Chapter 23 Third Person's Point of View “Namiss ko kayo mga bugok! Ang laki niyo na!" sigaw ni John sa kanilang lahat at sinakal ang mga ito isa isa sa leeg. Nang matapos siya sa kanyang brutal na pagbati sa mga kaibigan ay masasamang nakatingin ang mga ito sa kanya pagkaupo nila habang haplos haplos ang mga parte ng katawan nilang hinampas hampas niya kanina. “May sayad ka talaga, ‘no?” ani Kevin. “Matagal na,” pagkumpirma ni Jasper. Humalakhak ito ng malakas at napasimangot lalo ang mga kaibigan. “Kayo naman, namiss ko lang kayo. Ano na’ng balita sa inyo?” masiglang tanong niya sa mga ito. “Wala naman pagbabago. Mga heartthrobs pa rin kahit saang parte ng planetang ito kami mapunta.” Mayabang na sagot ni Dennis. “Ikaw ba? Bakit ang tagal mong nawala?” tanong ni Kris. “Well, medyo

