Magkakasama kami ngayon dito sa S&R nina Mommy, Daddy at Kuya Raffy upang dumalo sa ika-pitong kaarawan ni Stefania. As usual present kami dahil bff sina Mommy at Tita Jana. Isa pa ay inaanak din ni Daddy ang bata. Weird nga dahil parang sila-sila na rin ang mga ninong at ninang sa bawat anak nila. Palibasa magkakaibigan na sila since college days. Dahil pambatang okasyon naman talaga ang kasiyahang ito, inilinga ko ang paningin sa paligid upang humanap nang makakausap bukod sa kapatid kong iniwan na rin ako rito sa kinauupuan ko. Panigurado naman na kahit paano ay may kaedaran pa rin ako rito kaya mae-enjoy ko pa rin ang okasyon. Namataan ko ang papasok na si Honey sa may entrance door kaya dagli akong napangiti. Sa wakas! Hindi na ako ang nag-iisang elien sa okasyong ito. “Hone

