Prologue
Angel's Note: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Sa mga new readers, SEASON 2 po ito, so kailangan niyo munang mabasa ang SEASON 1 (Secretly In a Relationship with a Gangster) para mas maintindihan niyo ang flow ng story. Maguguluhan lang kasi kayo kapag pinagpatuloy niyo ang pagbabasa nito nang hindi alam ang istorya.
Again, I repeat, season 1 muna bago itong season 2. Karagdagang paalala rin po na ito ay unedited version. Maraming typo, grammatical errors, at kung anik anik pang mali kaya read at your own risk. Thank you.
***
Prologue
Posible ba'ng magmahal ka ng isang taong hindi mo kilala? I mean, yung hindi mo alam ang itsura niya pero nararamdaman mo sa puso mo na nagmamahal ka. Pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko, at parte 'yon ng nawawala kong nakaraan.
"Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa kung sarili ko mismo ay hindi ko kilala. Marami akong katanungang hindi mabigyan ng kasagutan."
Nagising na lang ako isang araw na parang isa akong bata na walang muwang sa mundo, kung saan ako pala'y nakatakda ring magsilang ng sarili kong mga anak.
I gave birth to two little boys. They are twins and I felt so much joy the first moment I saw them in the hospital.
Sila ang naging dahilan at inspirasyon ko para magpatuloy sa buhay sa kabila ng hirap ko sa pag-alala ng nakaraan ko. I tried to ask my family, but they have not given me an answer. Lalo na si Daddy na nagagalit pa kapag nagtatanong ako. Kaya malakas ang pakiramdam ko na may tinatago sila sa'kin.
Ilang taon akong nanahimik para sa mga anak ko. Ilang taon 'kong pinigilan ang sarili ko sa paghahanap ng katotohanan dahil yun ang gusto ng pamilya ko.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin o talagang sinasadya nilang ilayo ako sa kanila na pamilya ko mismo. They never asked me to live with them in Japan that's why I stayed silent in England...with Jiro, a friend of mine..they said.
Akala ko ganun lang kadali pero darating din pala ang araw na hahanap-hanapin ko pa rin kung sino ba talaga ako at kung sino ang ama ng mga anak ko.
Minsan natatanong ko sa sarili ko, "May asawa na kaya ako?" Para naman kasing napaka imposibleng mabuntis ako ng walang asawa.
"Mahal ko kaya siya?"
Hindi ko naman siguro ibibigay ang sarili ko sa taong hindi ko mahal.
"Bakit kaya hindi namin siya kasama? Hindi niya ba kami hinahanap?"
Hindi kaya totoo yung sinabi ni Daddy na mapanganib siyang tao kaya parang inilalayo niya kami sa kanya?
"Paano kaya ako nabuntis?"
Ito ang pinaka weird kong naitanong sa sarili ko. Siyempre alam ko naman na ano yun...yung..basta alam niyo na. Pero ano kaya ang itsura niya? Mga gwapo naman ang mga babies ko. In fact parang hindi ko nga sila kamukha. Baka sa kanya sila nagmana?
Nakaka-frustrate isipin ang itsura niya! Ano kayang ugali niya? Mahiyain? Humble? Mabait? Smiling face? Kasi kung tatanungin niyo ko, yun ang mga katangian ng isang lalaki na gusto kong makasama. Hindi ko naman siguro gugustuhing makipag relasyon sa isang masungit at hindi marunong ngumiti.
Ang sinabi lang ni Jiro ay sa Pilipinas ako nakatira bago kami nauwi sa England ng mga anak ko. I can feel that he's trying to avoid my questions, too kaya kahit mahigpit na pinagbawalan ako ni Daddy na bumalik, sinuway ko siya. Iniwan ko si Jiro at isinama ko ang mga anak ko pabalik ng Pilipinas. Nararamdaman kong dito ko mahahanap ang mga kasagutan sa lahat ng mga katanungan ko sa loob ng limang taon.
I hope that I made the right choice. I hope I won't regret my decision.
I have to search for him dahil siya lang ang makakasagot ng mga tanong ko.
I have to find my kids' father dahil sa kanya ko lang malalaman kung sino ba talaga ako.
---