Chapter 2

2656 Words
Aiah's POV Pagkalabas ko ng classrom ay dumiretso ako sa canteen, malamang ay dito sila magsisipunta dahil break time ngayon. Humanda talaga sa'ken yang lalaki na'yan. Kung siya man ang nang-utos sa mga mokong na nambato sa'ken. Lagot talaga siya. Nakakainis, nananahimik lang ako na nag-aaral, nabato pa! ayan tuloy may maliit na bukol ako sa noo huhu. Ansakit kaya. Sila kaya lagyan ko ng ganito 'no? Nakasunod sa akin itong Sean na'to, 'di ko alam kung kakampi ko ba'to or dun siya sa mga kaklase niya 'e. "Pakisabi d'yan sa Master niyo, tigil-tigilan niya ang pantitrip nila sa'ken at hindi ako natutuwa." seryosong banggit ko sa kaniya. "Oo, pagsasabihan ko 'yan na exempted kana lang sa pantitrip nila sa'yo" sagot naman niya sa'ken. "Ha? anong exempted, ibig sabihin may iba pa silang tinitrip bukod sa'ken?" kunot noo kong sabi sa kaniya. "Oo, ganun talaga sila, sumasama nga rin ako sa kanila 'e hehe." Napapikit ako sa kaniyang sinabi, pare-parehas lang pala talaga sila. "Pero sa'yo hindi syempre, 'di ako sasama sa pantitrip nila sa'yo, simula nang makita kita. Nahulog na'ko agad hehe." ngiti niyang sambit habang nakahawak siya sa kaniyang dibdib. Abnormal. "Pare-parehas lang kayo, kung ganyan kalang din naman katulad sa kanila. Huwag mo na'kong sundan. Naiirita ako." kunot noo kong sabi dito. "'Wag ka naman ganyan, gusto ko lang tumulong at makipagfriend sa'yo." pangtatanggi niya. "Bilisan mo at hanapin na natin yung lalaki nayon at makausap ko na." sagot ko naman sa kaniya. "Okay hehe, ang ganda mo." ngiting sambit nito. "Ewan ko sa'yo." sagot ko naman. Nanggigil na'ko dito 'e. Bata-bata pa 'e feel ko mas matanda ako dito. Dapat inaate nalang ako neto 'e. "Mag-aral ka muna, totoy totoy palang 'e." pambabara ko sa kaniya. "Ako totoy? No, porket maliit lang ako totoy na agad? Pwede na'kong magkagf 'no, gusto mo ikaw?" sambit niya habang taas baba ang kaniyang kilay. Nilakihan ko lang siya ng mata. "Wala pa akong time sa mga ganyan, nag-aaral pa'ko, pabigat kana nga sa magulang mo, pang-ggf pa aatupagin mo." kunot noo kong sabi sa kaniya. "Hindi 'no, ako nga daw ang baby boy nila, ibibigay daw nila whatever I want, kaya kung sino gusto ko ibibigay nila hehe." ngiting sambit niya. "So?" sagot ko. "Kaya pati ikaw ibibigay nila hehe." nakangit niyang sabi habang nakahawak na naman sa dibdib niya. Feel na feel? "Manahimik ka jan." sagot ko naman. Naglalakad parin kami, anlayo naman ng canteen dito. "Saan naba banda yung canteen niyo?" tanong ko sa kaniya. "Ayan malapit na tayo baby." sagot niya sa'ken. Baby mo mukha mo, tch. Andaming mga estudyanteng palakad-lakad at nag-uusap usap, ang ganda ng school na'to. Ang lawak, ang ganda mag-aral dito lalo na at makakahanap ka ng magandang work kapag nakagraduate ka sa University na ito. Yun lang, may mga pasaway lang na estudyante na walang magawa sa buhay, tsk tsk sayang lang pagpapa-aral sa kanila ng mga magulang nila kung hindi lang sila nag-aaral ng mabuti. Nakarating na kami sa canteen at nakita kong nakapila ang mga estudyante para bumili ng mga pagkain nila. Ang iba ay kumakain na. Biglang kumulo 'yung tiyan ko. Sobrang gutom na talaga ako, pero 'di ko muna pinansin dahil nakita ko na ang kanina kopang gustong sapakin. Nanggigigil ako, pagsasabihan ko lang siya at 'wag na nilang ulitin dahil nagkabukol na'ko. Magkakasama sila, pati yung mga bumato sa'ken. Mga nasa sampo sila. Nag-uusap usap sila at nagtatawanan. Ngumingiti naman yung Master daw nila. Tuwang-tuwa siguro sa pambabato sa'ken. Lumapit ako dito. Nilakasan ko ang loob ko. Bahala na. "Kita ko yung noo pre namula HAHAHAHAHA." "Bukol yun, Drake. HAHAHAHA" "HAHAHAHAHA" "Ano sunod Master?" Papalapit palang ako rinig na rinig ko na yung kuwentuhan nila. Binaba ko muna yung gamit ko doon sa gilid ng lamesa at lumapit sa kanila. "Hoy! bakit niyo ako pinagbabato ng mga papel? sobrang sakit nun. tingnan niyo at nagkabukol ako! Kayo kaya lagyan ko nito? Tsaka ikaw hoy, ikaw ba nang-utos sa mga 'yan na batuhin ako?" sigaw ko habang tinuturo ko ang lalaki nayon. Andaming nagsitinginan sa'min at nagbubulong-bulungan. Bahala na kung magskandalo ako dito. Gusto ko lang silang sabihan at ayoko nang umabot pa'to sa teacher namin. "Wow, sinigawan ang Master natin pre." "Eyzach, batuhin mo nga ulit. HAHAHA" "Sa kabilang noo naman para dalawang bukol na. Sungay." "HAHAHAHAHAHA" Tiningnan ko lang sila ng masama. Hindi nagsasalita yung sinasabi nilang Master at ngumunguya lamang ito ng bubble gum. "Ano, hindi kaba sasagot? bakit niyo naman ginawa sa'ken yon? bago palang ako dito, pinagtitripan niyo na ako, hindi ba dapat maging friendly kayo sa mga bagong salta sa school ninyo!" kunot noo kong sigaw sa kaniya. "Kalma kalang Ai." bulong sa'ken ni Sean. "Ayaw mong sumagot? edi ikaw nga ang nang-utos. Binabalaan ko kayo na huwag niyo nang ulitin 'yon dahil makakarating 'to sa mga teacher natin at maguidance kayo!" sigaw ko. "Master!" tawag sa kaniya ng bata niya. Tinanguan lang siya nito na parang binibigyan niya ng permiso. May narinig akong lumagpak sa sahig na parang may mga nahulog. Ano 'yun? Pagkalingon ko sa nalaglag ay nakita kong nasa sahig na ang aking mga gamit. Binuhos nila ang mga laman sa bag ko. Halaaa. Yung mga books and notebook ko, Nandun pa ang cellphone ko, baka nabasag na ito. Ilang taon ko nang ginagamit ako phone na iyon. Hindi ako mabilan ng bago nila mama dahil mahal ito. Yun na lamang ang aking ginagamit sa pag-aaral ko. Wala na nga akong laptop, nakikihiram lang ako minsan sa mga kaklase ko. Tas masisira pa itong cp ko. No way! At isa pa! nandun 'yung medyas ko na butas! nakalimutan kong itabi. Nakakahiya at butas pa 'yon, pero hindi naman mabaho 'yun ha. Di ako pasmado sa paa. Pero nakakahiya. Andaming nagbubulungan sa paligid. