“You did not told me that your girlfriend has a cute face.” Ibinagsak ni David sa aking harapan ang folder na dala-dala nito. “I’m sorry?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. “I met your girlfriend at the hospital,” nakakalokong ngumiti pa sa’kin si David. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko sa kaniyang sinabi. “I don't understand what you mean.” Kinuha ko ang folder saka binuklat ko iyon upang basahin. “I met Stella Monreal in the hospital and my brother wants me to court her. I thought she’s your girlfriend?” Nanlaki ang mga mata ko sa ipinahayag ni David. “Pa’no mo namang nasabi na si Stella iyon?” tiim bagang kong tanong sa kaniya. “Paano ko naman hindi makikilala ang girlfriend mong nakatago ang larawan diyan sa likuran ng salamin ng lamesa mo?” mapang-asar niyang balik t

