatahimik kong tao, at wala man lang akong criminal rekord. Pero sa ngayon, punong-puno ng pagkamuhi at paghihiganti ang nasa isip ko.
Sa totoo, ang pinakamadaling paraan ay ang magbayad ng taong papatay sa asawa ni Sue at palabasing aksidente ang pagkamatay ng asawa ni Sue. Sa gayon ay mag-isa niyang mamanahin ang lahat ng ari-arian nito.
Ngunit mabilis kong tinanggihan ang plano, dahil kung may magkamali sa planong ito, di namin kakayanin ni Sue ang magiging kahihinatnan. Hindi ko kayang saktan si Sue.
Sa oras na ito, biglang nakatanggap ako ng notification sa celfone ko. Si Sue ay nag-transfer ng 1.5 milyon sa aking account.
Maya-maya, nakatanggap ako ng text mula sa kanya: "Darling, binigyan mo ako ng dignidad sa harap niya sa unang pagkakataon. Salamat, ang akin ay sayo, at ako ay sa iyo lamang."
Parang isang liwanag na sumikat sa aking madilim na mundo, ang text message ni Sue ay agad na pumawi sa madilim na ulap sa aking puso.
Ngayon, tinuring ko na talagang akin lamang si Sue, at hinding-hindi ko hahayaang mahawakan pa siya muli ni Louie.
Habang nakatingin ako sa malaking halaga na na-credit sa aking account, bigla akong nagka-ideya, at isang matapang na plano ang lumitaw sa aking isipan: Gusto kong makahanap ng isang babae na maaaring umakit kay Louie, at pagkatapos ay gamitin ang babaeng ito upang maghiganti sa kanya.
At may kakilala akong ganyang babae, napakagandang babae.
Pumunta ako sa ATM para mag-withdraw ng pera. Pagkatapos ay sumakay ako ng taxi papunta sa isang nightclub sa isang red light district sa downtown.
Naalala ko noong una ko siyang nakita dito, sumama ako sa mga kasamahan ko sa trabaho upang mag-good time dito.
Halos mapasigaw ako sa gulat nang sumulpot siya sa harapan ko kasama ang ilan pang mga babaeng nakasuot ng seksing damit at makapal na makeup.
Hindi ko akalain na makikita ko siya sa ganoong lugar. Ang pangalan niya ay Yeng. Siya ang kaklase ko sa high school. Dati rati siya ang perpektong diyosa sa puso ko at ng maraming lalaki. Sa buo niyang pagkadalaga, at hindi mabilang na tahimik na gabi , siya ang laman ng aking sekswal na pantasya.
Noong gabing iyon, siya ang binook ko, at nang umupo siya sa aking kandungan at ipinatong ang nanginginig kong mga kamay sa kanyang hinaharap, naramdaman ko na peke ang kanyang boobs at ang dami nitong pinaretoke.
Nang maglaon, napag-alaman ko sa isa pang kaklase na nangutang siya ng malaking halaga ng pera upang matustusan ang mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina na may malubhang karamdaman, at nahulog sa bitag ng mga loan shark. Upang mabayaran ang kanyang mga utang, kailangan niyang magparetoke upang magpabata. Pataas ng pataas ang interest ng kanyang utang at kahit anong pilit niya, hindi niya ito mabayaran.
Siya ang ka-table ko tuwing pumupunta ako rito. Wala naman kaming ginagawa, nakikiramay lang ako sa nangyari sa kanya.
Ang paghahanap ko sa kanya upang maging kapalit ni Sue sa pag-akit kay Louie ay ang pinakamahusay na stratehiya. Hindi ko lamang mapoprotektahan si Sue, ngunit kung ang aking plano ay magtagumpay, makakatulong ito kay Yeng makatakas mula sa kahirapan at pagdurusa.
Matagal na siyang nasa nightclub, at napakahusay niya sa parehong mga sekswal na bagay at sa pag-arte. Naniniwala akong kayang-kaya niya ito.
Nag-book ako ng isang private na silid at pinatawag siya ng bugaw.
Hindi nagtagal, bumungad sa akin ang isang magandang babae na hot na hot ang katawan. Napakaganda pa rin niya, ngunit ang kanyang orihinal na dalisay at walang bahid na pag-uugali ay ginahasa na ng kamunduhang ito.
"John, mag-isa ka lang ba?" Hindi niya maiwasang magulat nang makitang ako lang ang nasa private room.
“Well, ako at ikaw lang ngayong gabi. Halika at maupo ka rito. " Tinuro ko ang upuan sa tabi ko.
Umupo siya sa tabi ko na naka-cross ang seksing legs niya na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Dahil siguro sa magkaklase kami dati, medyo napigilan siya.
“Yeng, magkano ang utang mo sa mga loan shark? “ Dumerecho na ako sa aking punto.