May ilang araw na rin akong narito sa bahay nila Tita Jana at talaga namang nae-enjoy ko ang pananatili rito kahit pa nga may kumag akong nakikita madalas.
Kumag ang bansag ko kay JC dahil parati siyang nakasimangot sa akin. Iniiwasan kong maglandas ang aming mga pagmumukha dahil na rin sa banta niya sa akin no'n sa kwarto.
Hindi naman ako natatakot sa kaniya, sadyang umiiwas na lang din ako dahil naiinis ako sa tuwing makikita ko siya.
Isa pa, hindi rin naman talaga siya ang gusto kong makita rito. Si CJ ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko nagpupunta tuwing summer dito. Kaya si CJ lang din ang madalas kong silayan.
Napangiti ako nang makita sa hardin ang bulto ng katawan ni CJ. Dali-dali akong lumapit sa kinaroroonan niya para pasimpleng makipagkwentuhan.
"Good job, Oreo!" Napaatras ako nang mabosesan ko ang tinig ni JC ngunit agad nang nakita ako ni CJ.
"Hi, Stella!" masiglang bati sa akin ni CJ.
"H-hi!" alanganing ganting bati ko naman sa kaniya dahil nakita ko ang pagsimangot ng mukha ni JC.
"Halika rito! Makisali ka sa amin," masayang aya pa sa akin ni CJ.
Dala ng kahihiyan, lumapit na lang ako sa kanilang dalawa upang makisali.
"Get the ball, Oreo!" utos ni JC sa alaga nilang aso saka inihagis niya palayo ang bola.
Agad na tumakbo ang asong si Oreo upang habulin ang bolang inihagis ni JC patungo sa kung saan.
Lihim ko namang pinagmasdan si JC na seryosong nakatingin sa alaga nilang si Oreo.
Magkamukha sila ni CJ at hindi mo mahahalatang magkaibang tao silang dalawa kung hindi mo sila kilala sa personal.
Malalaman mo lang ang kaibahan nilang dalawa sa ugali. Masayahin si CJ at mahilig sa bata samantalang si JC naman ay parating nakasimangot.
"Good boy, Oreo!" Para naman akong namahika nang makita ang ngiti sa mga labi ni JC.
"Mabuti pa si Oreo nagawa niyang ngitian," natutulalang saad ko sa isipan.
"Stella?" tawag ni CJ ang umuntag sa lumilipad kong diwa.
"Hah?" wala sa sariling saad ko kay CJ.
"Sabi ko, saan ka mag-e-enroll? 'Di ba kolehiyo ka na ngayong pasukan?" nakangiting tanong sa akin ni CJ.
"Hindi ko pa alam kina Mommy at Daddy," tugon ko naman sa kaniya.
"Ano ba'ng kukunin mong kurso?" tanong pa niya sa akin.
"Education?!" alanganing sagot ko sa kaniya.
"Kung gano'n pareho pala tayo ng gustong kurso," masayang bulalas sa akin ni CJ.
"O-oo?!" kandabulol ko pang sagot.
"Kailan ko pa nagustuhan ang education?" lihim ko namang tanong sa sarili.
"Hindi bagay sa iyo maging guro," sabat sa amin ni JC.
"At bakit?!" mataray kong tanong saka nakapamaywang na hinarap ko siya.
"Dahil walang batang maniniwala sa isang tulad mo," mapang-asar na sagot pa niya sa akin.
"Hoy, JC! Anong palagay mo sa akin, hindi kapani-paniwalang maging guro." Umuusok ang ilong ko sa inis at nilapitan ko siya saka dinuro-duro sa kaniyang dibdib.
"Mas kapani-paniwala pa kasi ang clown kaysa sa iyo," sabi pa nito sabay halakhak ng malakas.
"At pa'no mo naman nasabing walang batang maniniwala sa akin? Aber?!" Pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Hindi sila maniniwala sa iyo dahil mukha ka lang posteng nakatayo sa gitna ng blackboard kung sakali." Muli na naman siyang humalakhak ng malakas.
Nanggigigil na hinampas ko si JC ng malakas sa kaniyang dibdib dahilan para mapaubo ito.
"Buti nga sa iyo! Pangit!" mapang-asar kong bigkas at saka binelatan ko siya.
Matalim ang mga matang tumingin sa akin si JC at tila gusto na niya akong sakmalin sa paraan nang pagkakatitig nito.
"Stella!" dumagundong sa paligid ang boses ni JC nang sumigaw siya.
"Humanda ka sa akin kapag nahuli kita!" Mabilis akong tumakbo palayo sa kaniya.
"Tama na 'yan, JC!" narinig kong suway ni CJ sa kaniyang kakambal.
Naisip kong lingunin pa muna sila bago tuluyang tumakbo papasok sa loob ng bahay.
Nakita kong nakaharang si CJ kay JC sa daraanan nito habang kuyom ang mga kamao ng huli.
Nagsalubong ang mga mata namin ni JC nang tumingin siya sa aking gawi. Muli ko siyang binelatan at lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Bumalik ka rito, Stella!" sigaw sa akin ni JC.
"Neknek mo!" mapang-asar kong sagot sa kaniya.
"Humanda ka talaga sa akin!" Nagpumiglas si JC sa pagkakahawak sa kaniya ni CJ.
"Kung maabutan mo ako! Bleh!" Pinaikot ko ang mga mata ko sa kaniya bilang pang-aasar.
Tumakbo akong muli nang makita kong nakawala siya sa pagkakahawak sa kaniya ni CJ.
Walang lingon likod kong tinalunton ang daan patungo sa aking silid na tinutulugan. Mabilis kong isinara ang pinto at saka ipinad-lock ko iyong mabuti upang masigurong hindi makakapasok si JC.
"Stella, lumabas ka riyan!" galit na galit na tawag sa akin ni JC.
"Ayoko!" pahiyaw ko namang sagot sa kaniya.
"Ang lakas ng loob mong kalabanin ako tapos magtatago ka lang," sigaw pa niya mula sa likod ng pinto.
"Kumag ka talaga! Ikaw nga ang nagsimulang mang-asar sa ating dalawa tapos pikon ka," turan ko naman sa kaniya.
"Aah!" Dinig kong hiyaw nito kasabay nang pagsuntok niya sa may pinto.
Napaatras ako palayo sa may pinto dahil pakiramdam ko ay nabingi ako sa lakas nang pagkalog niyon.
Mga yabag papalayo ang sumunod kong narinig tanda na umalis na si JC sa may likod ng pinto. Nakahinga naman ako ng maluwag sa isiping iyon.
"Hay salamat, umalis na rin si kumag!" ani ko sa isipan.
Nakiramdam pa muna ako ng ilang sandali upang tiyaking wala na nga si JC.
Nang matiyak kong wala na ngang tao sa likod ng pinto, dahan-dahan kong binuksan iyon saka lumabas ng kwarto.
"Huli ka!" Nagulat ako sa kamay ni JC na bigla na lamang dumakma sa aking braso kung kaya hindi agad ako nakahuma sa kaniya.
"Bitiwan mo ako!" Ipiniglas ko ang kamay niyang sintigas ng bakal kung makakapit sa aking braso.
"Sinabihan na kita Stella pero 'di ka nakinig sa akin kaya tanggapin mo ang parusa ko sa iyo." Kinabahan ako bigla sa kaniyang sinabi.
Marahas na kinaladkad ako ni JC pabalik sa loob ng silid na aking tinutulugan. Malakas na kumalabog ang pinto nang sipain niya iyon pasara.
Dinala niya ako sa kama saka inihagis doon na animo ay bola na pwedeng tumalbog.
"A-anong binabalak mong gawin, JC?" nahihintakutang tanong ko sa kaniya nang makitang hinuhubad nito ang suot niyang sinturo.
Nakakalokong ngumisi lang siya sa akin bilang tugon.