Chapter 7

1128 Words
Dahil break time namin ngayon, dumiretso ako rito sa likurang bahagi ng building upang lumayo sa karamihan ng tao. Gusto ko munang magmuni-muni dahil pakiramdam ko’y hindi na nagiging masaya ang ganap sa buhay ko. Ilang linggo ko na rin kasing napapansin na habang pumapasok ako sa eskwelahan ay parang ‘di na ako nagiging masaya. Samantalang ako naman ang pumili ng kursong kinuha ko at hindi ipinagpilitan sa akin nina Mommy at Daddy. “Hays...” napapabuntonghiningang wika ko sabay pangalumbaba sa ibabaw ng lamesa. “Stella!” gustong lumundag ng puso ko nang marinig ang tinig ni CJ. Dali akong lumingon at agad hinanap ang binata kung saan naroon. Namataan ko ang kumakaway na bulto niya sa ikalawang palapag ng building. Mabilis kong inayos ang itsura ko saka kumaway rin ako pabalik sa kaniya ng may matamis na ngiti sa labi. “Hintayin mo ako riyan!” sigaw pa sa akin nito at agad nang tumakbo patungong hagdan. “Gosh!” natitilihang sambit ko sabay dampot ng suklay mula sa loob ng aking bag. Mabilis kong sinuklay ang buhok ko at saka nagwisik ng kaunting pabango. Naglagay pa ako ng baby powder sa aking mukha at leeg upang mag-amoy baby pa rin ako kahit na nasikatan na ako ng araw kanina. Sa palagay ko kaya nawawalan ako ng ganang mag-aral this past few days ay dahil ‘di ko na madalas makita si CJ. “Stella!” hinihingal na saad ng binata nang makalapit sa‘kin. “Umupo ka muna nang mawala iyang hingal mo,” alok ko sa kaniya sabay turo sa bakanteng upuan. Grabe ang kilig na nadama ko nang umupo siya sa aking tabi at gusto ko nang himatayin nang dumikit pa siya sa‘kin. “Bakit ka nga pala nagsosolo rito?” tanong pa sa’kin ni CJ. “Gusto ko munang mapagsolo. Pakiramdam ko kasi loaded ako na hindi naman,” matapat kong tugon sa kaniya. “May problema ba?” kunot-noo niyang tanong. “Para kasing hindi na ako nagiging masaya sa kung ano ang ginagawa ko. Iyong feeling na pumasok ka sa isang problema na hindi mo na alam kung pa'no sosolusyunan,” napapabuntonghiningang pahayag ko. “Nahihirapan ka ba sa mga subject mo?” tanong niya sa akin. Umiling-iling ako bilang tugon sa kaniyang sinabi. Sa totoo nga niyan ay matataas ang mga grado ko at wala pa akong naibagsak na quizes o exam. Sadyang may hinahanap lang talaga ako na kung ano sa aking pag-aaral. “Ano ang nagustuhan mo sa kursong ‘to?” balik tanong ko kay CJ. “Marami!” nakangiting bulalas niya. “Katulad ng?” tanong ko pa sa kaniya. “Una ay gusto ko ang kursong ito mula pa nang pagkabata. Kaya kahit mahirap ang mga subject, alam kong maipapasa ko dahil nga sa gusto ko ito,” tugon niya sabay titig sa aking mga mata. “Common na lang ang pagiging matalino Stella, lalo na’t kung alam mong gustong-gusto mo talaga ang iyong ginagawa, ‘di ka makadarama agad nang pagkasawa.” “Ikaw Stella, bakit mo nga ba kinuha ang kursong ito?” Napalunok laway ako sa matiim niyang pagkakatitig sa’kin. Kasabay niyon ay napaisip ako ng malalim kung bakit ko nga ba kinuha ang kursong education. Marahas na napabuga ako ng hangin nang mapagtanto ko ang kasagutan. Ang totoong dahilan kung bakit kinuha ko ang kursong