Chapter 4

1928 Words
Chapter 4 Third Person’s Point of View “Will you stop staring at me? You are irritating. Tss,” iritang sita ni Christian sa mga guard/ security team na nakabantay sa kanilang dalawa ni Sam. “Aba ang talas ng dila ng batang ‘to! Hindi porket inglisero ka palalagpasin kita. Manahimik ka kagaya niyang katabi mo.” Sabi nung isang guard, patukoy niya sa nananahimik na si Sam. “I want milk.” Sam whispered. “Hey, he said he wants milk.” Christian seconded. The guard raises his left eyebrow, “Eh ano ngayon?” “Stupid. Then get some milk.” “Anak ng pating! Ako? Istupido? Aba pare sumosobra na ‘tong bubwit na ‘to!” lumapit siya sa dalawa at pinanlakihan ng mata ang mga ito. “AAAAAHHHHHHH!!” biglang hinila ni Sam ang magkabilang tenga ng guard at saka pinanggigilan kaya hindi nito napigilang mapasigaw. Tinampal ng guard ang mga kamay ni Sam upang bumitaw sa pagkakahila sa kanyang tenga. “Y-You h-hurt me?” maiiyak na hindi pa makapaniwalang tanong ni Sam habang nakatingin ang mga mata niya may namumuong luha sa guard. “Lagot pinaiyak mo,” puna ng mga kasama niyang security team. “Tam tam! Chan chan!” “Mommy!” sigaw ni Christian at agad na sinalubong si Yuka. “Uwaaa!! Uwaaa! *huk* *huk* *huk*” umalingawngaw ang iyak ni Sam sa lobby kung saan nakaupo pa rin siya kaharap yung isang guard. “Tam tam!” tinakbo niya agad ang umiiyak na anak. Pinahid ang mga luha nito sa pisngi, “Shhh. It’s okay baby Tam tam. Stop crying shhh,” “B-But M-Mommy he hurts me.” Itinuro niya yung guard na nanlaki naman ang mata. “You hit him?!” sabay na sigaw ni Yuka at ng kadarating na si King. “S-Sir?” “Is that true? You hurt him?” seryosong tanong ni King sa guard. “A-ang kulit po kasi pero hindi naman mala-“ “You’re fired.” “SIR?! Hindi naman po ma-“ Dahan dahang bumaba sa kinauupuan niya si Sam at tumakbo palapit kay King. Nang magtama ang paningin nilang dalawa ay may hindi maipaliwanag na koneksyong naramdaman si King. Hinila ng nakatingalang si Sam ang laylayan ng coat niya. “He hits me like this!” dinemonstrate pa nito kung paano siya pinalo sa kamay at napansin naman ni King ang pamumula ng maliit na kamay ng bata. Nag-lebel ito para magpantay ang tangkad niya kay Sam. He gently caressed the child’s reddish hand, “Does it still hurt?” Sam nodded and said, “Yes,” Lumapit si Yuka sa kanila. Kinuha niya ang kamay ng anak at dinampian ng halik. “Does it still hurt, baby?” “No, Mommy. It’s fine now.” Nakangiti nang sagot nito at hindi rin naitago ni King ang mapangiti. “Aren’t you Mr. Chocolate Chip?” biglang singit ni Christian na ikinagulat din ni King. “Yes… I am and you are that smart kid I met before.” Sagot nito. Hindi siya makapaniwala kung papaano sila pinagtagpo ng mapaglarong tadhana. Napansin ni King ang atensyong naagaw nila mula sa mga empleyadong ngayon ay nakapalibot at obvious na nakiki chismis sa nangyayari. “Let’s go back first to my office.” Nagulat ang lahat sa sinabi ni King. Lalo na nang buhatin niya si Christian. “Mommy, I want to ride on him too.” Itinuro niya si King na buhat buhat ang kakambal niya. “Baby, si Mommy na lang m-“ “It’s okay.” Ngumiti ulit si King sa kanila at dahan dahang binuhat din si Sam. Bale dalawang bata ang nasa magkabilang braso niya. May mga napangiti, nainis, at nainggit na mga nakakakita. May mga kumuha rin ng litrato dahil sa napakagandang imahe at aurang napapalibot kay King ngayon. “Naku sir pasensya na po talaga,” pagpapaumanhin ni Yuka. “I said its okay.” Tumungo ito paakyat ng kanyang opisina habang nakasunod sa likod niya si Yuka. Hindi maialis ang ngiti at saya sa mukha ni King habang karga karga ang kambal na parehong nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya. “Why are you smiling Mr. Choco Chip?” “That’s weird.” Kumento rin ni Sam. Pumasok sila sa loob kung saan silang apat na lang narororoon. Bumaba ang kambal mula kay King at lumapit sa ina. “Mommy how was your job application?” “I got accepted!” “Really? Then we don’t have to leave the Philippines anymore?” Napakunot noo si Yuka sa tanong ni Christian. “Bakit naman tayo aalis?” “I heard you last night that grandpa freezes all your cards and you have to look for a job for us to survive.” Biglang nataranta si Yuka sa sinabi ng anak. Lalo na nang makalapit sa kanila si King. “So that’s the reason why you need a job?” “Sorry sa kadaldalan nitong baby ko. Baka nananaginip lang siya kagabi at akala niya totoo.” Kabadong tugon ni Yuka. “Pero kailangan ko po talaga nung trabaho at salamat dahil tinanggap niyo ‘ko.” “Tha-“ “Why do you have my Mom’s picture?” Biglang napunta ang tingin nila kay Sam na nakasampa na sa swivel chair ni King at nangangalkal sa table nito. “Tam tam pasaway! Bakit ka nakikialam ng gamit ng iba? Come down!” Bumaba naman ito ngunit dala dala niya sa kanyang kamay ang isang frame. Lumapit sa kanya ang kakambal na si Christian. Nanlaki rin ang mga mata nito nang makita ang hawak ni Sam pero agad ding naging seryoso. Matalim ang tingin nila na nagpalipat lipat sa ina at kay King. Sa pagkakataong ito, lumalabas ang pagiging imbestigador ni Tam tam at detective ni Chan chan. “You have our Mommy’s picture on your table.” – Christian “You are kissing her.” – Sam “Kiss symbolizes love for a person.” – Christian “That means you love our Mommy.” – Sam “And that’s why you are kind to us.” – Christian Nagpatuloy sa pagsasabi ng mga bagay bagay ang kambal na siyang napagdudugtong dugtong nila para lang maipalabas na tama ang kanilang hinala. Napapahanga si King sa katalinuhan ng dalawa kung paano naiisip ng mga batang katulad nila ang mga kasalukuyan ideya na lumalabas sa matatabil nitong mga bibig.   “Are you our missing Daddy?” Napatakip ng bibig si Yuka sa itinanong ng mga anak at agad na tumakbo patungo sa mga ito. “You both stop playing around! Of course he’s not your Dad!” humarap ito kay King, “Pasensya na at mga feeling imbestigador at detective ‘tong dalawang ‘to. They often used to play those roles since they wanted to become like investigators and detect…tives…some….day,” napako ang tingin ni Yuka sa hawak na frame ng anak. “I guess they inherit my intelligence.” King clarified. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Ang taong hinangad niyang makita noon pa na ipinagkait ng kanyang pamilya ay nasa harapan na niya ngayon. Nakatitig sa kanya at sa sa kanilang mga anak. “Y-You mean…..” He smiled and a tear escaped his eye. A tear of joy. “I’m your husband and……we’re f*****g married, w-wife." Nanginginig ang mga tuhod ni Yuka na lumapit sa ‘asawa’. A part of her was confused when she slowly began to feel gentle hand stroking her face. Dahan dahan din niya hinawakan ang kamay ni King na humahaplos sa kanyang mukha, kasabay ng mga titig nitong tila lulusawin siya sa tingin. “P-Pero bakit w-wala akong maalala? B-Bakit hindi kita makilala? Napakarami kong tanong na walang mga kasagutan. Limang taon akong sumubok makaalala pero…w-wala talaga. And if you are really my h-husband, bakit nasa England kami at nandito ka sa Pilipinas? Bakit hindi tayo magkasama? Hindi mo ba kami hinahanap? H-Hindi mo ba kami….mahal?” tuluyan siyang naiyak habang sinasabi ang mga hinanakit niya at mga katanungan dahil lumaki ang mga anak niyang wala kinilalang ama. “Shhh… Please don’t cry… I will explain everything to you….and remember this, I love you so much and you don’t know how I almost got crazy when I knew you were..d-dead. I almost killed myself. I was been killed too, not physically but emotionally," “D-Dead? Akala mo patay na ‘ko? Pa'no? Bakit?” He placed his index finger on her lips. He slowly nodded and explained, “5 years ago, an accident happened. Sumabog yung sasakyan ko at akala mo nandoon ako sa loob kaya nagmadali kang tumawid ng kalsada at….nakita na lang kita na…wala ng malay. Isinugod ka namin sa ospital pero sabi ng doctor…wala na. And that was the time I knew…that you were pregnant. I wasn’t even able to see you that time because your Dad prohibited me from seeing you. I've begged him but....he still didn't allow me." nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni King nang magbalik sa ala-ala niya kung paano siya nakiusap kay Mr. Nakashige noon na payagan siyang makita ang asawa pero hindi siya nito pinagbigyan. Sinadya pa ito ni King sa Japan at paulit-ulit na pinakiusapan pero hindi pa rin siya pumayag. "Kaya pala....kaya pala ni minsan wala siyang nabanggit ng tungkol sa 'yo. Kaya pala hindi niya ako hinayaang hanapin ang sarili ko at alamin ang nakaraan ko. Dahil may tinatago siya sa 'kin. My god! Hindi ko akalain na magagawa niya sa sarili niyang anak 'yon." Nagtuloy tuloy ang mga luha ni Yuka sa pagbagsak dahil hindi niya matanggap ang ginawa ng ama. Limang taon. Limang taon ang nawala sa pamilya nila. Limang taon ang nasayang para makapiling nila ang isa't-isa. Limang taon na kahit kalian ay hindi na nila mababalikan pa. “I-I’m s-sorry. Hindi ko alam-” “It’s not your fault so don’t blame yourself. Babawi ako sa ‘yo. Babawi ako sa pamilya natin at…..babawiin ko kayo sa Daddy mo kahit mag-away pa kami. I promise.” “P-Paano?” “You will move in to my house.” He gently kissed her forehead. “P-Pero-” “Ssshh… I will help you remember everything kahit na kailanganin pa nating ulitin lahat ng mga ala-ala natin noon. I’ve missed you so much.” He pulled her towards him. Ipinaramdam niya kung gaano siya kasabik at kasaya na makita ang babaeng pinakamamahal niya. He put his arms around her waist and kissed her cheek. “God! I’ve really missed you.” He whispered still kissing every part of her face. Medyo naiilang naman si Yuka dahil kahit na nalaman niyang asawa niya ang lalaking ito, wala pa rin siya maalala at ang katotohanang mistulang estranghero ang nakayakap sa kanya. He was about to kiss her on the lips.. “Mommy, I want milk.” Napahiwalay bigla si Yuka at saka naman naalala ni King na may dalawang pares ng singkit na matang nakatitig sa kanila. Lumapit sina King at Yuka sa dalawa. Ngumiti si Yuka at saka nag lebel sa height ng kambal. “Mission accomplished. We finally found him.” sabi nito sa mga anak at saka iniharap si King sa kanila. “He’s your Daddy.” Pagkasabing iyon ng kanilang Mommy ay agad na kumapit ang kambal sa magkabilang braso ni King. “My little boys,” maluha luhang sambit niya at napayakap sa kambal. “Siya si Sam, ang baby Tam tam ko. At si Chrsitian, ang baby Chan chan ko.” Pagpapakilala ni Yuka ng kambal niyang anak kay King. “Yehey! I have my own Daddy now!” pumapalakpak na sigaw ni Sam. “Now I know why I’m perfect.” Pagmamayabang naman ni Christian. “I can’t believe I can this be happy. I love you both and of course your Mommy.” He kissed the twins on their cheeks that made them giggle. “Daddy, I want milk.” Sabi ni Sam sabay sundot sa pisngi ni King. “Sure. Daddy will buy you milk.” Nakangiting sagot nito sa anak. Parang musika sa pandinig ni King ang pagtawag sa kanya ng ‘Daddy’ ng mga anak. “Me too, Daddy.” “No problem, boys.” Mag-oorder na sana siya nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. *riiing riiing* “Hey, Dennis!” masiglang bati ni King na siyang nagpakunot ng noo ni Dennis sa kanilang linya. (Ano nanamang ka-abnormalan ang nangyayari sa’yo? Nandito ako sa baba at bakit nakakalat ang security team? Pinasok ba ang kumpanya mo??) Natawa naman ito sa tanong ni Dennis. Pinasok ang kumpanya niya. Pinasok ng dalawang makulit na mga anak niya pero pinigilan niyang masabi iyon sa kaibigan. Gusto niya kasing masurpresa ito. “Oo pinasok ang kumpanya.” (Ano?! Nasaan ka? Hostage ka ba nila? Paakyat na ‘ko diyan sa-- ) “Bumili ka muna ng gatas.” Sumenyas naman si Yuka ng bote at baso at nag-ok sign si King. “Isang naka-baby bottled at isang naka baso.” Dumedede pa rin kasi hanggang ngayon si Sam samantalang si Christian ay baso na ang gamit. (Amputek King! Ano ka bata?! Dumedede??) “Huwag ka ng magtanong at bilisan mo.” (OO BIBILI NA ‘KO NG DEDE MO BABY KING!) ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD