Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina JC at CJ saka ako marahas na bumuga ng buntonghininga. “Huwag mong sabihin CJ na may back subject ka rin kaya ka narito?” malamig kong tanong sa binata. “Ha? Anong back subject?” maang na balik tanong niya sa’kin. Tila nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang marinig ang sinabi nito. “Anong ginagawa mo rito sa klase namin ni JC?” malumanay ko ng tanong sa kaniya. Kunot-noong tumingin siya sa gawi ng kaniyang kakambal na tila hindi makapaniwala sa narinig na salita buhat sa’kin. “Isa ito sa mga intern class ko. Bakit ka nga pala narito? Hindi ba’t pasado ka naman sa lahat ng mga subject mo?” magkakasunod niyang tanong sa ‘kin. “Nag-shift na ako ng kurso,” sagot ko sabay yuko ng aking ulo. Siya kasi ang dahilan kung ba’t talaga ako kumuha ng kur

