“Calling nurse Stella, please come here at the nurse station now!” Narinig ko ang malakas na pagtawag sa pangalan ko mula sa may trompa kaya madaling lumabas ako ng kainan upang magtungo sa nurse station. On the job training na ako rito sa La Fonciana Hospital upang makumpleto ang mga unit ko sa school. Matapos ang ilang taong pagsusunog ng kilay, ga-graduate na rin ako sa kursong pinagtuunan ko ng panahon. Sa wakas, ilang araw na lamang ay lalaya na rin ako mula sa pag-aaral! “Stella!” Nilingon ko ang mga taong nagtawag sa’kin na walang iba kundi sina May at Ella. “Saan ka galing?” tanong ni Ella sa akin na akala mo’y ‘di ko nakasama kanina. “Malamang sa may kainan!” paasik kong tugon sa kaibigan sabay paikot ng mga eyeball ko sa mata. “Naku, lumapit ka na nga muna roon sa nur