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakikita kong binubuhos pa nila ang mga laman sa bag ko. Sinisipa pa nila ito. Hindi pwede! Lalapitan ko na sana ang mga gamit ko at para kunin ang cp ko na baka mabasag ay biglang... May humarang sa paa ko, tinisod ako ng isa pang lalaki! Nagtawanan ang lahat "Owwwwwwww!" "HAHAHAHAHAHAHA" "She deserves that." "Lakas ng loob sigawan si Az" "True." Bulungan ng mga babae. Bwiset nakakainis. "Kawawa naman siya." "Oo nga." "Kung ako sa kaniya, umalis nalang siya." Bulong din ng mga babae sa kabilang side. At sinong siraulong nanisod sa'ken? Nakakabanas na! Tiningnan ko ang lalaki at tawang tawa lamang ito. Sobrang sakit ng tuhod ko. Tiningnan ko ulit ang cp ko at tumayo ako ulit para kunin ang cp ko. Pupulutin ko na sana ito nang biglang may umapak sa cellphone ko! At diniinan pa ang pag-apak dito. Inikot-ikot niya sa pagdiin at ito ay nawarak. Wala na ang phone ko, basag na huhu. Wala na'kong magagamit. Paano na'ko nito. Wala pa akong masyadong naiipon. Di ko rin alam kung magkano na laman ng alkansya ko, pero sa school ko nalang na panggastos 'yon. Paano na? Naiiyak na'ko, 'di ko na kinakaya ang ginagawa nila sa'ken. Inalis niya ang kaniyang paa sa pag-apak dito. Nilapitan ko ang cp ko at hinawakan, tiningnan ko kung may pag-asa pa. Basag na ito. Sobrang bigat ba naman ng umapak at sino kaya ang gag'ng umapak nito? Tiningnan ko ito at si, yung lalaking siraulong sinasabi nilang Master! Anak ng tinola naman oh! Kanina pa'ko nanggigigil sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin habang nakakunot ang aking mga noo. Kung pwede lang siyang matunaw sa mga death stare ko. Patay na siya sa mga init nito. Nakatingin lang siya sa'ken na walang emosyon. Ano bang problema niya? Masaya naba sila sa mga ginagawa nila? Nananahimik ako? nag-aaral ako nang mabuti, bakit ganito ang nangyayari sa'ken? Naiiyak na talaga ako. Wala nakong lakas na loob na lumaban at sumagot-sagot pa sa kanila. Regalo pa kasi sa'ken iyon ng aking lola bago siya mawala. Andaming mga memories at picture namin doon. Sinabi ko sa kaniya na bilihan ako ng cp dahil luma na at keypad lang ang cp ko noon. Binilhan niya ako ng maganda at mahal na cp. Tuwang tuwa ako non. Nag promise ako na iingatan ko iyon para magtagal sa paggamit pero sinira lang! Di kona talaga alam! Pagdating sa family ko nagiging emotional na'ko at nawawalan nakong ganang makipag-usap sa lahat. Habang pinupulot ko ang aking mga gamit ay tumutulo ang aking mga luha. Gagawa na lamang ako ng paraan para mapaayos ko ang cp na ito. Habang pinupulot ko ang mga gamit ko ay biglang may tumulong sa pagkuha nito at nilagay ito sa aking bag. Hindi ko na lamang siya pinansin at tumutulo na ang aking mga luha. Nanlalabo na ang aking mga mata dahil dito. Pagkatapos niya akong tulungan ay inabutan niya ako ng panyo. Kinuha ko naman ito, no choice 'e. Wala akong dalang panyo alangan namang medyas yung ipampunas ko sa luha at sipon ko. Baka sabihan pa'kong baliw. "Tss" palatak ng diko kilala. Tiningnan ko ito at ang sama ng tingin sa lalaking nasa harap ko. Yung Master nila ang nag "tss" dito sa lalaking tumulong sa akin. Tiningnan ko ito at nakatingin siya sa akin na parang naaawa. Nginitian niya lamang ako. Ito yung lalaking nasa room kanina, yung nagsabi ng this is room 025. Sabi ko na nga ba at mukhang mabait, mabait nga talaga. "Thank you." sabi ko sa kaniya. Pinunasan ko ang aking luha at sininga ko ang aking sipon. Napalakas yata pagsinga ko. Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay tumayo na ako. Ayoko nang makipag-usap pa sa kanila dahil wala na'ko sa mood. Wala akong pake kung ano mang mga gagawin nila. Di ko na lamang sila papansinin. Kakain na ako dahil gutom na gutom na'ko, kumukulo na ang aking sikmura. Habang naglalakad ako ay nagbubulungan ang mga estudyante sa paligid na nakatingin sa'ken. Wala akong pake sa kanila. Pagkalagpas ko sa lalaking demonyo ay parang may naramdaman akong may nilagay siya sa bag ko, may pinahid yata. Di ko alam, wala na'ko sa mood pang lingunin siya. Ganito talaga ako kapag naiiyak or nalulungkot, nawawalan ng gana at mood sa lahat. 'Di ko alam siguro nasaktan lang ako. "Okay kalang sweety?" biglang sulpot ni Sean. Di ko siya nililingon. "Pasenya kana sa kani--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya. "Shut the fck up, Try to get closer to her. You're out from our group." diin na sambit nung demonyo. Demonyo nalang itawag ko sa kaniya. Ganyan naman ang ugali niya 'e. Wala namang nagawa 'tong si Sean at hindi na ako sinundan. Malungkot lamang ang kaniyang mukha na parang gusto akong lapitan. Parang baby, cute. Si Sean kasi maliit siya na maputi, singkit, matangos ilong, manipis na labi at may dimple, para siyang nakababatang kapatid ko lang. Kawawa lang dahil napasama siya sa demonyong lalaking naging kaibigan niya, malas niya lang, kung ako sa kaniya, aalis na ako jan. Bad influence lamang ito sa kaniya. Umorder na lamang ako ng aking pagkain at sinimulan nang kumain. Gutom nakoooo. Habang kumakain inaalala ko ang cellphone ko huhu. Di ko tuloy manguya nang maayos ito. Pagkatapos kong kumain ay parang may nakakapa ako sa bag ko na malagkit na ewan. Ano yun? Kanina kopa nakakakapa 'e akala ko palawit ko lang sa bag ko. Pero.. yak! iw! Bubble gum?! Eto yung?.. Nginunguya ng demonyo kanina! Kaya pala may pinahid siya sa'ken kanina akala ko kung ano. Di ko nalang kasi pinansin 'e. Tas bubble gum? Lakas talaga ng tama sa utak non. Nagkabukol na nga ako, natisod na at nasugatan ang tuhod ko, nasira na nga ang cp ko na valuable pa sa'ken. Nilagyan pa'ko ng bubble gum sa bag. Sumosobra na ha. Unang araw palang 'to ha. Sana naman tapos na sila sa mga ginagawa nila sa'ken. Hirap pa naman tanggalin nitong bubble gum huhu. Sana 'di mapansin ni Tita ang mga nangyari sa'ken tiyak ay sasabihin niya 'to kay mama at papa. Ayoko namang mag-alala sila sa'ken 'no. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa aming classroom para ipagpatuloy ang aking klase. Eto na naman, ayoko nang makita ang mga demonyo na'yon. Pwede bang lumipat ng section? or room? Hayst! bahala na. Walang pakialaman at wag nalang pansinin. Nauna ako sa room at konti pa lamang ang mga tao. Hanggang sa magsimula na ang klase. Mabuti at 'di na bumalik 'yung mga lalaki na'yun. Payapa ang aking pakikinig. Sa kalagitnaan ng discussion ay biglang pumasok ang mga.. ayoko nang sabihin. Nagcutting class? Tumabi sa'ken si Sean at tinitingnan niya ako. Parang gusto niya akong kausapin pero hindi niya magawa. Nakikinig na lamang ako. "Okay, for our group project. Igugrupo ko kayo para sa gagawin ninyong Research study." sabi ng aming guro sa research 2 Ay research agad? bilis naman. Sa bagay napag-aralan naman na namin 'yan nung grade 11 kaya gagawa nalang sa grade 12. Sana naman mag individual nalang. Ayoko nang may kasama, nung nakaraang school year nga 'e, nag individual ako. Kaya ko naman 'e hehe. "Okay class listen, there are 20 of you in this class. You need to form 6 groups, so each group will have 3 members." paliwanag ng aming prof. "Grupo na naman" "Kuhain niyo koooo" "Kahit taga bigay ng pancit canton nalang ako." "Count me in." "Ako partner mo ha?" Sabay-sabay na sabi ng mga estudyante. "I have here the numbers I prepared, you will pick from this box and whichever number you get will determine the group you belong to." explain ng aming prof. Isa isang nagsitayuan at kumuha ng papel. Nakakuha na ako ng number. Number 2 Hanggang sa matapos ang lahat ay nag explain muli ang aming prof. "You have already formed your groups, Group 1 please stand up." Tumayo ang group 1. Inisa isa ang name para maisulat ito. "Next, group 2" Tumayo ako at ang 2 members pa. Tiningnan ko 'yung mga members ko. Nasa harap kasi ako banda kaya tatalikod pa ako para makita ko. At kung minamalas ka nga naman oh. Out of all the possible groupmates here, Siya pa talaga? Ano, malas na'ko? may balat na'ko sa pwet? Nakakainis! Sino paba? edi yung demonyo. Pati yung isa na tumulong sa pagpulot mga gamit ko. Bahala sila jan, basta ako mag sstart na. Selfish na kung selfish. Pero need ko parin ng help nila. "Okay, Miss Maraiah Jane Jivenez, Mr. Kier Azril Easton and Mr. Damien Ford Smith. The three of you are Group 2. Ms. Jivenez you are the leader." "Next group." Naging leader pa nga. tch Hanggang sa matapos na pati ang klase. Nagsiuwian na kami. Medyo masakit na ulo ko. Need kona magpahinga. Ayoko muna makipag-usap sa mga groupmates ko. Ang iba ay nag-uusap ba about kung paano gawin. Ako nalang gagawa sa bahay. Ako'y pagod na. Bahala na muna sila jan mag-isip ng magiging topic namin sa research. "Hi, I'm your groupmates" may biglang sumulpot sa harap ko. Pauwi na'ko 'e. Si kuyang tumulong pala sa'ken 'to. Di naman pwedeng hindi pansinin 'to. Mabait siya sa'ken. "Ahm yes po, next time nalang po natin pag-usapan. Thank you." sagot ko naman. "Okay, take care." ngiting sabi niya. Infairness ang pogi niya ha. Pero nevermind. Maglalakad na sana ako nang biglang humarang sa'ken yung lalaking kagrupo din namin. Ano pa nga ba edi yung demonyo. "We'll do that in our house." walang emosyong sabi nito. Sabay alis. Baliw ba siya? Pwede naman sa school gawin or sa library, bakit sa bahay 'te? Lakas din ng amats 'e. Gawin mo mag-isa mo. To be continued... Author's Note: Waaaaaa. Nasulat ko na ang Chapter 2 hehe. Sana magustuhan niyo, kahit wala pa masyadong nagbabasa hehe. Bale apat na character na ang napapakilala ko sa inyo. Maraiah, Azril, Sean and Damien haha. Pogi nyaan ni Damien Ford wag kayo! HAHAHAHAHA. gentle 'yan and mabait, matalino. Ayan na ha dinescribe ko na dito. Spoiler HAHAHAHAHAHA. Kainis si Azril sungit. Basta 'yon basahin niyo naaa. Enjoy reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD