HINDI na inintindi ni Alodia kung anong oras man sa America nang mga sandaling iyon—tinawagan niya si Ingle.
Ayaw pa sanang umamin ng pamangkin niya kundi pa si Neil ang nagkompronta rito.
Nagtititili ito na kinikilig sa telepono nang ibalik sa kanya ng nobyo ang awditibo.
“I thought we’re the best of friends. Why did you hide all those things to me?” sumbat niya rito.
“Too late for those sentiments, Tita Toni. The romantic feeling in your voice is very obvious. You’re definitely in love! D’you know what’s the best thing to do right this minute?”
“What?” singit niya sa hindi nagbabagong energy sa boses ni Ingle.
“Put down this damn phone, kiss your Neil whom I hope will soon be my tito, and let me take a bath. I’ll be late for my date! Or better yet, call Jullie. She’s in her pad. Tell her the news! `Bye!”
At bago pa siya nakatugon ay naputol na ang linya.
“Stubborn Ingle,” wika niya nang ibaba na rin niya ang telepono. Binalingan niya si Neil na nakayakap sa kanyang baywang. “Want some coffee?”
“It’s you I want.”
May hatid na kiliting gumapang pababa sa kanyang gulugod ang isinagot nito.
“Neil—” She couldn’t finish her sentence. Nasa mga mata nito ang tila may apoy na titig nito sa kanya. And if he would only insist to let that thing happen again, she wouldn’t dare say ‘no.’”
Gusto rin niya.
“Goodnight, dear, before I lose my head.” Nasa tipid na ngiti nito ang pagpipigil. Mabilis siya nitong hinagkan at tinungo na ang pintuan.
AT BAGO pa siya nakagayak nang umagang iyon ay nasa ibaba na si Neil, kasalo si Don Antonio sa pagkakape.
“Mayroon daw kayong sasabihin sa akin, hija?” masayang salubong sa kanya ng ama nang saluhan niya ito at ang binata.
Lumipad ang kanyang tingin sa huli. Nasa mga labi nito ang isang ngiti.
At nasalubong niya ang mga mata nitong punung-puno ng mensahe ng pag-ibig sa kanya.
“Neil hinted something pero ang sabi ay hintayin ka raw naming makababa. And I sensed that it must be something wonderful,” anang don nang waring sa pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nakalimutan na nila ang presensiya nito.
“Wonderful?” Binalingan niya ito, at dagli ring lumingon kay Neil.
“Isn’t it wonderful to tell this old man that we are getting married?” Lalong lumuwang ang ngiti ng kanyang nobyo.
“Getting married?” bulalas niya.
“Don’t sound like you’re in shock, hija. Wala akong tutol kung iyon ang gusto ninyo. Hindi ba mas magandang mapuno ng halakhak ng mga bata ang malaking bahay na ito?” Bakas ang kagalakan sa tinig ng don.
“Pero, Neil, hindi pa—”
“Sinayang na natin ang walong taong nagdaan, Alodia. Ano pa ang dahilan para patagalin pa natin ito?” maagap na sansala sa kanya ng nobyo.
Napipilan siya. Ang mga rebelasyong sinabi sa kanya nito nang nagdaang gabi ay lubha pang nakalulunod sa kanyang puso.
At ang mag-propose ito ng kasal sa kanya ngayon sa harap pa mismo ng kanyang ama ay labis na.
MULA sa ibang bansa ay umuwi ang lahat ng mga de la Rosa dalawang araw bago ang naitakdang petsa ng kanilang kasal.
Natural na maid of honor si Jullie na pagkakataon na rin na makitang muli si Alodia. At plano nitong sa pagbabalik sa America ay kasama na nito ang ina.
Si Ingle, bagaman nagtatampo noong una dahil gusto ring maging maid of honor, ay nagprisinta na lang na maging cord sponsor.
Biro pa nitong sa oras na mailagay sa kanila ang cord ay ibubuhol nito iyon at pagalitan man ito ng nagkakasal ay hindi na nito tatanggalin.
“So that both of you will not be apart from each other anymore!” katuwiran nito.
GARDEN wedding sa mismong hardin ng mansiyon ng mga de la Rosa idadaos ang pag-iisang-dibdib nina Neil at Alodia.
Sa silid ng bride ay mas natataranta pa ang kaibigan niyang si Jullie sa pag-a-assist sa hairdresser na nag-aayos sa kanya. Kagaya ng damit niya, puting-puti rin ang gown na suot nito, na tanging ang maliit na adornong bulaklak ang nagsasabi ng motif ng kanilang kasal.
Pagkatapos maikabit ang kanyang headdress ay sinipat pa niyang mabuti ang sarili sa salaming sinlaki niya. Nasisiyahang minasdan niya ang fully beaded na bodice ng trahe-de-bodang humapit sa kanyang katawan.
Mula sa itaas na bahagi ng kanyang balakang ay ang maluwang na skirt nitong tumatabing sa kanyang mga paa.
The silk train of the gown all the more emphasized her beauty.
“My God, Alodia! You’re so beautiful!” bulalas ni Jullie na hindi maitago ang excitement.
“And I bet my future Tito Neil will wish the ceremony will be over quickly—”
Sabay silang napalingon sa biglang nagsalita—si Ingle; nasa kamay nito ang isang kahon ng sapatos.
“What do you think, Jullie? Her face is glowing, very much in love.” Nilingon nito ang tiya at nginitian. “Oo nga pala—” Humakbang ito palapit sa kanya at walang palaam na nililis ang flowing skirt ng kanyang trahe. “Mas bagay ito sa damit mo, Tita Toni.”
Napakamot na lang sa ulo ang nagbi-video coverage nang ang mga sumunod na sandali ay ang pagpipilitan nilang magtiyang palitan ang suot niyang sapatos.
Si Jullie ay nakamasid lang sa kanila at piniling hindi na makigulo sa kanila.
“Maganda `yang dala mo, Ingle,” sincere niyang sabi. Nasa mata rin niya ang panghihinayang na minasdan ang magandang pares mula pa sa latest bridal collection ng Salvatore Ferragamo. She knew Ingle had sacrificed a lot of her allowance to buy the air of shoes. “But you know what ‘sentimental value’ mean,” makahulugan niyang wika, nasa tinig niya ang determinasyon.
“And for the very first time in my life, I will witness a bride wearing a dark brown shoes,” anang kanyang pamangking sumuko na rin.
“Nina Ricci naman!” natatawa niyang sagot, and suddenly the memories connected with the shoes she was wearing came back to her.
“Hayaan mo na ang tita mo, Ingle—” sa wakas ay sabad ni Jullie. “Tutal, hindi naman kita iyang sapatos niya sa haba ng kanyang gown.”
LARAWAN ng maligayang ama si Don Antonio habang inihahatid si Alodia sa kinatatayuan ni Neil nang pumailanlang sa paligid ang klasikong wedding march.
A tear flowed down her cheek nang halikan niya ang ama bago nito tuluyang ibinigay ang kanyang kamay kay Neil.
Tahimik na nagkamay ang dalawang lalaki subalit naroon sa mga mata ng mga ito ang piping pag-uusap—na ingatan siya mula sa waring pangingilid ng luha ng kanyang ama, at pangako naman mula sa panig ni Neil.
Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nilang ikakasal. Kitang-kita sa mga mata nila ang pag-ibig sa isa’t isa, lalo na nang binibigkas na nila ang marriage vows.
Sa malapit, pasimpleng pinahid ni Don Antonio ang nangingilid na mga luha habang minamasdan silang dalawa bagaman naroon ang kaligayahan na natapos na rin ang mga paghihirap ng bunsong anak nito.
Katabi ng don ang ilang malalapit na kamag-anak ni Neil dahil matagal na itong naulila sa mga magulang.
Tapos na ang seremonyas at isa-isa nang bumati ang mga bisita. Naroong lahat at nakisaksi sa kanilang kasal ang lahat ng empleyado ng DLR Foods. Pinakahuling lumapit si Leo.
“Congratulations,” nahihiya nitong wika. At sa pagtataka ng mga bagong-kasal ay may iniabot itong legal-size envelope sa bride bago ito tumalikod.
Nakakunot-noong binuksan ni Alodia ang sobre at kasalo niyang bumasa ng nilalaman nito si Neil na hindi umaalis sa kanyang tabi.
Resignation letter.
“I think I’ll have to mend one thing.” Hinawakan niya sa kamay ang asawa at bago siya nito hinayaang makalayo ay mabilis siya nitong hinagkan sa mga labi.
“Ingle, did you see the man who just greeted us?” tanong niya sa pamangkin nang hindi makita sa karamihan si Leo.
To her shock, iba ang isinagot sa kanya ni Ingle.
“Akin na lang siya, Tita Toni. You already have Neil. At kinindatan siya ng pamangkin. Umiiral ang westernized na ugali nito.
Naiiling na pinilas na lang niya ang hawak na resignation letter at iniabot dito.
“Give this to Leo and tell him he still has his job. I gotta go, baka naiinip na ang aking bridegroom.”
Pagbalik niya sa piling ni Neil ay pumailanlang ang ingay ng mga kopitang masayang pinatutunog ng mga bisita sa pamamagitan ng kubyertos.
At bilang pagbibigay, muling naghinang ang mga labi nilang magkasuyo.
•••WAKAS•••