Chapter 3

1829 Words
Chapter 3 Third Person’s Point of View Nakatingin sa isang chocolate cake na nasa ibabaw ng lamesa at parang maiiyak na sabi nito sa kapatid.“I wanna eat it.” He glared at his twin brother, “No,you can’t! Mommy told us not to eat sweets at night. Stop being such a stubborn kid, Sam.” Tumalikod ito sa kapatid at umakyat ng hagdan pero dumungaw ito saglit sa baba. “Don’t dare touch to that.” “Yes, Kuya.” Sam answered in surrender then sighed. But after his Kuya left him, a playful smile formed on his lips. “He just told me not to touch it. Hihihihi.” He mumbled and rolled his eyes. He carefully tiptoed, heading near the table. He climbed up on the chair for him to reach the cake since he lack of height compared to his twin brother. Nang maayos na siyang naksampa, napapatakip pa ito ng bibig sa paghagikgik niya habang napapatingin sa cake at sa direksyon na tinungo ng kanyang Kuya. At saka niya inilagay sa kanyang likuran ang dalawang maliliit niyang braso. Dahan dahang inilapit ang naka-ngangang bibig sa kanyang ‘target’. “Tam tam?” tawag ng isang boses na mukhang kakapasok pa lang ng bahay. Dali dali namang bumaba mula sa upuan si Sam at sinalubong ang ina. “Mommy?” “What’s with your face, baby Tam?” bungad na tanong niya sa anak na hindi maipaliwanag ang itsura sa sobrang dungis. “Just dirt, Mommy,” painosenteng sagot nito. “What did I tell you before? Never say lies,” “—And always say the truth, Mommy.” Nakayukong pagdurugtong nito sa sinabi ng ina. “Good. Now tell me what you did while I was gone.” Nakapamewang na tanong nito sa anak. “I ate sweets even Kuya told me not to.”Pag-amin nito. He keeps on pouting his lips while nervously waiting for his Mom's response. “Oww. My baby is so cute~” Mabilis na nagtaas ng ulo ang bata kasabay ng pamimilog ng mga mata nitong singkit. “You’re not angry with me, Mommy?” “Of course not, baby. As long as you brush your teeth after eating. Let’s eat together and by the way where is your Kuya Chan Chan?” sunod sunod ang pagtangong itinugon ni Sam sabay turo sa taas kung nasaan ang kakambal. Sabay nilang tinungo ang kusina at pinagsaluhan ang mukhang minasaker na cake ni Sam. “Baby Tam, look what you have done. Did you murder this poor cake?” “Not really, Mommy. I tried to eat that without using my hands,” “Why? Then how did you—” “Using my..” sabay pout nito, pagtukoy sa kanya bibig. “Because Kuya Chan Chan threatened me not to touch it.” Napisil niya ang magkabilang pisngi ng anak sa sobrang ka-cute-an nito. Pagkatapos nilang kumain ay nilinis niya muna si Sam bago sinaamahan sa taas. Pagbukas niya ng kwarto ay nadatnan na nilang mahimbing ng natutulog si Chan chan kaya madali na ring nakatulog si Tam tam. Pinagmamasdan niya ang mga anak na natutulog at hindi maialis ang ngiti sa kanyang mga labi. Sina Christian o mas kilala sa palayaw nitong Chan Chan, at si Sam na nakasanayang tawaging Tam tam dahil hindi nito ma-pronounce ng maayos ang sariling pangalan. So instead of Sam, naging Tam ito. “Sorry mga baby ko at madadamay pa kayo ngayon sa kagagawan ni Mommy. Mukhang alam na ng lolo niyo ang ginawa ko kaya…..freeze lahat ng cards ko. Huli na para umatras pa kaya isa na lang ang naiisip kong paraan para maka-survive tayo. I have to search for a job.” Nakatapos naman siya ng pag-aaral kaya walang kaso sa kanya ang maghanap ng trabaho. Dala niya lahat ng documents na alam niyang kakailanganin niya dito kung sakaling dumating nga ang ganitong pangyayari. Ang pinag-aalala lang niya ay walang mag-aalaga sa kanyang dalawang anak. Hindi katulad sa England na naka-alalay sa kanya doon si Jiro ‘di gaya ngayon na mag-isa na lang siya. Hinalikan niya sa noo ang mga anak bago lumabas ng kwarto. Kinabukasan “Mommy, where are we going?” “We’re just going somewhere, baby Tam. You both finish your breakfast now.” “Are we going to have a tour, Mommy?” tanong din ni Christian. “No little Kuya. I’ll just check on something then uuwi rin tayo agad.” Nang matapos silang mag-almusal ay agad niyang pinaliguan ang kambal at binihisan. Iniwan niya muna ang dalawa saglit sa salas at siya naman ang nag-ayos ng sarili. “Let’s go babies!” sigaw niya sa mga ito na nasa salas pa habang inaayos niya ang sapatos na isusuot ng mga ito. “We’re coming!!” sigaw na sagot din ni Sam. Agad siyang nakapag-abang ng taxi dahil nasa tabing kalsada naman ang tinutuluyan nilang apartment. Wala silang na sariling sasakyan at kinailangan na rin niyang bitawan yung driver at car na ni-rent niya mula pa sa NAIA dahil sa biglaang pag-freeze ng daddy niya sa lahat ng cards na meron siya kaya aalis sila ngayon para puntahan ang kumpanyang nangangailangan ng bagong empleyado na nabasa niya kagabi sa isang diyaryo. Ang Smith Corporation. -Smith Corporation “Good morning po. Ano po’ng kailangan nila?” tanong ng guard nang akmang papasok na sila. Nagpalipat lipat ang tingin ng gwardya sa kanya at sa bitbit niyang dalawang bata. “Mag-aapply po sana ako para dun sa hiring ng kumpanya ninyong nabasa ko sa diyaryo,” Napatingin ulit ang guard sa dalawang batang nakatitig din sa kanya. “Ah ‘yon ba Ms. Kaya lang hindi pwede ang mga bata dito. Balik ka na lang ulit dito kapag mag-isa ka na lang.” saka nito akmang isasara ang pinto nang biglan... “HOY!! TUMIGIL KAYO MGA BATA!” “Hey Chan chan! Tam tam! Stop!” “No Mommy! Go up and we’ll take care of him!” “What?!” “Mommy, stop asking and just go up!” umagaw ng atensyon ng lahat ang maliliit na boses na sumisigaw. Nanlaki ang mata niya nang makita niyang papalapit ang security team ng kumpanya.ganun din ang kambal na nagkatinginan muna at tumingin sa isa’t isa saka mabilis na tumakbo papunta sa magkahiwalay na direksyon. Nagkagulo ang mga empleyado at kinuha niya ang pagkakataong iyon para makaalis. Mabilis siyang tumakbo ngunit nakakyat na ang elevator kaya wala siya nagawa kundi ang gumamit ng hagadanan. “Ms. tumigil ka! Pwede kang makasuhan ng trespassing sa ginagawa mo!!” Hindi niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy lang sa pagtakbo sa kabila ng paghingal sa sobrang pagod. Kahit hindi niya alam kung nasaang palapag na siya ng gusali ay binuksan niya ang pinto papasok sa.. “10th….floor,” hingal niyang sambit bago mabilis na pumasok. “Yes, Ms.? May kailangan ka?” tanong ng babaeng nasa front desk ng isang napakalaking opisina. “H…..R…. Mag-a-apply...sana..ako,” “Ah Miss sa baba ‘yon. Nandun ang HR Department namin.” “Po?!” “HOY! Nandito ka lang pala! Halika dito!” “Shems!” “Teka ano’ng nangyayari?Bakit niyo siiya hinahabol?” “Trespasser po ‘yan, Ma’am!” “Ano? Hulihin niyo dali!” sigaw ng babae kanina kaya kinailangan niya bilisan ang pagtakbo. --- “Iyon na ba lahat ng aplikante?” “Opo, sir. Sa totoo nga po pang sampung batch na ‘yang mga aplikante nating ‘yan pero…..dalawa pa lang po ang na-approve niyo simula no’ng first batch.” “Walang kwenta. Itapon mo na lahat ‘yan,” "Pero sir kahit isa lang kasi kailangan na —” “Do you want me to fire you and hire one of those nonsense applicants?” “Of course not, sir!” “Then leave now before I change my mind.” Mabilis na lumabas ng opisina ang lalaki bago pa magbago ang isip ni King at sesantihin siya sa trabaho. He turns his swivel chair around and reviews the papers he is holding. Seryoso itong nagbabasa ng mga papeles nang biglang isang malakas na pwersa ang bumukas sa kanyang pintuan dahilan upang magunot ang noo niya at malukot ang mga papel na kanyang hawak hawak. “What the f**k?! Hindi ka ba marunong kumatok?” galit na sigaw ni King ngunit hindi na nag-abala pang lingunin ito. “S-Sorry…po,” Tila isang matinding pagsabog ang narinig ni King dahilan at parang nabingi siya rito. Boses na ilang beses niyang hinangad na muling marinig sa loob ng limang taon ang ngayo’y parang musikang nagpapa-ulit-ulit sa kanyang pandinig. Nanlamig ang kanyang mga kamay at parang minamartilyo sa sobrang lakas ng kabog ang kanyang dibdib. Hindi siya nagsayang ng oras at agad na nilingon ang pinagmulan ng tinig. Naramdaman niya ang muling pagkabuhay ng buong pagkatao niya nang dumapo ang kanyang paningin sa babaeng kasalukuyang hinihingal at nakatitig sa kanya, “Naku pasensya na talaga sa pagpasok ko. Kasi ano..ah… promise emergency lang talaga! Huwag niyo po akong isusumbong!! Please!” He slowly walks towards her, studying every part of her face. Her eyes, nose, cheeks, and….lips. Nang makalapit siya sa babaeng kaharap niya ay kabado ang mga kamay niyang humaplos sa mukha nito dahilan para ma-wirdohan sa kanya ang babae at mapa-atras. “S-Sir?” Kung ano ang kaba niya kanina ay siya namang kirot na gumuhit sa pagkato niya. “W-What did you say?” “Sir? Are you sick? Bakit namumutla kayo?” “I-I’m okay.” Sagot nito nang may bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha. “ Sure? Ah by the way, ako nga pala si Yuka,” inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ni King. “Yuka Coleen Nakashige.” Hindi ito kumibo. Hindi rin ito sumagot. Mistulang estatwa itong nakaharap kay Yuka. Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa harapan ni King na parang walang balak kumibo. “Sorry nagmamadali po ako. I have to go.” Mabilis namang nakakilos si King at mabilis na nahigit ang braso ni Yuka. Naramdaman niya ang pamilyar na epekto sa kanya ng babae. Literal na parang may kuryenteng dumaloy sa mga ugat niya pagkahawak. “Y-You’re alive,” “Sir, nagpunta po ako sa kumpanyang ito para sa pakay ko. At kung magpapaka-estatwa lang kayo diyan hanggang mamaya ay mabuti pang bitawan niyo na po ako. Nasasayang na ang oras ko. At isa pa, malamang buhay po ako at nandito ako para makapag-apply ng trabaho at hindi para makipagtitigan sa—" “You’re hired.” Napatingin si Yuka sa pangalan na nasa ibabaw ng table ni King. At doon niya nabasa… “You’re the CEO? A-At tanggap na ‘ko?? Talaga po??Walang halong biro?Walang bawian?! Promise 1 million times??” Natatawa na naiiyak ang itsura ni King habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Yuka. Walang pinagkaiba sa ugali nito noon pa man. Naguguluhan man siya sa mga pangyayari kung bakit buhay si Yuka? Paano siya nabuhay? Bakit kung makaasta ito ay parang hindi siya kilala ng asawa? At bakit sa kabila ng katotohanng buhay ito ay….parang ibang tao ang babaeng nasa harapan niya? “Yes I’m serious,” Napasuntok pa sa hangin sa sobrang saya si Yuka at napatigil na lang siya nang may maalala siya. “Ano’ng problema?” tanong ni King na matiman pa ring nakatitig sa kanya. Sinusulit ang bawat paggalaw ng mukha ni Yuka. “Pwede ba’ng…… may mga isama ako habang pumapasok po ako dito sa kumpanya niyo?” medyo nahihiyang tanong nito at napakunot noo pa si King “Sino’ng isasama mo?” Napapilig ang ulo ni Yuka at parang hindi mapakali ang kanyang mga kamay na nakahawak sa laylayan ng kanyang damit. “My Sons.” Pagkarinig na pagkarinig ni King ng salitang 'sons' ay parang biglang may pumitik sa loob niya. Hindi maipaliwanag na kaligayahan ang ngayon lang niya naramdaman. “S-Sons? W-Who’s your h-husband?” lakas loob niyang tanong. Halo halong emosyon na ang kasalukuyan niyang nararamdaman. Pananabik at sobrang kasiyahan. “Y-Yes sir. My sons and they are twins but…. I know how embarrassing it is but… I don’t remember who their father is.” “W-Where a-are t-they?” may pagmamakaawa sa mga mata nito. Biglang napatakip ng bibig si Yuka, “Oh my gosh!!” “Why?!” biglang nataranta si King. “HINAHABOL SILA NG SECURITY TEAM NIYO!” malakas na sigaw ni Yuka at saka mabilis na tumakbo palabas. “ANO?!!” sigaw din ni King at saka hinabol si Yuka na nagmamadaling bumaba. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD