Napilitang bumangon si Sarrah dahil sa gutom. Nakapagpahinga na siya ng isang oras sa kama matapos maaga siyang almusalin ni Dylan. Ito na ang nagtuloy ng niluluto niyang ham at bacon kanina dahil tamad na tamad siya. Mas masarap matulog sana kung hindi lang tinatawag na siya ni Dylan para kumain. As usual, nagkalat na naman ang damit niyang suot kung saan-saan. Nakakahiya. Pero ganoon pala talaga 'yun. Oras na iniyakap ni Dylan ang mga braso at sinimulan siyang halikan ay nakakalimot na rin siya. Mula kagabi ay dalawang beses na siyang inangkin nito. Tiyak na masusundan pa kapag pinanindigan nito na hindi ito papasok sa opisina. Hindi man niya gustong aminin, nasisiyahan siya at gusto niya ang ginagawa ni Dylan sa katawan niya. Pakiramdam niya'y siya ang asawa at hindi ang Auntie Karla

