Chapter 9

1212 Words
Nakasambakol ang mukha ko habang nakasakay sa may likurang bahagi ng sasakyan ni JC. Hindi talaga ako umupo sa tabi niya kahit pa nga magmukha siyang driver ko. Kung ba’t naman kasi sa dinami-rami ng taong pwede kong mahingian ng tulong, siya pa ang nakita ko. Marahas na napabuga ako ng hangin at naiinis na ipinikit ko ang mga mata ko. “Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” Nahimigan ko ang pag-aalala sa tinig ni JC at ‘di ko alam kung ba’t parang hinahaplos niyon ang puso ko. Hindi ako sumagot sa kaniya, bagkus ay nagkunwari lamang akong tulog. Nagngingitngit pa rin sa inis ang dibdib ko dahil pinilit niya akong kumain ng pagkarami-raming pagkain. Anong palagay niya sa ‘kin, matakaw?! Itinulad pa niya ako sa kaniya. Kulang na lang ay lagyan ng kulay ang buhok niya at voila mukha na talaga siyang pinuno ng mga trolls! Kapag kinantahan ko siguro siya ng tunay na kulay tapos sasabayan niya nang pagsayaw, malamang biglang maglabasan ang mga alagad niya at sasayaw rin sa aming harapan ang mga ‘to. Napahagikhik ako sa naisip at naitakip ko pa ang mga kamay sa aking bibig upang pigilan ang napipintong paghalakhak ko. “Hey, little kitten!” Idinilat ko ang mga mata ko sabay taas ng isang kilay patitig sa kaniya. “Tumatawa ka mag-isa riyan pero ‘di mo magawang sagutin ang tanong ko,” nakasimangot niyang saad. “Bakit ba?” mataray kong tanong sa kaniya. “I ask you, masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” muling pag-uulit ni JC sa tanong niya kanina. “Ano naman ang pakialam mo?” patuloy sa pagtataray kong turan sa kaniya. “May pakialam ako dahil ayokong may masabi si Tita Ice na pinabayaan kita,” tiim-bagang niyang wika. “Huh?” kunot-noong ani ko. “Walang masasabi si Mommy, kung walang magsasabi sa kaniya.” Alam kong masama ang ugali ni JC, pero naniniwala akong hindi siya ang tipo ng tao na magsusumbong kina Mommy at Daddy. “Really?” tanong niya habang nakataas ang isang sulok ng kaniyang labi. “Then you need to check your social media account.” Dulot ng katanungan sa aking isipan, binuksan ko ang telepono upang tingnan ang kaniyang sinasabi. Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ang larawan naming dalawa ni JC na may caption, 'what happen to Stella Monreal?' Mababasa sa larawan na buhat-buhat ni JC ang walang malay kong katawan habang nagmamadali ang huli sa pagdala sa’kin sa clinic. Naantig ang puso ko sa parteng iyon ng content, ngunit dagli rin nawala nang mabasa ko naman ang huling bahagi ng content. Bagay silang dalawa at palagay ko ay may relasyon na ngang namumuo sa pagitan nila. Narinig kong tinawag ni Stella Monreal si JC San Rafael upang tulungan siya na agad namang ginawa ng huli. Napatingin ako sa comment section at nakakapang-init ng ulo ang mga nabasa kong mensahe roon. “Ayie! Kaya naman pala ayaw mong makihalubilo sa amin, Stella.” “Ibang klase ka rin dumiga, Bro! Ikaw na!” “Mukhang may nakapana na sa malamig na puso ni JC San Rafael. Hahaha...” “What’s this?!” histerikal kong tanong kay JC na itinaas ko pa ang telepono ko paharap sa kaniya. Gusto kong sumabog at magwala sa nabasa kong mga comment. Muli pa akong nag-scroll pababa upang basahin ang pinakabagong pasok na mensahe. “My God, Stella! What happen to you?” Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mensaheng iyon ni Mommy. Nalintikan na! Katakot-takot na sermon ang aabutin ko mula sa maingay kong ina. Maya-maya pa nga’y tumunog na ang incoming ringtone ng aking telepono. Napangiwi ako nang makitang si Mommy ang tumatawag mula sa kabilang linya. Ilang buntonghininga muna ang aking ginawa bago ko tuluyang sinagot iyon. “Hello, Mommy!” malambing kong sagot sa ina kahit pa nga nakatabingi na ang aking pisngi. “What happen to you? Are you sick? Kumain ka na ba? Anong sabi sa’yo ng doctor? Where is JC?” sunod-sunod na tanong ni Mommy na akala mo ay shotgun ang bibig kung rumatrat. Napabuntonghininga na lamang ako at napatingin sa harapang salamin kung saan nagtagpo ang mata naming dalawa ni JC. Nakakalokong ngiti sa labi ang pinakawalan ni JC na tinugon ko naman ng matalim na pag-irap. “Stella?!” Para akong nabingi sa lakas nang pagkakasabi ni Mommy ng pangalan ko kung kaya bahagya kong inilayo ang telepono sa aking tainga. “I’m okay, Mom!” Tanging salitang nasambit ko. “So, what happen to you?” patuloy sa pangungulit na tanong sa’kin ni Mommy. “My period po ako!” nahihiya kong sabi sa ina kasabay ng matalim na pagtitig ko sa nakangising si JC. “Oh, Dear! You should be more careful next time. Inuman mo na muna iyan ng gamot at magpahatid ka na lamang kay JC dito sa bahay. Sa pagkakaalam ko ay pareho lang kayo ng schedule at mabuti na lang din talaga na pareho kayo ng eskwelahan na pinapasukan,” mahabang litanya ni Mommy. “Okay po, Mom!” tipid kong tugon sa ina. Panay hagikhik ni JC habang abala sa pagmamaneho. Alam kong pinagtatawanan niya ako dahil sa tawag ni Mommy. Matapos ang ilang litanya ni Mommy, mabilis akong dumukwang kay JC upang batukan siya sa ulo ng malakas. “Sh*t!” matigas na mura niya sabay hinto ng sasakyan sa tabi. “Don't act like a kid, Stella! Alam mo bang pwede tayong mabangga sa ginagawa mo?!” asik sa’kin nito na binelatan ko lang. Naiinis man, hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya dahil tama naman siya. Isa pa, may utang na loob din akong dapat tanawin dahil tinulungan niya pa rin ako kanina. Naramdaman ko ang muling pag-usad ng sasakyan at ilang sandali pa ay nasa gitna na muli kami ng kalsada. Narinig ko ang marahas na pagbuga niya ng buntonghininga pati na ang panaka-nakang pagsilip sa harapang salamin. ‘Di ko alam kung bakit inis na inis ako kay JC gayong kamukhang-kamukha naman siya ni CJ. Marahil sa ugali nilang magkaiba dahil kung ga'no kabait si CJ, siya namang kabaligtaran ng ugali ni JC. Muli akong sumulyap sa harapang salamin upang lihim na titigan ang mukha ng binata. “Gwapo nga, nuknukan naman ng sungit!” bubulong-bulong kong usal na animo'y bubuyog. “Ang masungit na ‘to ang hinahabol-habol ng mga kababaihan,” nakangising wika ni JC na talagang sinalo agad sa sarili niya ang pahaging ko. “Ang lakas talaga ng hangin!” malakas na bulalas ko sabay pindot ng button na nakadikit sa pinto ng sasakyan upang bumukas ang bintana. “Stella!” tawag niya sa’kin upang sawayin ako ngunit ‘di ko binigyan pansin. “Close the window!” utos pa niya sa’kin. Nagbingi-bingihan ako sa kaniya sabay labas ko pa ng kamay ko sa may bintana. Para akong batang paslit na tuwang-tuwa sa paglabas-masok ng kamay ko sa bintana. “Stella!!!” Napaigtad ako sa pagkakaupo ng dumagundong ang tinig ni JC sa loob ng sasakyan. Nagulat pa ako ng marahas na sumara ang bintana. “Sungit!” usal ko na tinugunan naman niya ng matalim na irap. Nanghahaba ang nguso kong umismid sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD