"JC!" hiyaw ko sa kaniya ng bigla na lamang siyang lumundag sa may kama.
"Can you please shut your mouth?!" utos naman sa akin ni JC.
"Ano ba kasing gagawin mo?" inis kong tanong sa kaniya.
Lumabi pa muna siya saka umaktong tila nag-iisip ng malalim.
"JC!" natitilihang anas ko.
"Ang ingay mo talaga, Stella!" Tinakpan ng kamay niya ang bibig ko.
Inalis ko ang kamay niya sa aking bibig saka malakas kong tinampal ang kaniyang dibdib.
"Talagang mag-iingay ako rito hangga't hindi mo ako pinalalabas ng kwarto na 'to," inis kong turan sa kaniya.
"At bakit naman kita palalabasin ng kwarto na 'to gayong dito ka naman talaga natutulog?" nakataas kilay niyang tanong sa akin saka humilata siya ng higa sa kama.
Natigilan ako sa kaniyang sinabi at saka napaisip. May punto nga naman siya, bakit nga ba ako ang lalabas gayong ako naman itong natutulog dito sa kwarto.
"Lumabas ka na nga!" inis kong inihampas sa kaniya ang unan na nadampot ko sa kama.
"Ayoko nga!" matigas nitong sabi.
"Bw*sit ka! Lumabas ka na kung ayaw mong sumigaw ako ng malakas," banta ko pa sa kaniya.
"E 'di sumigaw ka!" turan naman niya.
"JC!" Malakas kong itinili ang kaniyang pangalan.
"At bakit kailangan kong lumabas?" Dumapa siya sa kama at umaktong tila matutulog na.
"Hoy!" Muli kong inihampas sa kaniya ang unan.
"Bakit ba?" Tinabig lang nito ang unan.
"Lumabas ka na sabi at baka kung ano pa ang isipin nila sa ating dalawa." Naiinis na hinila ko ang kamay niya ngunit hindi kinaya ng lakas ko ang kaniyang lakas.
"Iisipin lang nila na may gusto ka sa akin." Malakas na humalakhak pa ito.
"Bw*sit ka!" Muli ko siyang hinampas ng unan na agad niyang nasalo.
"Huwag kang mag-alala Stella, hindi naman kita gusto, kaya imposibleng isipin nila na ginagahasa kita rito. Ang pangit mo kaya!" Pinaikot pa nito ang kaniyang mga mata nang humarap siya sa akin.
"Peste ka talaga sa buhay ko, JC!" Nanggigigil na nilamukos ko ang daliri niya sa kamay ngunit balewala lamang iyon sa kaniya.
"Feeling ka rin kasi!" Malakas na humalakhak pa siya.
"Subukan mo lang talagang gawin sa akin iyang nasa isip mo, tinitiyak ko sa iyong tatanggalan kita ng kaligayahan," banta ko pa sa kaniya.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama at saka itinapat ang kaniyang mukha sa aking mukha.
"Bakit Stella, gusto mo bang tikman ang kaligayahan ko?" nakangisi niyang tanong sa akin.
Kinilabutan ako sa kaniyang sinabi at nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. Biglang nag-init ang mga pisngi ko dahilan para mamula ang mga iyon.
"Bastos!" Nanggigigil na itinulak ko siya ng malakas sa kaniyang dibdib dahilan para mahulog siya sa kama.
"Aagghhh!" nakangiwing anas nito.
"Buti nga sa iyo!" Binelatan ko siya kasabay nang mapang-asar na pagkembot-kembot ng aking baywang sa kaniyang harapan.
"Humanda ka sa akin!" banta pa sa akin nito.
"Kung mahuhuli mo ako!" Mabilis akong tumakbo patungo sa may pintuan saka nagmamadaling lumabas doon.
"Stella!" dumadagundong ang tinig nito sa loob ng silid nang tawagin niya ako.
Hindi ko pinansin si JC at nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa masalubong ko si CJ na paakyat naman ng hagdanan.
"Ano'ng nangyari sa iyo, Stella?" Nahimigan ko ang pag-aalala sa tinig ni CJ nang magtanong sa akin at kinilig naman ako sa simpleng gesture nito.
"Hinahabol ako ng pangit mong kakambal," hinihingal kong sagot sa kaniya.
"Si JC?" kunot-noong tanong niya sa akin.
"Oo!" Sumandal pa muna ako sa may hamba ng hagdanan upang mag-ipon ng kaunting lakas.
"Siya lang naman ang kakambal mo 'di ba?!" dagdag ko pang sabi.
"Ano na naman bang ginawa niya sa iyo?" Naiiling nitong tanong sa akin.
Nagpapa-cute na sumagot ako sa kaniya na sinamahan ko pa nang pagpapahaba ng aking nguso.
"Kinulong niya ako sa kwarto," may halong pagsusumbong na wika ko.
"What?!" Nanlaki ang mga mata ni CJ. "Nasaan siya?"
"I'm here!" Malamig na tinig ni JC ang nagpatingin sa amin sa kaniya.
Para akong batang paslit na agad nagtago sa likuran ni CJ upang hindi maabot ni JC.
"Ano na naman bang ginawa mo kay Stella? tanong ni CJ sa kaniyang kakambal.
"Wala naman!" Nakakalokong ngiti sa mga labi ang nasilayan ko kay JC nang sumilip ako buhat sa likuran ni CJ.
Binelatan ko si JC at saka pinandilatan ng mga mata ko, kasabay nang pasimpleng pagyakap ko sa likurang bahagi ng katawan ni CJ.
"Huwag kang mag-alala Stella, akong bahala sa iyo." Umakbay sa 'kin si CJ saka masuyong inalalayan ako nito pababa ng hagdan.
Tuwang-tuwang naglululundag ang puso ko dahil sa kilig na nadarama ko ng mga sandaling iyon.
"CJ!" malakas na tawag ni JC ang nagpahinto sa paghakbang naming dalawa ni CJ pababa sa may hagdanan.
"Anong problema?" tanong naman ni CJ sa kaniyang kakambal.
"Iwanan mo si Stella rito at hindi pa ako nakakabawi sa kalokohang ginawa sa akin ng babaeng iyan," matigas na turan ni JC.
"Hindi maaari!" mariing sagot naman ni CJ.
"Huwag mo akong suwayin CJ, alam mo kung anong pwedeng mangyari sa iyo," banta pa ni JC sa kaniyang kakambal.
Ilang sandaling nagtitigan silang dalawa at saka nagpalitan ng matatalim na tinginan sa isa't isa. Kung totoong kutsilyo lang siguro ang mga mata nila, malamang kanina pa may bumulagta isa man sa amin sa sahig.
Napalunok ako ng laway nang matamang tinitigan ko si JC sa kaniyang mukha kung saan nabanaag ko ang matinding inis niya sa akin.
Mahigpit na kumapit ako sa braso ni CJ upang doon magsumiksik na tila isang batang paslit na takot na takot.
"Hindi ko iiwanan si Stella sa iyo. Bahala ka na sa kung anong gusto mong gawin sa akin."
Ibinaling ko ang mga mata ko kay CJ at gusto kong maiyak sa narinig na pahayag nito. Na-touch talaga ako dahil handa siyang masaktan alang-alang lamang sa akin.
"Pero gano'n nga ba talaga kalupit si JC na handang manakit sa kaniyang kakambal para lamang makaganti?" tanong ko pa sa sarili.
Malungkot na tumingin ulit ako kay JC na ngayon ay nasa harapan na naming dalawa ni CJ.
Hindi ko namalayan ang mabilis na paglapit niya sa amin dahil sa naging abala ako sa malalim na pag-iisip.
"You look like a kitten, Stella. When I approached, you suddenly just folds. Nagiging matapang ka lang kapag alam mong nasa tabi mo sina CJ at Mama," nang-iinsultong wika sa akin ni JC.
Nagpanting ang mga tainga ko sa narinig na sinabi nito kaya agad akong kumalas mula sa mga braso ni CJ.
"Kitten pala ha!" Pinanliitan ko siya ng mga mata ko at saka malakas na hinampas sa kaniyang dibdib.
Napangiwi ang mukha ni JC dala ng matinding sakit na dulot nang pagkakahampas ko sa kaniyang dibdib.
Mabilis akong tumakbo palayo sa kanilang dalawa nang humahagikhik na si CJ.
"Masarap ba, Bro?" narinig ko pa ang mapang-asar na tanong ni CJ kay JC.
"Stella!!!" Dumadagundong sa buong paligid ng kabahayan ang boses ni JC.
Nagmamadaling pumasok ako sa loob ng kwartong tinutulugan ko at saka ipinad-lock ko ang pinto ng maigi upang hindi mabuksan ni JC kung hinabol man ako nito.