Chapter 6

1130 Words
Inilinga ko ang paningin sa buong paligid ng Losyl Academy, kung saan ako nag-enroll upang sundan ang yapak nina CJ at JC. Oo, kasama talaga si JC sa nasundan ko roon dahil kakambal niya si CJ. Education ang kinuha kong kurso upang sundan si CJ kahit na hindi ko man siya maging kaklase dahil nga ahead sila sa akin ni JC ng dalawang taon. Maliban na lang kung kukuha ako ng exam upang ma-accelerate. Ayoko naman ng gano'n! Hindi kakayanin ng brain cells ko ang mag-review ng marami. Sapat na katalinuhan lang ang taglay ko at ganda lang din ang marami sa 'kin! Palibasa ay namana ko kay Daddy ang taglay niyang kagwapuhan dulot ng iba niyang lahi. Italian ang lahi ng lolo ko habang purong Pinay naman ang aking lola. Maganda rin naman si Mommy pero ang ingay talaga ng bibig niya ang higit na namana ko sa kaniya. At pinatunayan naman iyan nina Tita Jana at Tita Ilyn sa'kin. Minsan nga, kahit nasa bahay lang kami sadyang maingay rin talaga si Mommy. Sapat na sa 'kin ang matanaw si CJ sa iisang paaralan na aming papasukan. 'Di ko naman kinakailangang bukal na ipaalam sa kaniya ang aking pagtatangi. Tama na 'yong masilayan ko siya, makausap at makasama kung may oras. Siya ang inspirasyon ko kaya kumuha ako ng kursong education kahit pa nga alam ko naman sa sarili kong hindi ko forte iyon. Wala kaya akong hilig sa mga bata. Kaya good luck sa 'kin! Speaking of tanaw, natanaw ko ang grupo ng mga kalalakihan na naglalakad papalapit sa aking kinatatayuan. Napabusangot ako nang makita ang gwapong mukha ni JC. Siyempre hindi siya pwedeng maging pangit dahil magkamukha silang dalawa ni CJ! Marami nga ang nalilito sa kanila dahil sa magkahawig nilang mukha. At natutukoy lamang ang kaibahan nila oras na makausap mo na ang isa sa kanila. Malumanay at kalog si CJ kausapin kumpara kay JC na punong-puno ng hinanakit sa katawan. Parang lahat na lang yata ng sama ng loob ni Tita Jana noong ipinagbubuntis siya ay sinalo niya ng lahat. Suplado si JC na kabaligtaran naman ng ugali ni CJ. Kaya nga siguro magkaiba rin ang kursong kinuha nilang dalawa. Pero kahit anong pagkakalito ng iba sa kanila, sa sarili ko ay kilala ko na agad kung si JC o si CJ mismo ang kausap ko. Marahil gano'n talaga kapag matagal mo nang kakilala at nakakasama sila. "Bawal ang pangit dito," mapangbuskang saad ni JC. "Nagsalita ang pinuno ng mga trolls," ganting wika ko naman. "Bro!" Tinapik ng isang lalaki ang balikat ni JC kung kaya nilingon niya ito. "Yes?" malamig na tanong ni JC sa lalaki. "Ipakilala mo naman kami sa kaniya," saad naman ng payat na lalaki na nakasuot ng salamin sa mata. "Huwag niyo nang alamin pa ang pangalan niya at masasayang lang ang oras natin sa kaniya. Let's go!" aya ni JC sa kanila. "Stella!" Nilingon ko ang pagtawag sa 'kin ni Mommy. Napangiwi ako nang makita ang anyo nito. Parang gusto ko tuloy magpabaon sa ilalim ng lupa ng mga sandaling iyon. Ang dami niya kasing bitbit na plastic bag sa kaniyang kamay na 'di ko mawari kung ano ang laman niyon. "Hay naku, Stella! Hindi mo naman sinabi agad sa 'kin na kadulu-duluhan pala ng eskwelahang ito ang building na papasukan mo. Ang layo-layo nang nilakad ko mula sa paradahan ng sasakyan," reklamo sa 'kin ni Mommy nang makalapit na siya. "Ano po bang ginagawa mo rito, Mommy? Akala ko po ba uuwi ka na?" magkasunod na tanong ko sa ina. "Nakalimutan mo ito sa sasakyan." Inangat ni Mommy sa aking harapan ang maliit kong pouch bag na naglalaman ng mga importanteng dokumento ko sa paaralan. Inabot ko mula sa kamay ni Mommy ang pouch bag at saka malambing na nagpasalamat. "Thank you, Mommy!" Humalik ako sa pisngi niya bilang pasasalamat. Kahit maingay si Mommy, love na love ko siya dahil napakamaalaga niya sa amin ni Kuya Raffy. "Hi, Tita!" bati ni JC kay Mommy ang umuntag sa aking pag-iisip. Sabay naming tiningnan ni Mommy si JC na akala ko'y umalis na, iyon pala'y ang mga kasamahan niya lamang ang umalis. "JC!" masayang bulalas ni Mommy na animo'y nakakita ng magandang bagay sa kaniyang harapan. Lumapit si JC kay Mommy upang humalik sa pisngi ng huli. Inirapan ko naman siya pagdaan niya sa aking harapan "Parang ang dami mo pong bitbit, Tita. Tulungan na po kitang magdala," pagboboluntaryong tumulong ni JC sa kaniyang sarili. "Naku, salamat na lang Iho! Kaya ko na 'tong mga bitbit ko." Iniangat ni Mommy ang kamay niyang may hawak sa mga supot. "Ano po ba ang mga 'yan, Mommy?" pabulong kong tanong sa ina. "Mga pinamili kong kagamitan na gagamitin mo rin sa boarding house," tugon naman sa 'kin nito. "Nagrerenta po siya sa boarding house?" patanong na sabat ni JC. "Oo, Iho! Masyado na kasing malayo ang eskwelahang ito kung sa bahay pa siya uuwi. Hindi na kakayanin pa ng katawan niya ang pagbiyahe lalo pa at may panggabi siyang klase," sagot ni Mommy. "Bakit hindi na lamang siya sa bahay tumuloy para mas malapit po ang uwian niya? Makakabawas din po sa gastusin ninyo ni Tito Ralph. Isa pa malaki naman po ang bahay at tiyak na matutuwa rin si Mommy kung doon titira si Stella," salaysay naman ni JC. "Hmm... Pag-iisipan ko ang suhestiyon mo na iyan, Iho. Pero nakakahiya rin naman sa inyo kung doon pa titira si Stella. Baka magkalat lang siya ro'n," natatawang turan ni Mommy. "Mommy!" saway ko sa ina. "Behave naman po si Stella kapag nasa bahay siya. She's like a kitten nga po, Tita!" mapang-asar na komento naman ni JC. Sinamaan ko ng tingin si JC na binalewala lamang nito. Ang walanghiya! Plano pa akong asarin sa harap ng sarili kong ina. "Mabuti na lang talaga at nandito rin kayong dalawa ni CJ nag-aaral. Makakampante ang kalooban kong may titingin kay Stella sa kalokohang maaari niyang gawin," litanya pa ni Mommy. "Mommy!" maktol ko sa ina bilang pagsaway sa mga pinagsasasabi nito. "Huwag ka pong mag-alala Tita, kayang-kaya na ni CJ gawin iyan since iisa lang naman sila ng building na pinapasukan ni Stella," ani ni JC na nagpalawak ng ngiti sa aking labi. "Stella, mag-aral kang mabuti ha. Huwag puro si CJ ang titignan mo," untag sa 'kin ni Mommy. "Mommy!" nandidilat ang mga matang bulalas ko sa ina. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni JC nang mapatingin ako sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay parang naapektuhan sa nakita kong kalungkutan na iyon. "Don't worry Tita, kami na pong bahala ni CJ kay Stella." Kakaibang ngiti ang sumilay sa labi ni JC dahilan para mapalitan ng inis ang kaninang lungkot na pakikiramay ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD