Chapter 8

1692 Words
“Anong nakakatawa?” masungit kong tanong kay CJ na tawa nang tawa sa kaniyang kinauupuan. “Ikaw!” patuloy sa pagtawang sagot sa’kin nito. “Pa’nong ako?” salubong ang mga kilay kong tanong sa kakambal. “Nagseselos ka, no?” mapang-asar na anas nito. “Hindi, no!” mabilis kong tugon sabay lapit sa kaniya. “At bakit naman ako kailangang magselos gayong pangit naman iyang si Stella.” “Talaga lang ha?!” nangingiting buska sa akin ni CJ. “Kaya pala nagmamadali kang lumapit sa amin kanina.” “So...” Pinanliitan ko siya ng mga mata ko. “Sinasadya mo palang ipakita sa akin ang eksena na iyon kung gano’n?” akusa ko pa sa kaniya. Malakas na humalakhak si CJ bilang tugon sa aking sinabi. “Masyado kang obvious sa pagseselos mo,” naiiling na turan nito. “Pero napakatorpe naman!” Mahinang sinuntok ko siya sa braso na tinawanan lang niya. “Sa gwapo kong 'to, sa troll pa niya talaga ako inihalintulad?!” sabay turo sa aking sarili. “Hayaan mo na, ikaw naman ang pinakagwapong pinuno ng mga troll!” Muling humalakhak si CJ. Naiinis na nag-walk out ako pabalik sa aking klase. “JC!” tawag pansin sa’kin ni Diego. “Why you look mad?” tanong naman ni Jerome. “Napag-trip-an na naman ako ni CJ,” nakasimangot kong tugon sa kanila. “Tsk! Palagay ko si Stella na naman ang dahilan,” naiiling na ani ni Diego. “Don't mention the name of that witch. Masyadong matabil ang dila at talagang tinawag pa akong pinuno ng mga troll,” nakabusangot na anas ko. Sabay na nagtawanan sina Diego at Jerome dahilan para lalong sumambakol ang mukha ko. Umupo na ako sa upuan nang pumasok sa pintuan ang aming professor. Ilang sandali pang lumipas ang oras ng klase, wala man lang akong naunawaan sa mga pinag-aralan namin. Puro si Stella lang ang tumatakbo sa aking isipan. Naiinis ako sa sarili ko dahil sobra na ang pagkahibang ko sa babaeng 'yon, gayong alam ko namang wala siyang pagtatangi sa akin. Tanging ang kakambal kong si CJ lamang ang kaniyang gusto. Nang lumabas ang guro namin sa huling subject, mabilis kong inayos ang mga gamit ko at saka ipinasok sa loob ng aking bag. Aabangan ko si Stella sa paglabas niya para maisabay ko na rin pauwi. Mabuti na lang talaga at inihabilin siya sa amin ni Tita Ice, kaya may karapatan akong umastang bantay niya. Napangiti ako nang matanaw ang dalaga na palabas na mula sa loob ng kanilang silid-aralan. Sinadya kong alamin ang schedule niya rito sa eskwelahan para may dahilan akong mabantayan siya ng husto. Sumandal ako sa poste para kunwari ay tamang tambay lamang ako at ‘di talaga siya ang inaabangan ko. Itinaas ko ang librong inilabas ko at saka itinapat ko sa aking mukha upang isipin niya na nagbabasa lang ako. Nakakailang hakbang pa lamang siya patungo sa kinatatayuan ko nang mapansin ko ang biglang pamamawis ng kaniyang noo. Ngumiwi ang mukha ni Stella habang naglalakad ito at panay ang himas ng isa niyang kamay sa tapat ng kaniyang tiyan. “Ano’ng nangyari sa kaniya?” maang kong tanong sa aking isipan. Hindi ako lumapit sa kaniya upang hindi niya isipin na binabantayan ko siya. “JC...” dinig kong tawag niya sa akin sa nahihirapang tinig. Ibinaba ko ang librong ginamit ko na props at saka tumingin kunwari sa kaniyang gawi. Kumaway sa akin si Stella na ngayon ay nakalupasay na ng upo sa sahig. Malalaki ang mga hakbang kong nilapitan siya upang alamin kung ano ang nangyayari sa kaniya. “Anong nangyayari sa ‘yo?” Kunwari ay wala akong pakialam sa kaniya, pero ang totoo ay kanina ko pa siya gustong lapitan at tanungin. “Tulungan mo ako...” namamaos niyang sambit. “Anong nangyari sa iyo, Pangit?” muli kong tanong na tinugon niya ng matalim na irap. Inalalayan ko siyang makatayo mula sa pagkakalupasay sa sahig at talaga nga sigurong nanghihina siya dahil napasubsob ang kaniyang mukha sa aking dibdib. Daig pa tuloy namin ang magsyota na bigla na lang siyang yumakap sa akin. “JC...” nanghihinang usal nito. “Tulungan mo ako...” Naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang katawan hanggang sa bigla na lamang siyang nawalan ng malay. “Stella!” bulalas ko sa pangalan ng dalaga at maagap kong sinalo agad ang walang malay niyang katawan. Hindi ko alam kung ano ang sakit niya para himatayin na lang siya bigla. “F*ck!” pagmumura ko sa sarili habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Stella. Mabilis ang naging pagkilos kong kargahin ang walang malay niyang katawan at saka isinukbit ang mga gamit namin sa aking likuran. Wala na akong pakialam pa sa kung anuman ang isipin ng ibang mga estudyanteng nakatingin sa amin ngayon. Malalaki ang mga hakbang kong tinungo ang clinic upang dalhin do’n si Stella. “Anong nangyari sa kaniya, Mr. San Rafael?” tanong sa akin ng school nurse na nakatalaga sa clinic. Kilala na niya ako dahil sa panay ang pa-cute nito sa akin noong maglaro kami ng basketball nila Diego sa may gym ng nakaraang araw. “Nurse, pakiasikaso mo naman si Stella at pakibigyan ng lunas. Hindi ko alam kung ba’t siya biglang hinimatay.” Mababakas sa tinig ko ang pag-aalala para sa dalaga. Marahan kong inilapat ang katawan ng dalaga sa may kama upang matingnan siyang maigi ng school nurse. Kinapa ng nurse ang pulsuhan ni Stella pati na rin ang kaniyang dibdib. Tumalikod ako sa kanila upang ‘di ko makita ang bahagi ng kaniyang dibdib nang buksan ang butones ng suot niyang uniporme. “Uhmm...” Agad akong lumingon nang marinig ko ang pag-ungol ni Stella. “Stella...” tawag ko sa kaniya saka kinapitan ko ang isa niyang palad upang masuyong pisilin. Nakahinga ako ng maluwang nang dumilat ang kaniyang mga mata at saka tumitig siya sa akin. “Nasaan ako?” nanghihinang tanong niya. “Nandito tayo sa clinic dahil bigla ka na lang hinimatay. May masakit ba sa iyo?” may pag-aalalang tanong ko saka masuyong hinagod ko ang kaniyang buhok. “Masakit ang ulo at puson ko,” tugon niya sa akin. “Ganito ka ba parati sa tuwing magkakaroon ka ng buwanang dalaw?” singit naman sa aming dalawa ng school nurse. “Hindi!” iiling-iling na tugon ni Stella. “Inumin mo ang gamot na ‘to para mabawasan ang nararamdaman mong sakit diyan sa puson mo.” Inabot kay Stella ng school nurse ang gamot at akmang iinumin niya na sana iyon nang pigilin ko ang kaniyang kamay. “Kumain ka na ba?” seryoso kong tanong sa kaniya nang maalalang nasa likuran siya ng building kaninang break time habang kausap si CJ. Nakita ko ang pagkatigagal sa kaniyang mukha dahilan para makumpirma kong tama ang aking hinala. “Sinasabi ko na nga ba’t kinalimutan mo na namang kumain,” malamig kong turan sabay agaw ng gamot mula sa kaniyang kamay. “Akin na iyan!” asik niya sa akin. “Kumain ka na muna bago mo ito inumin.” Ipinasok ko sa loob ng bulsa ng pantalon ko ang gamot at walang kaabog-abog na binuhat ko siya. “JC!!!” natitilihang hiyaw nito. “Maraming salamat sa pag-asikaso mo sa kaniya, Nurse!” paalam ko sa school nurse na napatanga naman sa amin. Walang nagawa ang pagpupumiglas ni Stella sa ginawa kong pagkarga sa kaniya hanggang canteen. Panay naman ang tingin sa amin ng mga kapwa namin estudyante na pawang may mga ngiti sa kanilang labi. Marahil ang iba’y iniisip nila na mayroon kaming relasyon na dalawa. “Ano ba, JC!” galit na anas ni Stella. “Huwag kang mag-inarte, Stella! Tandaan mo, inihabilin ka sa amin ni Tita Ice. Kapag nalaman niya ang nangyari sa’yo, tiyak na pasusundan ka niya sa mga bodyguard ng daddy mo,” mariing paalala ko sa kaniya. Mayroong bodyguard ang kaniyang ama dahil isa itong kilalang pulitiko sa kanilang lugar. “Don’t you dare to tell it to my Mom and Dad!” nanggigigil na bulalas ni Stella. Napataas ang isang sulok ng aking labi kasabay nang pagtaas ng isa kong kilay. “Hintayin mo ako rito at ibibili kita ng makakain mo. Huwag mong subukan tumakas kung ayaw mong ipaalam ko kina Tita at Tito ang mga nangyari,” panakot ko pa sa kaniya. “I hate you!” nakaingos nitong sambit. Natutuwa akong pagmasdan ang naiinis niyang mukha na tila ‘di man lang nabawasan ang taglay niyang kagandahan. Naiiling na umalis ako sa kaniyang harapan upang pumila sa may harap ng counter. Bumili ako ng isang order ng rice meal at pinalagyan ko pa iyon ng prutas. “Hala!” Nandidilat ang mga matang bulalas niya nang ilapag ko ang pagkain sa kaniyang harapan. “Ba’t ang dami niyan?” Mahinang pinitik ko ang noo niya na ikinabusangot naman ng kaniyang mukha. “Kaunti lang ang pagkaing iyan kaya kainin mo na at nang makainom ka na rin ng gamot,” turan ko sa kaniya. “Masyadong marami iyan, JC! Diet ako!” maktol pa nito. “Diet? Tignan mo nga ang katawan mo, Stella.” Itinaas ko sa tapat ng kaniyang mukha ang isa niyang braso. “Kasingpayat ka na nga ng patpat, may nalalaman ka pang diet!” Tinabig niya ang kamay kong nakahawak sa kaniyang braso at saka tumayo siya upang umalis sana. Maagap akong humarang sa kaniyang daraanan kaya hindi siya natuloy sa kaniyang planong pag-alis. “Eat your meal first!” malamig kong utos sa kaniya. “Sa bahay na ako kakain!” matigas niya namang tugon. “Kakain ka ba o tatawagan ko si Tita Ice ngayon din?” Itinaas ko ang aking telepono sa kaniyang harapan at saka sinimulan kong i-dial ang numero ng kaniyang ina. “I hate you, JC! I hate you!” nanggigigil nitong sambit sabay balik niya sa harapan ng pagkaing binili ko. Lihim na nangingiting pinagmasdan ko ang pagmamaktol niya habang kumakain siya. "Hate me now Stella, I'll make sure you love me too!” bulong ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD