Chapter 1
Ano nga ba ang dahilan bakit nagtatransfer ang mga estudyante?
Lumilipat ng bahay?
Ayaw ng patakaran sa school na pinapasukan?
Pangit ang record kaya pina-alis ng guro?
O binubully ng mga kamag-aral, kaya nagtatransfer ito?
Si Maraiah Jane Jivenez ay Senior High School, graduating student na. Nag-transfer siya sa bagong school dahil pina-aral siya rito ng kaniyang tiyahin. Mahirap lamang ang buhay niya, sapat lamang ang kanilang pera para sa kanilang pamilya lalo na at graduating siya, maraming gastusin sa pag-aaral lalo na sa tuition fee. Kaya napagpasiyahan nilang kuhain muna si Aiah kg kaniyang tiyahin para pag-aralin ito sa isang magandang University.
Pumayag naman ang mga magulang ni Aiah at natuwa ito dahil sa kabutihang loob ng tiyahin nito. May kaya ang tiyahin ni Aiah, ang kaniyang tiyahin ay si Tita Bela. Mabait ito ay masiyahin, gustong-gusto niya si Aiah dahil sa katalinuhan nito at kabaitan. Si Tita Bela ay nakatatandang kapatid ng nanay ni Aiah. Mag-isa lamang sa bahay at walang anak. Kaya ganun na lamang ang pagkagiliw niya sa kaniyang pamangkin na si Aiah.
Si Aiah ay may isang kapatid na lalaki. Magkakasama silang pamilya sa isang simple na bahay. Kaya naman nilang pag-aralin si Aiah kaso nahihirapan na sila dito sa panggastos sa mga bayarin kaya ang tiyahin nalang ang nagpa-aral dito.
Lalo na sa katalinuhan ni Aiah ayaw nilang sayangin ang talento nito kaya pinag-aral nila ito sa magandang University. At ito ay ang Lincoln High University.
Si Aiah ay may isang kapatid na lalaki. Magkakasama silang pamilya sa isang simple na bahay. Kaya naman nilang pag-aralin si Aiah kaso nahihirapan na sila dito sa panggastos sa mga bayarin kaya ang tiyahin nalang ang nagpa-aral dito.
Lalo na sa katalinuhan ni Aiah ayaw nilang sayangin ang talento nito kaya pinag-aral nila ito sa magandang University. At ito ay ang Lincoln High University.
Sa pagtransfer ni Aiah ay may mga makakasalamuha siyang magiging hadlang sa kaniyang pag-aaral, magpapatalo ba siya dito o lalabanan niya ang mga ito. Hindi lang siya matalino at maganda, siya siya matapang at hindi basta magpapatalo.
_________
Aiah's POV
Helloooo guyssss! hehe welcome to my life! alam niyo na story ko? wala pa 'yan hindi pa lahat 'yan, marami pa kayong hindi alam sa'ken. Hindi pa sinasabi ni author lahat hehe. joke lang baka magalit.
Ako nga pala si Maraiah Jane, inshort Aiah! pinangalan sa'ken 'yan ni mama at papa. Ang pangalan kasi ni papa ay Marco at si mama ay Raiah kaya pinagsama Maraiah hehe. At ang kapatid ko naman ay Raihmar. 'o diba parang binaligtad lang HAHAHA.
Nakapagtransfer na'ko sa bagong school dahil si Tita Bela na ang nag- asikaso ng aking requirements. Marami siyang kilala dito, sinamahan ko lang siya sa pagpasa. Hindi naman ako masyadong late dahil kasisimula palang naman ng klase, kakalipat ko lang din ng school. Mga nasa 3 weeks na nag-start kaya marami-rami akong hahabulin. Manghihiram nalang ako sa magiging seatmate ko dun.
Naglalakad na ako ngayon para pumasok sa room namin. Naka-uniform and small bag lang ang aking dala. Nakatali ang buhok at simple lang ang ayos.
Ang course na kinuha ko pala ay Educ. Gusto kong magturo sa mga bata, dahil gusto kong ituro sa kanila ang aking mga natutunan, teaching is my passion. Ang sabi nga nila "Teaching is the one profession that creates all other professions" Kaya yon ito talaga ang pinursue kong course.
Malapit na ako sa sinabing room ng registrar kanina, anlayo ah parang dulong room na yata ito.
Pagkarating ko 'dun ay malayo palang ang iingay na ng mga estudyante, grabe talaga mga bata ngayon, hindi mapakali sa upuan, dapat ay mag- aral o magbasa, ang iingay 'e.
"Woooo! sapakin mo sige!"
"Kaya mo 'yan, wala takot!"
"Stop! Ano ba!"
"Bugbugan na 'yan oh"
"Hawakan mo nga sa tenga"
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
Pagkakita nila sa akin ay bigla silang naghintuan sa pag-iingay o pag- aaway. Nagsitigil sila at nagtinginan saken na para bang may bagong salta sa school nila. Totoo naman 'e bago lang naman ako dito. Ano paba?
Hinarap nila ako. Okay medyo nakakakaba 'to ha.
"Ahmm, g-goodmorning po dito po ba 'yung Room 025?" Kinakabahan ako.
Kalma. Nagtatanong kalang.
Nagtinginan sila bago ibalik ang tingin sa'ken, ang iba ay nagbubulungan na at ang iba ay ngumingisi ngisi.
Anong nginingisi mo d'yan para kang aso.
May lumapit sa'ken na lalaki, yung ngumingisi nga na parang aso. Smirk yata tawag don. Eme lang 'yung aso. hehe.
"Hi, I'm Sean. And you are?" ngiting sambit nito.
Ampupu? ba't name ang sinabi hindi room?
"Hoy! siraulo, hindi pangalan mo tinatanong"
"Bagong chicks pre?"
"Nice one"
"Witwiw"
Kantyawan ng mga lalaki sa room.
"Room 025 po ba ito?" pang-uulit ko ng tanong.
"You're beautiful miss" sabay nagwink siya sa'ken.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Iba ka talaga Sean!"
Ako ba pinaglololoko ng mga 'to? 'pag ako nainis, pagbubuhulin ko 'tong mga 'to.
"No."
May biglang sumagot na nasa likod. Nakatungo lamang ito habang nakaupo.
Seryoso ang kaniyang mukha na parang walang pakialam sa paligid.
Edi okay hindi pala ito yung room 025. edi aalis na ako.
"Okay, thank you, alis na'ko" sagot ko.
"HAHAHAHAHA master, ba't sinabi mong hindi?"
"Wait, wait miss. What's your name muna." sabi nung isang ngiting aso.
"Bopols, ayaw ka niya makilala"
"This is room 025" sabi nung babae na maganda. Para siyang mahiyain, nakayuko lamang ito.
Wait? room 025 'to? ba't sabi hindi daw?
"Wait miss, room 025 ito" sabi naman nung pogi na lalaki na parang mabait.
"Tss" walang emosyon na sabi nung lalaking nagsalita kanina ng No.
Nagtinginan lamang sila at binalik ang tingin sa akin.
"Bulag, 'di muna tumitingin bago magtanong" dagdag pa nito.
Dinig na dinig ko ito kaya parang medyo nainis ako. Paano ko makikita andaming nakaharang sa pinto. Doon pala nakalagay ang "Room 025".
Andaming mga lalaking nakaharang, magtatanong lang tas ganon ang sagot?
Nainis ako kaya medyo pumasok ako sa room nila at hinarap ang lalaki.
"For your information, hindi ko po nakita ang room number sa pinto. kaya 'wag mo akong sabihang bulag!" taas kilay kong sabi sa kaniya.
"Wooooooooo"
"Tapang!"
"That's my girl." sabi nung ngiting aso.
"First time may sumagot kay master."
"You're dead."
Nag-ingay ang buong classroom at narinig kong nagbulungan ang dalawang babae sa gilid, left side ng upuan.
"Hindi ba siya natatakot kay Azril."
"Sino ba 'yan?"
"Is she a newcomer?"
"I don't know."
Ay? matatakot ba ako dapat sa lalaking 'yon? no! nagtatanong nang maayos tas sagot bulag? abnormal 'e.
Tiningnan kong muli ang lalaki. Nakakunot na ang aking noo.
Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang ulo at walang emosyong tumingin sa mga mata ko.
Nanahimik ang buong paligid at sa aming dalawa lamang nakatingin ang mga ito.
Nakatingin ako ng masama sa kaniya. Habang siya ay parang walang pakialam.
Habang tumatagal mas lalong tumatalim ang pagtitig niya sa'ken na parang matutunaw ako sa titig niya.
Maganda ang kaniyang mga mata, makakapal ang mga kilay, mapupula ang mga labi, matangos na ilong, malaki ang katawan, mukhang matangkad, kahit na nakaupo pa lamang siya. inshort ay gwa- panget! oo panget! lalo na ang ugali.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Grabe ang pagtitig niya be!
"Bring her here, Infront of me." sabi ng lalaki na sinagot ko.
Nagsilapitan sa akin ang mga lalaki at hinawakan ako sa magkabilang kamay at pilit akong pinalalakad papunta doon sa lalaking masungit!
Ano sila?! 'di ako basta basta susunod sa mga 'to.
"Ano ba! bitiwan niyo nga ako!"
"Sumunod kana lang miss."
"Kami mananagot kay master 'e"
Bilisan mo hoy"
"Huwag hawakan ang baby ko. Masasaktan siya." sabi ng lalaking ngiting aso kanina, sino ba'to?
Siyan yata name. Sean
Pinapanood lang kami ng mga kaklase nila. Wala man lang umaawat?
Ano takot sila dito sa lalaki na'to?
Sipain ko 'to.
Nang makalapit ako sa kaniya ay binitawan ako ng mga lalaki.
Wala na namula na yung wrist ko huhu..
Tiningnan ko ang lalaki na nasa harap ko. Nakatingin siya sa'ken at biglang tumayo. Hanggang balikat lamang ako. Ang tangkad.
Sabay binulungan niya ako sa tenga. Lumapit siya sa'ken.
"Don't you dare answer me like that, cause you don't know what I can do to you."
Parang kinilabutan ako buong balahibo ko tumayo dahil sa bulong niya sa'ken. Hindi ako natakot 'no! Sa boses niya lang ako kinilabutan.
Parang ang husky na ewan basta!
At anong paki ko naman kung sagutin ko siya ng ganon? Nagtatanong ako nang maayos kanina tas sagot niya sa'ken ganon lang?
Bastos 'e.
"I don't c--" sasagot pa sana ako nang biglang may dumating. Ito na yata ang magiging guro namin.
"What's happening class? Sitdown."
Nagsi-puntahan sila sa kanya-kanya nilang upuan at nagtatawanan habang nakatingin samin ng lalaking masungit.
Ako eto nakatayo lang at naghahanap ng mauupuan, wala akong makita puro occupied ang upuan dahil may mga gamit nila ito. Iba ang upuan nila at mga gamit nila.
Ano may pwet yung mga bag nila?
"Miss? Maupo kana." pagpapa-upo sa akin ng guro.
Bahala na kung saan umupo. Paglakad ko ay biglang nagsalita ang lalaki na ngiting aso kanina.
"Babe, dito kana umupo." ngiting sabi nito habang namumungay ang mga mata.
Tatadyakan ko na'to 'e. kung ano ano tinatawag sa'ken.
Tinanggal niya ang gamit niya at dun ako umupo.
"Okay class, You have a new classmate and She is a transferee."
Napa-angat ako ng tingin at nginitian ako ng guro. Ngumiti rin ako pabalik.
"Come here in front. Introduce yourself."
Nagpunta ako sa harapan at humarap sa kanilang lahat. Ngumiti ako syempre para hindi naman halata na nagagalit ako sa kanila.
Lalo na sa lalaking nakikita ko ngayon na nakakabadtrip sobra. Nakatingin pa siya sa'ken na akala mo tinutunaw niya ako sa titig.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Good day everyone, I'm Maraiah Jane, I'm new transferee. Sana ay maging mabait kayo sa'ken." ngiting sambit ko sa harapan.
"Okay, nice meeting you Ms. Maraiah." Tugon naman ng aming guro.
Ngumiti naman ako dito at bumalik na ako sa aking upuan.
Ngiting ngiti naman ang aking katabi.
"Beautiful name hehe" bulong niya sa akin.
Nginitian ko na lamang siya.
Para siyang bata na ewan, ang gara niya ngumisi haha, feeling niya ikapopogi niya 'yun.
Pero mabait naman, siya palang nakikita kong mabait dito.
Nag start na kami ng aming lesson at ayun nga marami akong hahabulin. Gagawa nalang ako paraan, magbabasa nalang ako sa library at hihingi ng mga nadiscuss na ng aming teacher.
Habang nakikinig kami ay lumabas bigla yung lalaking mayabang. Bastos talaga 'e. Nagdidiscuss pa nga 'e. Tas nagsunuran naman yung mga alipores niya.
Bahala sila dyan, may mamimiss sila na lesson.
Eto namang katabi ko ngiti nang ngiti sa'ken. Papangalanan ko natong ngiting aso 'e. Kung 'di ngiti, ngisi naman.
Tas bibigyan ako ng kinakain niyang pulburon. Fave ko 'to, kaya tinanggap ko naman. Kinakain naming dalawa.
Natapos na ang dalawang subject at magbebreak time na muna kami.
Pinasok ko na ang mga gamit ko sa bag nang biglang nagsipasukan yung mga lalaking lumabas kanina at pinagbabato ako ng mga papel na binilog-bilog.
Ano to?! Ang sakit ha!
Aray!
Pinagbabato nila ako. Andami nila, natatamaan nako sa mata, mukha, lahat ng katawan ko. Ang lalaki pa ng papel ha.
Anong kasalanan ko?
"Ano ba! tumigil nga kayo! Tama na!" sigaw ko sa mga 'to.
"Batuhin niyo lang."
"HAHAHAHAHAHAHA"
"Boom! kapol."
"Epic yung mukha niya pre!"
"BWAHAHAHAHAHA"
"Ano ba tama na nga!" ayaw parin nila tumigil, naiiyak na'ko. Legit. Masakit 'e
"Chill mga pre! nasasaktan yung bebe ko." sabi ni Sean.
"Alis Sean! Tumulong ka dito"
"Mayayari ka talaga kay Master."
"Kumakampi ka dyan?"
"Halika dito Sean hoy!"
Sigaw ng mga lalaki na siraulo na mga 'to.
"Ayoko! ako nalang batuhin niyo"
"Anak ng!"
Ano bang nagawa ko, ba't niyo ako binabato. Aray!" sigaw ko parin sa kanila.
Ang mga babae ay nagtatawanan lamang at bulungan.
Nagsi-alis na sila. Paano ako makakakain neto? nagugutom na'ko.
Natapos na sila pagbato sa'ken at nagsitakbuhan sila sa labas ng room.
Tiningnan ko sila ng masama.
Masasapak ko na talaga sila. Ang sakit non.
May bukol na yata ako sa noo, parang may laman yung papel. Pano ako mag eexplain neto kay Tita Bela. Kainis sila!
Tinulungan lamang akong itayo ni Sean at kinuha ang gamit ko.
"Salamat"
You're Welcome, pasensya kana sa mga 'yun ha. Ganon talaga sila kapag may mga bagong transferee." nag-aalala niyang sabi.
"Mga siraulo sila! Lagot sila sa'ken" sigaw ko habang hinahaplos ang aking noo.
"Chill, 'di sila basta-basta, 'wag mo na lang sila patulan baka lumala pa." sagot niya.
Isa lang ang alam kong may kagagawan nito. Ang bwiset na mayabang na lalaki nayon. Humanda siya sa'ken. Nakakainis!
Hahanapin ko siya at makikita niya hinahanap niya talaga! Pero sabi ni Sean, baka lumala pa? papatulan ko paba?
Pagsasabihan ko nalang siguro. Hindi niya pwedeng gawin na kawawain lang ang mga bagong transferee dito!
Lumabas ako ng room at hinanap ang lalaking 'yon.
To be continued...
Author's Note:
Hello hehe, 'yung basa pala sa "Maraiah" is Maraya. inshort Aiah or Aya then sa "Kier Azril" is Kiyer Azril. inshort Az. Pati dun kay "Sean" is Siyan. Natatawa ako dito kay Sean 'e HAHAHAHAHA. cute boy siya jan.
Ayun lang po and sana suportahan niyo itong new story ko. Sana maraming magbasa para magawa ko na ang chapter 2 hehe. babyeeeee!