Chapter 19 Jasper’s Point of View “Pa’no ba ‘yan? Sisibat muna kami,” paalam ko kay King. Nasa kwarto ng kambal si Princess dahil nag-ayang matulog si Tam tam. “Bring him straight in here,” “Areglado!” sabay sabay naming sagot sa kanya. Paglabas namin ng bahay nila ay dumiretso kami sa kotse ni Kevin. Mas malaki kasi ito at kasyang kasya kaming tatlo pati na si Kris kumpara sa mga dala namin ni Dennis. “Abnormal talaga yung Kris na ‘yon umuuwi na lang bigla bigla,” sabi ko. Napahampas naman sa sandalan ng inuupuan namin ‘tong si Dennis. “Baka naamoy ang pagbabalik ni Princess?” “Imposible. Kanino naman niya malalaman?” sabi ni Kevin habang nag-da-drive. “Sabagay imposible nga dahil kay King pa siya nag-request ng plane,” sabi ko naman. “At talagang walang umupo ni isa sa inyo dit

