Chapter 1
King's Point of View
"Didn't I tell you to revise this? Where's the revision here?" I asked impatiently.
I turned my head slightly on the side for a second and pinched the bridge of my nose. I'm losing my f*****g control again and I hate this. I hate how I easily get mad over small things and I can't help it!
"S-Sir, that's the revis--"
I looked at him for a moment.
"You're fired."
Tumalikod ako sa kanya. Lalong sumasakit ang ulo ko sa katangahan ng mga empleyado ko.
"Sir, please! Hindi niyo po 'ko pwedeng tanggalin sa trabaho." hinabol pa niya ako at hinawakan sa braso. "Sa akin lang po umaasa ang pamilya ko pakiusap, sir! Uulitin ko na lang po--"
Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.
"Don't let me call the security for you." I said firmly but instead of getting out, he kneeled down.
How pathetic.
"Bigyan niyo pa ako ng isa pang pagkakataon, sir! Nag-aaral pa po ang mga--"
"Ganun ba kahirap intindihin ang sinabi ko? You are fired. Get out of my sight."
Nakakairita talaga ang mga taong hindi marunong umintindi. I can't tell kung nahihirapan lang ba silang intindihin o sadyang tanga lang talaga sila.
Tinignan ko ang lalaking kasalukuyang nakaluhod sa harapan ko. "Napakababa mo. Lumuluhod ka sa'kin para lang sa trabaho mo? Wala ka na bang natitirang pride para sa sarili mo?"
Hindi ka dapat nagmamakaawa para sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Isang bagay na minsan mo na nga lang gawin, wala pang patutunguhan. Pa'no ba 'to nakakasiguro na babawiin ko ang sinabi ko dahil lang sa nagmamakaawa siya? Walang utak.
"Alang-alang sa pamilya ko, kaya kong magpakababa. Hindi naman masusuklian ng kakarampot kong pride ang mga ngiti nila."
Pamilya.
Pumikit na lang ako bago pa tuluyang mabawi ang mga salita ko.
"It won't change my decision."
Nagdalawang isip ako sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong maging kahinaan ang bagay na 'yon.
"Tama nga ang sinasabi nila. Wala kayong puso. Wala kasi kayong pamilya na inaalala kaya hindi niyo alam ang pakiramdam ng isang pamilyadong taong katulad ko. Wala kayong anak kaya hindi niyo alam ang pakiramdam ng isang ama na nagnanais lang ng magandang buhay para sa kanyang mga anak." I heard his fading footsteps before hearing the door closed.
"You don't know a single thing." I whispered.
Wala silang alam sa pinagdaraanan ko. Wala silang alam kung gaano kasakit ang mawalan ng asawa at anak.
Kung sanang hindi ko siya iniwan mag-isa noon, malamang kasama ko pa sila ngayon. Masaya sana kami. Hindi sana ganito kamiserable ang buhay ko.
Don't you miss me, wife? Masaya ba kayo diyan ng baby natin?
Nahagip ng mata ko ang litrato niyang nasa table ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan. She maybe not here physically but she never left my heart. Siya lang ang laman nito mula noon hanggang ngayon. Pero alam kong kahit na pagbalibaligtarin ko man ang sitwasyon... she would never come back. And that's the painful truth that I can't f*****g accept.
Mahirap ang kalimutan ka Coleen pero susubukan ko. Alam ko naman kung paano ako magsisimula ng wala ka. Ang problema ko lang ay ayoko. I don't want to restart my life without you but do I even have a choice? Siguro napapagod ka na rin na panoorin lahat ng kagaguhan ko simula nang mawala ka. Kaya alang-alang sa'yo at sa anak natin, aayusin ko ang sarili ko. I will try to open my heart again but I won't promise you to give it to others. Sa'yo lang nakalaan ang puso ko
I picked my phone and dialed her number.
(Y-Yes?)
"Where are you?"
(B-Bakit? M-May kailangan ka ba?)
"Let's have a lunch. I'll fetch you in 10 minutes."
Third Person's Point of View
Mabilis na nag-ayos ng kanyang sarili si Honey at kahit nasa kalagitnaan siya ng meeting ay tumayo siya at umalis sa harapan ng mga board members na kasama niya.
"Ikaw na muna ang bahala dito, ha? Importante lang talaga 'to." Bilin niya sa kanyang sekretarya.
"Yes, Ma'am."
"Just call me in case of emer-wait! 'wag na 'wag mo pala akong tatawagan. Siguraduhin mong hindi mo 'ko iistorbohin."
"Okay po. Makikipag date ka lang po niyan may pa-emergency emergency ka pa pong nalalaman."
"Nagrereklamo ka?"
"Naku hindi po! Alam ko naman po kung gaano ka-importante ang kasama niyo. Mas importante pa kesa sa mga investors' natin."
"Ako ba pinaparinggan mo?"
"Tinamaan kayo, Ma'am? Pero siyempre hindi po kayo yun. Hehe. Enjoy your day po! Promise hindi ko po kayo tatawagan kahit na masunog ang kumpanya niyo." Inirapan niya lang ito bago umalis.
Pagkalabas niya ng opisina ay sumalubong sa kanya si King na nakasandal sa kotse nito at naka-shades pa dahil sa tirik na tirik na sikat ng araw. Napalunok pa si Honey nang maglakad palapit sa kanya si King na animo'y isang modelong lumabas mula sa isang magazine. Hindi niya talaga maipagkakaila ang paghanga sa binata lalo na at sa tindig pa lamang nito ay halos malaglag na ang panga niya.
"Nag-iba yata ang ihip ng hangin? Ano'ng nakain mo, Mr. Smith?" agad niyang tanong kay King pagkalapit niya rito.
"Tss. Just get in." sagot lang nito at saka pumasok ng kotse. Hindi man lang siya nito pinagbuksan ng pintuan ngunit dahil alam na niyang hindi ugali ni King ang magpaka-gentleman sa kanya ay hindi na siya nagreklamo pa.
"Wala ka talagang ka-sweetan sa katawan, noh?" tanong niya ng makapasok siya. Hindi naman siya sinagot nito at tahimik na nag-drive hanggang sa makarating sila sa isang fancy restaurant. Napapailing na lang si Honey sa trato sa kanya ni King.
"This way, sir." Sabi ng isa sa mga staffs ng restaurant pagkapasok nilang dalawa. Hinatid sila nito sa isang private room na pina-reserve ni King. The chefs served their specialties. The two quietly ate their food when Honey suddenly broke the silence.
"I know you're not the type of person who easily says sorry kaya okay na. Is this your way of saying that magical word of yours? Then fine, you're forgiven." May mapaglarong ngiti sa mga labi nitong sabi niya.
He rolled his eyes, "Fine! Alam ko hindi ako magaling sa ganitong bagay, okay?"
"Eh bakit ka sumisigaw? Akala ko ba nag-sosorry ka?"
"Galit ba 'ko? Tss. Hindi ako sumisigaw."
"Ano'ng tawag mo diyan sa tono mo? Pabulong? Ang abnormal mo talaga, King. Pasalamat ka mahal kita."
"I know."
"Yabang mo talaga. Kung mahal kita, diba dapat mahalin mo rin ako para patas? Ang daya mo dahil ako lang ang nagmamahal sa'ting dalawa. Mahirap kaya yung ganun." Tumawa ito ng mahina saka muling nagsalita, "Hindi ka ba pwedeng maglaan ng kahit maliit lang na puwang para sa'kin diyan sa puso mo? Just give me even just a little space in your heart and I'll take care the rest." she said sounding a bit desperate.
"Pangako mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay niya sa'yo. Pero kung.....wala talagang pag-asa, lalayo ako ayon sa kagustuhan mo. Isang tanong, isang sagot, King."
"Do you still want me to stay?"
Nakatitig lang sa kanya si King habang siya ay parang mawawalan na ng hininga sa sobrang kabang kanyang nararamdaman sa paghihintay ng isasagot nito. Walang mabasa sa mga mata ng binata. Naging blanko at tila nawalan ng emosyon ang mga ito na nakatitig lamang sa kanya. Nabalot ng labis na kalungkutan ang pagkatao ni Honey nang makuha na niya ang sagot ni King kahit na hindi pa ito nagsasalita.
'Hindi talaga kami pwede dahil hindi na niya kayang magmahal pa ng iba.' Tanging bagay na nasabi ng dalaga sa kanyang sarili. Ngumiti lamang ito kay King upang ipakita na tanggap niya ang desisyon nito. Na iginagalang niya ang kagustuhan niyang lumayo na siya. Na hindi talaga niya mapapalitan si Yuka sa buhay at puso niya.
Tumayo ito at kasabay ng kanyang pagtalikod ang mabilis na pagbagsak ng kanyang mga luha. "S-Sorry hindi ko mapigilan eh." Sabi niya sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
"Honey,"
Hinarang niya ang palad niya nang magtangkang lumapit sa kanya si King. "I-I'm okay. Huwag mo lang akong pansinin. Mahal kita sobra alam mo ba 'yon?. Hindi ko nga alam kung paano ako nahulog ng gan'to sa'yo kahit na ni minsan hindi mo ipinaramdam na may halaga ako sa'yo. Pero hindi pa ako ganun kamanhid para hindi maramdaman na ayaw mo talaga sa'kin. Kung layuan mo nga ako parang may nakakadiri akong sakit and you don't know how it brings me down as a woman. S-Sorry. Hindi ko gustong isumbat sa'yo lahat." Dinampot niya ang bag niya at nagsimulang maglakad palabas nang marinig niya ang mga salitang hindi niya inaasahang magmumula sa bibig ni King.
"D-Don't leave me.. please"
***