“HINDI kaya nag-aalala na sa atin ang daddy?” tanong ni Alodia nang naglalakad na sila patungong parking area.
Sa pagdaan nila kanina sa lobby ay iniwasan niyang salubungin ang tila nagtatanong ng mga mata ng guard-on-duty. Ngayon siya parang nakadama ng guilt feelings.
Sinulyapan ng binata ang suot nitong relo bago tinugon ang tanong niya.
“Just a little late compared to the time we arrived yesterday. And I don’t think it will make a difference to him. Besides, we are going to let him know this thing between us. What do you think?”
Kalakip ang sinseridad sa sinabi ang ngiting ibinigay nito sa kanya.
“So soon?” mangha niyang tanong.
Tinanguan siya nito, at kagaya ng sinundang gabi ay ipinagbukas pa siya nito ng pinto ng kotse at inaalalayan bago ito naman ang sumakay.
“Alodia, I just hope you will not call me ‘Dr. Concepcion’ again,” sabi nito nang makaupo na rin ito at ipinasok sa ignition ang susi.
“As you wish,” natatawa niyang sagot nang makuha ang ibig nitong sabihin.
BAGO siya ihatid ni Neil ay kumain muna sila.
Isang candlelight dinner sa isang first-class restaurant sa isang hotel sa Makati.
Sa pagkakaharap nila ngayon ay nababasa pa niya sa mga mata ng binata ang kakaibang kislap. At hindi siya magtataka kung ito man ay ganoon din ang nakikita sa kanya.
Nagkaroon ng panibagong sigla ang kanyang puso.
Anumang pagtatago niya ay wala nang halaga ngayon. For eight years ay lihim niyang iningatan sa kanyang puso ang damdamin para dito.
At hindi siya nagsisisi sa lahat ng nangyari sa kanilang dalawa ngayon.
“You sent me away. Alam kong malaki ang kinalaman mo sa sulat na tinanggap ko noon galing sa guidance office,” aniya nang pauwi na sila. Tinuruan niya ang sariling magtonong nanunumbat sa sinabi.
“That brought out the best in you,” tipid na sagot nito.
“Talaga bang ayaw mo sa akin noon?” curious niyang tanong.
“What I didn’t like was you being too expressive with the feelings that are meant to be discreet.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. “Sabi ni Jullie, you were enagaged then.”
“Nagkamali si Jullie sa nakuhang impormasyon. I tried to correct that noong mag-guest ako sa isang school affair nila, hoping na makakarating sa iyo ang pinag-usapan namin. At that time, things were so complicated na gustuhin ko mang gawin ang isang bagay ay hindi naman maaari.”
“Kasali ba ko roon?”
“Partly yes. Even before you showed your admiration, I was already attracted to you. Remember, I verified your name? I just wanted you to be somehow near me.”
Saglit siya nitong nilingon at nakita niya ang pagsuyo sa mga mata nito.
“At aaminin ko sa iyo ngayong kasinungalingan ang sinabi ko noon, na nagsisi akong pinayagan kong mangyari sa ating dalawa ang halik na iyon noong gabi ng birthday mo,” patuloy nito. “But I had already set my priorities then, at ang unang-una ay makapasa ako sa board exam. But believe me, I almost stepped back attending my review classes because I wanted to pursue you.
“`Di bale nang mapatalsik ako sa university dahil bawal ang faculty-student relationship. `Di bale nang hindi ako mag-top sa board exams dahil ang katwiran ko naman, I studied hard when I was still in school. Muntik ko nang kalimutan ang lahat ng priorities ko dahil bigla kang pumasok sa buhay ko.
“Bakit hindi mo ginawa?” Gusto na niyang malunod sa mga rebelasyon nito. At ang lahat ng sinasabi nito ay naging gamot sa mga hinanakit niya rito noon.
“Dahil pinag-isipan kong mabuti. It’s like a gamble, na fifty-fifty ang chance. Nakita kitang obsessed at wala na ang konsentrasyon mo sa pag-aaral. Na nagtitiyaga ka lang sa Nursing course dahil sa iyon ang gusto mo. I saw your potential pero hindi sa ganoong field. That pushed me to send you away.
“Noong gabi ng debut mo, I already talked to your father, explaining those things. Of course, minus the feelings. And when you went away, a lot of what ifs crossed my mind. Pero sabi ko, I’ll just hope that time will bring us back together again.”
Ginagap nito ang isang kamay niya at dinala sa mga labi nito.
May mabining init na gumapang sa kanyang katawan na para siyang kinukuryente ng maliliit.
“You mean, alam ng daddy—”
“I told him everything even before I became his doctor. Somehow, we were afraid na panindigan mo nang mamalagi sa America. Lalo pa at ni ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa mga iniwan mo rito sa Pilipinas. At gustuhin ko man ay napakaliit ng tsansa kung doon kita suyuin dahil hindi biro ang responsibilidad na iiwan ko rito.
“It took us several years at ang nagbibigay lang ng pag-asa sa amin ay ang mga balita ni Ingle na hindi ka naman nagbo-boyfriend doon. And I found out the truth myself this afternoon.” A triumphant smile was plastered on his lips.
“Si Ingle!” Itinago niya sa pabiglang pagbanggit sa pangalan ng pamangkin ang kakaibang damdamin na pinagsaluhan nila.
“Give your niece a call. She’ll confess.” He winked at her.
Inirapan niya ito at sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
Mayamaya ay kumibo siya. “How do you manage to attend to all your hospital duties kung ganitong hatid-sundo pa ako sa iyo?”
“My dear, nag-file ako ng vacation leave mula nang dumating ka.”
“And you told us that these things you are doing don’t matter much to you gayong tinatalikuran mo ang buhay sa ospital?” naa-amuse na sambit niya.
“I swore to myself that this was the time I’d been looking forward to.”
“And are you right, I’m sure,” mahina niyang sabi.
“I love you, Alodia.” Masuyong pisil sa kamay niya ang ginawa nito.
“I love you, too.”