ito ay dahil gusto ko talagang sundan si CJ. Bagay na ‘di ko pinag-isipang maigi! Nabigla ako nang akbayan ako ni CJ at saka tinapik-tapik sa aking balikat. “Kung ano ang sinasabi ng puso mo, iyon ang sundin mo Stella. Huwag na huwag mong pipilitin ang sarili mo sa isang bagay na labag naman sa iyong kalooban. Ikaw rin kasi ang mahihirapan!” pangaral sa akin nito. ‘Di ko naiwasang maluha dahil sa pakiramdam ko ay nasapol niya ako sa kaniyang mga sinabi. “Sshh... Don't cry, Stella!” Masuyong kinabig niya ako palapit sa kaniyang dibdib at saka marahang hinagod sa aking buhok. Kakaibang saya ang naramdaman ko sa ginawang iyon ni CJ at parang ayaw ko nang matapos pa ang mga sandali. Feeling ko ang sarap maging girlfriend nito dahil napakamaalaga niya. Proven and tested ko na sa kaniyang mga nakababatang kapatid! “What did you do to her?” pagalit na tanong ni JC na siyang gumambala sa momentum naming dalawa ni CJ. Nakabusangot na tumingin ako sa mukha ni JC at saka tinapunan ko siya ng matalim na irap. “Pinapayuhan ko si Stella dahil nawawalan siya ng ganang mag-aral,” kibit-balikat na wika ni CJ sa kaniyang kakambal. “Nawawalan ng ganang mag-aral?” Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi sabay hakbang palapit sa’kin. “At kailan pa nawalan ng ganang mag-aral ang isang Stella Monreal?” mapang-asar na buska ni JC sabay taas ng buhok ko. “JC! Stop it!” saway ni CJ sa kaniyang kakambal. Tinabig ko ang kamay ni JC sabay tayo mula sa pagkakaupo. Salubong ang mga kilay kong hinarap siya at saka pinameywangan. “Hoy, pinuno ng mga troll! Hindi porket matalino ako, wala na akong karapatang mawalan ng gana sa pag-aaral,” mataray na anas ko. “Kung ikaw nga na walang tiyaga sa pag-aaral ay nanatili dahil ayaw mo mapagalitan ni Tita Jana. Ano pa kaya ako na kapareho mo lang din ng dahilan?" dagdag ko pang sambit. Narinig ko ang mahinang paghagikhik ni CJ kaya lihim akong nangiti nang mamasdan ang nakabusangot na mukha ni JC. “At sinong herodes ang nagsabi sa’yo na matalino ka?” ganting asar sa akin ni JC. “Ang mommy ko! Sina Tita Jana at Tito Steven! Si CJ!” banggit ko sa pangalan ng binata kahit pa nga hindi ko maalalang sinabihan niya ako ng salitang matalino. “Naniwala ka naman?” nakataas kilay na tanong ni JC. “Naman!” maagap kong tugon. “Matalino at maganda kaya ako!” paismid kong wika sabay paikot ng mga mata ko. Pumaikot-ikot pa ako sa kaniyang harapan upang lalo siyang asarin na napagtagumpayan ko naman. “Ang pangit mo! Kaya huwag kang mangarap ng gising diyan.” Huminto ako sa pag-ikot sa kaniyang harapan saka naniningkit ang mga matang sinalubong ko ang tingin niya. “Ikaw itong pangit!” Inapakan ko ang isa niyang paa sabay belat sa kaniya. Mabilis kong dinampot ang mga gamit ko saka madaling tumakbo palayo kina JC at CJ. “Stella!” sigaw sa akin ni JC. Nilingon ko siya upang tapunan ng mapang-asar na ngiti sa labi. “Humanda ka talaga oras na maabutan kita!” banta pa niya sa ‘kin. “Pangit!” turan ko naman sa kaniya saka mabilis na tumakbo patungo sa silid ng susunod kong klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD