Chapter 2

2032 Words
Chapter 2 Honey’s Point of View “Hoy!” “Oh shocks! Ano ba?! Ba’t ka nanggugulat?!” hindi ko napigilang sigaw sa kanya. Kitang nagmo-moment ako dito sisirain niya! Kainis. “Eh bakit po ba kasi parang lumilipad nanaman ‘yang utak niyo? In love much lang ang peg, Madame? 1 month na kayong ganyan kaya hinay hinay lang at baka ma-overdose sa too much kilig.” usisa pa niya. Tinignan ko siya ng masama. Sa lahat ng sekretarya, itong Madel Delle na ‘to yata ang pinaka chismosa! Lahat na lang  ng kilos ko napapansin  niya. Pasalamat siya at hindi ako naiirita sa kanya. Besides, siya lang din ang tumatayong diary ko. Ang kaisa-isang taong napagsasabihan ko ng lahat ng ka-echosan ko sa buhay. “We’re officially together.” Parang wala pa sa sarili kong sabi. Nakita kong nag-make face siya kaya hindi ko naiwasang mapangiti ng napakalapad. Bruhilda talaga. Lumapit siya sa’kin ng nakapamaywang. “Alam mo friend, alam ko sekretarya mo ‘ko rito pero alam mo rin ba na nakaka-umay na? Oo alam ko kayo na. Unli lang? One month is consisting of 30 days and sa araw araw na magkasama tayo, bukambibig mo na ‘yan. Hay naku! ‘Di lang maka-get over?” “Boyfriend ko na si King Daryl!” pang-asar ko pa na sigaw sa harapan niya. At ang gaga ay nakisakay na lang sa akin at nagsisigaw . Mabuti na lang at sound proof ito at baka akalain ng mga nasa labas ay napapaano na kami. “Whoo! Sa wakas! Nagbunga na rin ang pang-aakit mo—” “Gaga!” “Hahahaha. In denial ka pa diyan! Halos maghubad ka na nga sa harapan nun pero waepek pa rin tapos ngayon…OMG! Boyfriend mo na ang nag-iisang tagapagmana ng Smith Corporation! Oh ayan ha? Ni-replay ko ang saktong saktong reaksyon ko nung ibinalita mo sa’kin ‘yan. Sana bukas day off muna ng kwento mo ha?” “Oo! Bwisit ka. Ang saya saya ko talaga, Madel Delle.” “Obvious nga sa pisngi mong parang pinatong patong ang blush on sa pamumula mo.” Napahawak naman daw ako sa magkabila kong pisngi at para nanaman akong baliw na napangiti. Sa tuwing maaalala ko kung paano niya sinabing kami na, shet! Pasalamat siya at medyo hindi pa nun nagsisink-in sa utak ko  ang sinabi niya kaya hindi ko siya nahalikan agad! Pero grabe! Kung alam niyo lang kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko nang mga oras na ‘yon ay parang babagsak talaga ako sa sobrang pagje-jelly jelly ng mga tuhod ko. *beep beep* “This is really a miracle,” bulalas ko. “Bakit? Niyaya ka na bang magpakasal through text? Aba milagro na talaga yun. Successful ang pamimikot mo sa kanya.” “Hindi!” “Eh ano? It’s seems like it is your first time receiving a text message from him. If I know hindi ka marunong magreply.” “Tumahimik ka muna diyan. Si King…GOSH! Tinext niya ‘ko!” “Yun na ‘yon? 1 month na kayo, ngayon ka lang niya tinext? Aba tinitipid ka pala niyan load eh! Bakit hindi ka na lang tinawagan?” “Hoy effort kaya niya ‘toh! This is the first time he send me a message.” “Ang sabihin mo, ayaw niya lang marinig ang boses mo.” “Namumuro ka na sa’kin ah. Isa pa at sesesantihin na talaga kita.” “Uy ‘to naman joke lang friend! Pinapatawa ka lang eh.” “Pwes hindi ako natatawa.” I rolled my eyes at her and left my office. Susunduin daw ako ni BOYFRIEND KO. Kahit wala pa siya ay lumabas na ‘ko. Sabi niya 30 minutes pa daw bago siya makarating pero wala pang sampung minuto ay nandito na ‘ko sa labas. Excited lang ako sobra. Pabalik balik ang tingin ko sa daan at sa sa wrist watch ko at sa wakas ay tapos na ang 30 minutes kaya lang…wala pa siya. Baka naman na-traffic lang kaya naupo muna ako sa may waiting area rito sa labas. 4 hours has passed. 4 hours must been enough para hintayin ko siya. My excitement vanished away so I decided to go back home with so much disappointment. Third Person’s Point of View “Sir, sorry po talaga hindi namin inaasahan ang pagdating ng investor natin.” “It’s okay. It’s for our company so it doesn’t matter. You can go now.” “Thank you, sir!” Sabay sabay na sumakay ng elevator pababa ang mga tauhan niyang kasama sa emergency board meeting nila habang siya ay naiwan saglit at bumalik sa kanyang opisina. Tiningala niya ang oras sa kanyang malaking wall clock. 3 PM. Napabuntong hininga siya bago bumulong, “I’m 4 hours late.” Napabuga ulit ito ng hangin sa ere at saka umupo sa kanyang swivel chair. ‘Mukhang pagod na pagod ang Hubby ko. Huhuhu. Bigyan nga iyan ng YEH! Yuka’s Energizing Hug!’ Biglang nag-flashback sa utak ni King ang nakakaugaliang gawin ni Yuka kapag nakikita niyang pagod siya. Yung tipong yayakapin siya nito ng mahigpit at kukwentuhan ng mga nangyari sa kanya maghapon . He sighed as he slowly shook his head, “Wife… I’m longing for you…longing to hold you again..” paulit ulit niyang sambit kahit na ipinangako na niya sa sarili niya na babawasan na niya ang pag-iisip ng mga bagay tungkol kay Yuka. Hindi na tinawagan pa ni King si Honey dahil sa sobrang pagod na kanyang nararamdaman at ayaw na niyang makp[ag-away pa rito kaya dumiretso na lamang siya pauwi ng bahay. Sa Mansion na siya kasalukuyang tumutuloy simula nang mawala ang asawa, ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Mga kasambahay at driver pa rin ang laging kasama kagaya ng nakagawian  niya bata pa lang. “Young Master, handa na po ang hapunan.” Magalang na sabi ng isang maid sa kanya pagkababa niya ng hagdanan. “I’m not hungry.” “Sige po. Tawagin niyo na lang po kami sa intercom niyo kapag nagutom po kayo.” Tumango na lang si King. Nagpahangin lang siya saglit sa labas bago bumalik ng kwarto. Hindi ito agad na nagpahinga bagkus ay hinarap ang kanyang computer at tambak na trabaho sa kanyang lamesa. Mga papeles na kailangan niyang pirmahan, proposals na dapat aralin, at mga bagong aplikante para sa hiring position nila sa kumpanya. Inabot hanggang madaling araw sa pagtatrabaho si King hanggang sa hindi niya namalayan na inumaga na pala siya. Sa kabila ng kapaguran ay hindi siya makaramdam ng antok. Kalimitang problema niya noon pa. Nahihirapan siyang makatulog sa gabi kaya naman ay itinutuon niya ang kanyang buong atensyon sa pagta-trabaho. He took a shower after  having a cup of coffee then headed to the company. Sumalubong sa kanya ang mga empleyado niyang tuwang tuwa at halos marinig ang sigawan sa labas. Nagsitahimikan naman sila nang makita nilang nakatayo si King. “What’s happening here? What’s with the commotion?” mahinahon naman na tanong niya sa  mga ito. “Ah..sir..kasi po ngayong buwan na yung outing ng buong kumpanya. Ito po yung ni-request ng lahat sa inyo then pinirmahan niyo at naipasa na po ito sa ibang board members. Sa outing po na ito, sagot din ng kumpanya ang pamilya ng bawat isa. Kaya tuwang tuwa po ang lahat dahil magkakaroon sila ng libreng oras para makasama ang kanilang mga asawa at anak.” Paliwanag sa kanya ng empleyado na nakupo sa front desk. “Family..” “Yes sir. Kaya isama niyo na rin po yung girlfriend niyo para naman magkamoment kayo. Yieeee.  Napaka workaholic niyo po kaya.” “Oo nga po, sir!” “Malay niyo sir may magbunga pag-uwi niyo!” Napuno ng kantiyawan para kay King ang buong paligid samantalang siya ay parang nanigas sa kanyang kinatatayuan. Walang kibo siyang pumasok sa kanyang opisina at parang wala nanaman sa sariling nakatitig sa kawalan. He pictured himself being alone while everyone is enjoying their given leisure time with their families. Napasabunot siya sa kanyang buhok nang mag-ring ang cellphone niya. Honey’s calling. (King..) “T* ngina naman kasi bakit sila pa?! Bakit pamilya ko pa ang kinailangan niyang kunin sa’kin?” (T-Teka..nasaan ka? Pupuntahan kita!) “I’m so much hurt and in pain.” Daing nito at bakas sa boses niya ang pamamaos. Napahawak sa bandang dibdib niya si Honey nang marinig ang mga salitang nagpakirot ng puso niya. (Kaya nga nandito ako para tulungan ka diba? King naman…tulungan mo rin ang sarili mo.) mahinang sagot nito at pinilit na itinago ang sakit na nararamdaman niya mula sa kabilang linya. Nailayo ni Honey ang cellphone mula sa kanyang tainga ng makarinig siya ng malakas na pagbagsak kasabay ng pagkaputol ng tawag ni King. Maitim na aura ang tila bumabalot sa buong pagkatao ng binata nang lumabas ng opisina kaya awtomatiko ang pagbibigay daan sa kanya ng mga taong nadaraanan niya. Sumakay ito ng kotse at mabilis na pinaharurot. Kalahating oras din siyang nagda-drive nang mapahinto siya sa tapat ng isang ice cream parlor. Bumaba siya ng kotse at pumasok sa loob. “I said give me one Chocolate Chip Cookie Dough Ice Cream.” May pagka-iritang sabi ng isang batang lalaki na nakasuot ng pormal na damit na animo’y isang binata. Nakaupo ito sa counter at naka-folded arms pa. “Sinabi ko naman sa’yo bata na wala nga kami niyang hinahanap mong flavor. Nasa’n na ba kasi ang nanay mo?” “You don’t care, okay? I’m a customer, so you should obey me and I’m looking for that flavor and if you don’t have, that’s not my problem anymore.” May accent pa ang pagsasalita nito kaya mas lalong nalulukot ang mukha ng babaeng kausap niya. “Nasa pilipinas ka bata kaya magtagalog ka nga. Uulitin ko, wala kami ng flavor na hinahanap mo. At teka… may pera ka naman ba? Ang bongga mo ring mag demand  'no?” “First of all, I hardly put an effort to speak to some unimportant matters, but in your case I believe I have to do in a scrap of my valued time. There’s no policy in the constitution of the Philippines that we should speak Filipino when we are in the country. Then I’ll repeat, if you don’t have that flavor, that’s not my problem. And you’re asking for money? Here..” inilahad niya ang isang golden card na hawak niya at iwinagayway sa harapan ng babae. Halos malaglag naman ang panga nito dahil hindi biro ang card na hawak ng batang lalaki. Nagtitinginan na ang ibang customer sa kanila kaya hindi na alam ng babae kung ano ang dapat niyang gawin. “Pasaway naman ‘tong batang ‘to pa’no na ‘to?” medyo nag-aalala niyang bulong. Bukod sa mag-isa lang siya, guard lang ang tanging kasama niya sa shop. “Why are you staring at me, Mr.-I-don’t-know-your-name?” nakataas ang kilay niyang tanong sa nakatayong si King nang mapansin niya ang pagtitig nito sa kanya. “A-Ahh…nothing,” sagot ni King at saka humarap sa babaeng mukhang problemado. “Bring me a Chocolate Chip flavored ice cream and some nips with chocolate syrup.” “P-Po?” “Such a deaf.” Sabay na sambit ng dalawa. Si King at ang batang lalaki. Napangisi naman silang pareho nang magkatinginan sila. Walang nagawa ang babae kundi sundin ang utos ni King. Nagulat na lang sila nang si King mismo ang nagdisenyo ng ice cream at ibingay sa bata. “Here’s your Chocolate Chip Cookie Dough Ice Cream, little boy.” “Oww. Not bad.” Natawa naman si King sa reaksyon nito. “How did you know this?” “I simply know someone who loved that flavor too. And I used to do that for her also.” Pinagmamasdan ni King ang bata habang kumakain. Napaka graceful at walang kakalat kalat nitong inuubos ang ginawa niyang ice cream. There’s something with the child that he can’t get his eyes off him. Parang may naaalala siya sa mga kilos nito. “I think I deserved a return favor for what I did.” Sabi ni King. Hindi niya akalain na mapupunta siya sa isang ice cream parlor at kasalukuyang nakikipag-usap sa isang bata. “Sure, what is it?” “Based on your way of speaking, you probably didn’t grow up here in the Philippines.” “Yeah, actually it’s my 31st day here.” He answered and carefully wiping the tissue paper around his mouth when suddenly the little boy's phone rang. “Yes, mommy?.... I’m not missing…I just saw an interesting shop…nothing…..okay okay fine I’ll be there in a minute… I love you too, mommy!” ibinalik niya sa bulsa ng kanyang polo ang cellphone at dahan dahang bumaba mula sa kinauupuan. “I guess I have to go. Thanks for the great Ice cream Mr. Chocolate Chip.” “Why didn’t you tell her you’re here? Need a ride?” “No thanks. I’m with my driver. You know what; Mr. Chocolate Chip, my mom will freak out if she knew that I went in an ice cream parlor and didn’t even ask her to come with me.” Natawa si King sa sinabi ng bata. Bigla siyang may naalala sa description na sinabi nito. Isang babaeng magagalit kapag nalamang pumunta ka sa isang ice cream parlor at hindi siya sinama. “I really have to go. Bye.” Pinagmasdan niyang makasakay ang bata sa kotse at maglaho ang sasakyan sa kanyang paningin. “Kasing laki na sana siguro niya ang anak ko.” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD