bc

His Slave

book_age18+
10.9K
FOLLOW
124.4K
READ
forbidden
HE
sweet
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

“Unfortunately, the first trial of IVF failed, Mr. Silvestre. Send your wife to my clinic so we could try again,” wika ng doktor na ikinalungkot ni Dylan. Wala ang asawa niya dahil abala na naman si Karla sa fashion show nito sa Paris.

Pero gustong-gusto niya nang magkaanak. Matanda na siya para hintayin pa kung kailan magdedesisyon ang asawa niya na mamalagi na lang sa Pilipinas.

Idinaan niya sa pag-inom ng alak ang kabiguan. Sa halip na umuwi sa townhouse nilang mag-asawa ay sa condo siya umuwi kung saan namamalagi ang babeng inupahan ni Karla para maging surrogate nila.

Na isang malaking pagkakamali. Pagbukas niya ng pinto ay siya namang paglabas ni Sarrah sa banyo suot lang ang kapirasong twalya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Bilisan mo nang magsibak ng kahoy d'yan, Sarrah, aabutan na tayo ng dilim!" Nasa kabilang puno ng chico ang kaibigan niya na si Analyn. Tuwing hapon ay kailangan nilang mag-ipon ng mga sanga para may panggatong sila sa pagluluto. Napakaraming natumbang puno ngayon dahil sa nagdaang bagyo. At ang isang sinisibak niya'y ayaw pang matanggal sa pinaka puno kaya kanina pa siya nanggigigil. "Sandali lang! Akala yata ng kahoy na 'to tatantanan ko siya. Hindi siya makakaligtas sa 'kin!" "Hoy, punongkahoy 'yan ha? Baka ang iniisip mo e ang nanay mo 'yan na pinipilit kang magtrabaho sa Maynila bilang katulong?" Tinigilan niya ang pagsibak saka pabagsak na itinapon ang itak sa tabi ng malaking sanga. Masama talaga ang loob niya dahil ayaw niyang umalis dito sa Aurora Province. Kahit mahirap sila ay kuntento na siya sa ganitong buhay. Ang Inay lang naman niya ang mareklamo dahil hindi man lang daw siya mapakinabangan gayung tapos naman siya sa high school. Bente dos anyos na siya pero ni hindi siya makatulong sa gastusin sa bahay. Siya ngayon ang nag-aasikaso sa dalawa niyang kapatid na si Aljon at Ciara. Ang Inay niya ay naglalaba minsan sa bayan at ang Itay niya ay nakikisaka naman sa kung saan-saang bukirin. Pero lumalaki na rin kasi talaga ang gastos ng pamilya nila. Kahit sa public ngayon nag-aaral ang dalawa niyang kapatid ay marami na ring gastusing kailangang bayaran. Hindi na yata sila makasabay sa pag-ikot ng mundo. Minsan ay pinagkakasya na lang nila ang pagkain sa dalawang kainan. Tiis-tiis na lang kapag kumalam ang sikmura. Kaya gustong-gusto niya dito sa dulong lupain ni Mang Estong dahil maraming puno tulad ng chico, bayabas at camachile. Iyon na lang ang meryenda nila, masustansya pa. "Natatakot ako sa Maynila. Ang sabi nila masusungit daw ang mga mayayaman." "Ay oo naman. Kita mo nga ang asawa ni Mang Estong di ba? Nakakapunta lang tayo dito kapag wala sila. Kanino ka daw ba mamamasukan?" "Sa mayamang kamag-anak ni Inay." "Paanong may mayaman naman pala kayong kamag-anak pero hindi niyo mahingan ng tulong?" "Malayong kamag-anak nga di ba? Yun ngang malapit na kamag-anak ang hirap lapitan eh. Akala nila lagi kang hihingi ng pera." "Kunsabagay... Saan ba nakatira 'yan? Magkano daw ang sweldo mo?" "Pitong libo daw kada buwan." "Pitong libo?! Ay bakit ayaw mo pang tanggapin?" "Hindi ko nga gustong mapalayo sa Aurora..." pagdadahilan niya. "Naku, Sarrah, tigil-tigilan mo ang pagiging sentimental. Hindi tayo mabubuhay niyan. Kung ayaw mong tanggapin ang trabaho e di ako na lang. Kahit pa saang lupalop 'yan ng Pilipinas papatusin ko 'yan." Katulad niya rin kasi si Annalyn na hindi na nakatuntong sa kolehiyo. Gustuhin man nilang mag-aral ay makakabigat pa sila lalo sa pamilya. Sa bayan pa kasi ang pinakamalapit na unibersidad na napakalayo sa Barrio Manotoc. Kailangan nila ng pambayad ng boarding house, pagkain, allowance sa maghapon, at mga libro. Kaya karamihan naman talaga sa nga kaklase nila ay hindi na tumuloy sa pag-aaral sa kolehiyo. Marunong naman daw silang bumasa at sumulat, sapat na 'yun. "Iiwan mo ang Inay at Itay mo?" "Bente dos anyos na tayo, Sarrah. Kapag hindi pa tayo naghanap ng trabaho kailangan na nating mag-asawa." "Bakit kailangang mag-asawa? Sarili ko nga hindi ko mabuhay eh, hahanap pa 'ko ng idadagdag ko sa problema ko." "Iyon nga ang sagot sa problema mo eh, ang asawa mo ang kakargo sa 'yo. Hindi mo ba naririnig ang mga pangaral ng Itay mo sa 'yo palagi? E di kung ayaw mo daw magtrabaho e di mag-asawa ka na lang?" "Para namang may matinong lalaki dito sa barrio natin na may magandang trabaho? Mga nakikisaka lang din naman at nakiki-sideline kung saan-saan." "Kaya nga... Kung ayaw mong magtrabaho bilang katulong ako na lang nang makalayas naman dito sa Aurora. Kung may nanligaw sa aking lalaki sa Maynila na may magandang trabaho e di sagutin ko na." "Ganun?" "Mag-aasawa na rin lang tayo eh, bakit hindi na lang sa medyo nakakaangat sa buhay? Lalo ka na, maganda ka kaya siguradong mayroon at mayroong magkakagusto sa 'yo sa Maynila." "Sige na nga, tatanggapin ko na. Pero pag-iisipan ko muna." "Ang gulo mong kausap, Sarrah." Napailing na lang si Analyn. "Masungit din kasi 'yung tiyahin ko na 'yun kaya ayaw ko sanang sumama. Parang 'yung mayayaman dito sa 'tin bayan natin na naglalakihan ang bakod at laging madilim ang kotse para hindi makausap." "Ano bang trabaho nun? Tagarito ba 'yun sa 'tin?" "Si Lola Belen ang tagarito. 'Yung anak niya si Auntie Karla hindi naman umuuwi dito kasi sa Maynila na nakatira." "Ilang taon na daw 'yung Auntie Karla mo na 'yun?" "Alam ko di hamak na bata pa 'yun kay Inay eh. Ewan ko, hindi ko naman kasi tinatanong 'yung mga kamag-anak naming mayayaman. At hindi na umuuwi ang mga 'yun dito ngayon." "Dapat tinatanong mo. Matuto kang mang-uto ng kamag-anak. Ganun talaga 'yun, gamitin mo sila para makaangat ka sa buhay." "Ayoko ng ganun! Hindi na baleng nagsisibak lang ako ng kahoy dito kaysa mamalimos sa tulong nila. Ang tingin nila sa ating mahihirap linta na sinisipsip ang dugo nila." "Malupit ba 'yang Auntie Karla mo at ayaw mong maging katulong niya? Akala ko ba hindi naman 'yan umuuwi dito?" "Si Lola Belen pa lang matapobre na eh. Nakatuntong lang sa Maynila ayaw nang humarap sa amin kapag may okasyon. Kita mo nga naalala lang kami ngayong kailangan nila ng katulong." "So, ano ang desisyon mo? Ayaw mo talaga? Ako na lang kung ayaw mo." "Huwag na ikaw. Wala akong makakasama dito tuwing hapon kapag nagpunta ka sa Maynila. Hayaan mo silang maghanap ng iba." Kinuha niya ang mga nasibak na kahoy pati na ang itak saka lumakad palayo roon. "Ang damot naman! Gusto ko ngang maghanap ng mayamang lalaki sa Maynila eh!" "Ang bata mo pa para mag-asawa!" malakas niyang sagot kay Analyn. "Okay lang no! Sila Melba nga hindi pa nag-dise otso buntis na eh! Basta ba mayaman 'yan bakit hindi? Hindi ka ba nagsasawa sa ganitong buhay natin?" Hindi na siya sumagot. Tumingala siya sa langit para itanong iyon. Bakit nga ba may mahirap at may mayaman? Maliit pa lang siya'y mahirap na sila. Hindi na ba talaga magbabago ang kapalaran niya? "Nagsasawa din syempre!" sagot niya kay Analyn nang maabutan siya ng kaibigan. Ayaw niyang makita nito ang pamumula ng mata niya. "Pero mahirap ding makitira sa kamag-anak na ang liit ng tingin sa amin. Alam mo bang kapag nagpupunta sina Lola Belen dito hindi nga lumalabas sa kwarto 'yun? Kahit pa ilang kamag-anak nila Inay ang nasa ibaba wala siyang pakialam." "Ang matapobre nga pala naman ano? Sige hanap na lang tayo ng ibang mapapasukang trabaho sa Maynila. Gusto mo sabay tayong luluwas?" "Mahal ang pamasahe dun eh! Saan naman tayo kukuha ng pera e bigas nga lang pinangungutang din namin sa tindahan." "Naku, andami mong dahilan, Sarrah. Kukulitin ka na naman ng Itay mo pagbalik natin ngayon. Sayang nga naman ang pitong libo buwan-buwan." Napapaisip din siya kapag binabanggit ang pitong libong piso na sasahurin niya. Pero hindi naman kailangang agad-agad ang sagot niya. Gusto niya munang namnamin ang pamamalagi niya dito sa Aurora habang pinagbibigyan pa siya ng Itay niya na tumanggi. Pero oras na wala na naman silang mahagilap na pambayad sa mga utang ay makakarinig na naman siya ng panenermon. Saka na lang niya iisipin 'yun. Baka naman may iba pang kapalaran ang naghihintay sa kanya. Pag-uwi niya ay ang dalawa niyang kapatid pa lang ang naroon. Maliwanag pa kasi kaya tinatapos na nila ang assignment. Lampara lang ang gamit nila sa gabi kaya maaga silang natutulog. Umupo siya sa tabi ni Aljon na ngayon ay third year high school pa lang. Si Ciara naman ay first year high school na muntik pang hindi na-i-enroll dahil baka mahirapan daw sila sa dalawa ang pinag-aaral. Pero nanghinayang siya dahil ayaw niyang matulad sa kanya ang mga kapatid niya. Masigasig pa naman ang mga ito sa pag-aaral. "Marami ka bang assignment?" tanong niya kay Aljon. Dalawang linggo pa lang namang nagsisimula ang klase pero panay na ang basa nito sa libro. Samantalang siya noon ay palaging nasa kakahuyan para mangalap ng maraming panggatong. Hindi niya ipinaranas sa mga kapatid niya ang ganoon. "Oo, ate, kailangan una pa lang magsipag na ako para makita ni Itay na hindi sayang ang pagpapaaral niya sa 'kin." "Hindi ka naman paghihintuin ng pag-aaral kasi ikaw ang lalaki. Si Ciara ang muntikan nang hindi nakapag-enroll," pabiro niyang wika na alam naman ng kapatid niya na totoo. "Pero sana hindi naman po siya mahinto sa pag-aaral. Kung may tatanggap na sa 'kin sa susunod na anihan ng palay sasama na ako para makatulong naman sa mga gastos nila Inay." "Hayaan mo na nga kay ate 'yun. Magpursige ka na lang tulad ng ganyang ginagawa mo. Maghahanap na 'ko ng trabaho tutal bente anyos na 'ko." "E ayaw mo hong malayo dito eh. Siya nga naman, sino ang magsasaing at magpapakain ng mga manok kapag umalis ka. Wala na rin tayong gagamiting panggatong kasi ikaw ang nangunguha ng punungkahoy." "Aba'y kaya mo na 'yun dahil lalaki ka naman. Hindi ko lang pinapagawa sa 'yo ngayon kasi nandito naman ako. Pero kapag nagpunta na ako sa Maynila, alangan naman si Inay o si Ciara ang utusan mo?" "Hindi, ate," nakatawang sagot naman ni Aljon. "Pupunta ka nga sa Maynila?" Nakita niya ang pagkislap ng mata nito sa tuwa. Ang mata nito'y katulad ng mata ni Analyn kanina nang malaman na seven thousand pesos ang sasahurin niya sa isang buwan. "Gusto mong magpunta ako sa Maynila? Hindi mo ba mami-miss si Ate Sarrah?" "Mami-miss syempre. Pero kasi kung nasa Maynila ka na, may posibilidad na rin na makakapunta kami sa Maynila pag nagtapos kami sa kolehiyo ni Ciara. Mas malaki kasi ang sahod doon kapag nakahanap kami ng trabaho." Ibig sabihin ay may balak talagang mag-aral ng dalawa niyang kapatid hanggang sa kolehiyo. Nakakatuwa naman 'yun. Pero ang kaagad sumagi sa isip niya ay kung saan nila kukunin ang ipantutustos doon. Ngayon pa nga lang ay nakwenta niya na sa utak niya na hindi nila kaya kung ganitong pamumuhay pa rin ang meron sila. "Pero kung wala naman tayong pera okay lang naman ate na makikisaka na lang ako para makapag-ipon. Kapag tapos naman sa high school tinatanggap naman ni Mang Teban." Biglang binawi ng kapatid niya ang sinabi na tila nabasa ang pag-aalala niya sa gastusin nila. "Grabe ka naman..." Inakbayan niya ang kapatid saka ngumiti. "Hindi pa ba ako nakakahanap ng trabaho nun? Maghahanap na lang ako ng trabaho sa Lunes sa bayan." "Ayaw mo sa Maynila, ate?" "Ang layo kasi nun... Paano ko kayo makikita kapag nami-miss ko kayo?" Wala silang cellphone na siyang uso na ngayon sa lahat ng kabataan. Bukod sa wala silang pambili, wala rin silang kuryente. Ni TV ay wala sila. Radyo lang ang meron bihira pang malagyan ng battery dahil ginagamit lang ng Itay niya kapag may paparating na bagyo. "Sige, ate, pwede na rin sa bayan. Para kapag gusto mong umuwi malapit lang. Kapag malupit ang amo mo hindi mahirap layasan. Susugurin ka pa namin kapag may nang-api sa 'yo doon." "Ay ang bait naman ng kapatid ko. Ayaw mo lang magsaing eh. Wala pa akong nakikitang usok sa kusina kaya siguradong hindi ka pa nagsasaing." Napakamot sa ulo ang kapatid niya. "Malapit na kasing dumilim ate, apat na subject pa ang tatapusin kong assignment." "Oo na, sige na. Ako na ang magsasaing." Tiyak na mamomroblema na naman sila sa uulamin. May gatas pa naman ng kalabaw doon na pwede nilang ipansabay. May tirang pinatuyong dilis din na binili ng Inay niya kahapon sa isa nilang kapitbahay. Masarap na iyong ulamin. Habang nagluluto siya ay hindi niya maiwasan na mag-isip. Mula nang grumaduate siya sa high school at natengga na lang sa bahay sa pag-aalaga ng mga kapatid niya, ngayon lang niya naisipang seryosohin ang gastusin nilang pamilya. Hindi nga puwedeng hindi siya maghanap ng trabaho. Kung sa sipag lang ay marami siyang naipon. Maganda rin siya na hindi siya nawawalan ng manliligaw noon. Pero mula nang hindi na siya pinatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo ay nawalan na siya ng kompyansa sa sarili. At lalo pa siyang manliliit ngayong kukunin siyang katulong ng tiyahin niyang siguradong matapobre. Sa litrato lang niya nakita ang Auntie Karla niya na mukhang Miss Universe noong nag-graduate ito sa kolehiyo. May bahay kasi ang Lola Belen niya sa bayan kung saan naroon ang larawan ng Auntie Karla niya. Sumama siyang minsan nang dumating daw ang Lola Belen niya pero hindi naman sila hinarap. Mula noon ay nangako siya sa sarili na hindi siya makikihalubilo sa mga kamag-anak nilang mayayaman. Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw sana niyang pumasok bilang katulong ng mga ito sa Maynila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook