Chapter 2

1510 Words
Kailan ba ka sasama sa 'min sa labas, pare?" tanong ni Troy sa kanya na isa ring magaling na computer programmer. Magkakaharap sila sa conference room dahil sa katatapos lang na meeting. Kasama nila sina Raphael, Duke at Luis na nagkataon na pare-pareho nang may asawa. Si Troy lang ang single na wala na talagang balak mag-asawa. "Kung sa Zenclub okay lang akong sumama, pare," sagot naman niya. "But not on Men's Executive Club like La Guardia." "Pero ikaw naman ang maysabi na okay lang kay Karla. Nasa Paris pa rin siya ngayon, hindi ba?" tanong ni Luis. "Yep. But my groin can wait for another two weeks for my wife." "Ang straight mo, pare, kailan ba mababali 'yang pagiging loyal mo? Hindi ka naman magbabahay ng babae eh, titikman mo lang. Kumbaga sa putahe, titikim ka lang ng luto ng iba," dagdag naman ni Duke. "No no no... I can't do that to my wife. Baka iwanan ako nun e di nawalan pa 'ko ng asawa." "Okay nga lang sa kanya eh." Pailing-iling pa si Luis nang hindi pa rin siya napapayag. "Wala tayong magagawa sa loyal, pare," singit naman ni Troy. "Ilang taon na ba silang kasal ni Karla? Seven? Eight years?" "Hanggang kailan kayo ganyan? Ni hindi mo nga madalas nakakasama ang asawa mo. Buti sana kung may anak man lang kayo," sulsol naman ni Luis. "Oo nga. Hindi ka ba nababagot na kahit sa bahay mga software lng ang pinagtutuunan mo ng pansin? Do you even get a life outside SITC?" "Iyon nga ang kailangan ko ngayon, pare," pag-amin naman niya. "I'm not getting any younger. Para saan pa't nagpapayaman ako kung iiwan ko lang sa charity pagkatapos. Isa pa, napapagod na rin akong magpaliwanag kina Mama kung bakit wala pa kaming anak ni Karla." "Wala pa bang balak mamalagi sa Pilipinas si Karla?" tanong ni Raphael. "Hindi pa ba siya magre-retiro?" "No. She still has no plans of retiring. In fact, she's getting her new apartment next month. Sunod-sunod daw kasi ang shows niya sa dulo ng taon na 'to at nanghihinayang siya sa binabayad niya sa hotel." "At pumayag ka?" tanong ni Luis. "What can I do?" "Aba'y kung ayaw mo wala naman siyang magagawa. You have given her enough time to pursue her career. Siguro naman hindi kalabisan kung hihilingin mo sa kanya na bigyan niya ngayon ng panahon ang pagbuo niyo ng pamilya?" Iyon din ang nasa isip niya. Sapat na siguro ang pitong taong pagbibigay niya ng laya kay Karla na gawin ang gusto nito kahit may pamilya na dapat silang binubuo. At gusto na rin talaga niyang magkaroon ng sariling anak. "Sige na, pwede na kayong umalis. Tapos naman na ang meeting." Tumayo na siya sa pero kaagad humabol si Luis. "Are you not coming with us? O sige, sa Zenlub na lang tayo kung ayaw mo sa La Guardia." "Bakit ba kayo mapilit na isama ako?" natatawa niyang sabi. "I need to finish some paperworks before I leave. Hindi ako pwedeng hindi umuwi sa Botolan dahil magtatampo ang parents ko. It's their wedding anniversary." "Sige, ibigay mo na sa 'kin lahat ng paperworks na 'yan at gagawin ko habang nasa Botolan ka. I will make sure it is done when you come back. Hindi ka puwedeng hindi sumama sa amin dahil kulang ang barkada." "May nalalaman pa kayong kulang ang barkada. Sigurado ka bang tatapusin mo ang trabaho bago ako bumalik dito?" "Oo nga... Kayang-kaya ko na 'yan. So, ano? Let's go?" "Ano bang meron ngayong araw at kailangan nating lumabas lahat?" "Duke is filing for a divorce." "What?! Bakit?" "Doon mo na malalaman, pare. Kaya nga kailangan mong sumama kasi kailangan niya ng suporta nating lahat." "At naaawa na rin kami sa 'yo na puro bahay at opisina na lang ang routine mo," sabat ni Raphael na papunta na rin sa opisina nito. "I am a married man," katwiran naman niya na nilingon ang kaibigan. "Palibhasa kayo hindi niyo iniisip ang mga asawa niyo." "Sobra ka naman. We're just enjoying our life na dapat ay ginagawa mo din. Our wives also do the same. May mga girls night out din naman sila." Wala na siyang maidahilan pa para hindi sumama. Ang totoo'y gusto rin naman niyang lumabas kasama ang mga kaibigan. Malungkot ang mag-isa sa townhouse nila dahil dalawa na nga lang sila ni Karla sa buhay, nasa Paris pa ito madalas. Pero may dahilan din siya kung bakit ayaw niya sanang sumasama sa mga kaibigan sa Zenclub o kahit saang inuman - lalo na kung sa La Guardia iyon. Hindi naman kasi siya santo. At thirty-five years old, his testosterone and estrogen level are at their peak. Mahal niya si Karla at hindi niya gustong gumawa ng bagay na ikasisira ng tiwala nito. At kahit pa mas liberal pang mag-isip ang asawa niya, hindi niya gustong may ibang babae siyang pagnanasaan dahil mawawalan ng pagkasagrado ang kanilang kasal. In short, he wanted to avoid temptation. Kapag nasimulan na kasi niyang tumikim ng ibang putahe ay baka hanapin niya na tuwing wala si Karla. Wala sa pamilya nila ang ganoon. He is still conservative at heart. Pagdating nila sa Zenclub ay kaagad silang um-order ng inumin. Alas otso pa lang ng gabi at kakaunti pa lang ang mga umiinom doon na karamihan ay magkakaibigan din. Kaagad nilang inusisa kung bakit magpapa-annul ang kaibigang si Duke sa asawa nitong isang Fil-American. "She wanted to go back to Arizona." "Bakit naman? Hindi ba siya masaya sa relasyon niyo?" tanong niya. Dalawang taon pa lang namang kasal ang dalawa. "According to her, she has fallen out of love." "Bakit daw?" Si Luis naman ang nagtanong. "She have met someone else. Katrabaho niya," tila kaswal lang na sagot ni Duke. "They've been dating for sometime. That guy is willing to go wtih her in Arizona." "At ikaw hindi? Willing ka din namang iwanan ang Pilipinas kung hinihingi ng pagkakatao, hindi ba?" ani Raphael. "At this moment? No, I don't think so. We have decided to just dissolve the marriage. Iba na ang mahal niya. What's the use of staying together?" "Ganun lang 'yun? You had married her and you're just giving up on that? Nasaan na 'yung 'Till death do us Part'?" Hindi niya mapaniwalaan na ganoon lang kabilis magdesisyon ni Duke na hiwalayan ang asawa. "Wala ng ganun ngayon, pare," natatawang wika sa kanya ni Luis. "Andaming babae sa mundo. Kung ayaw na ng isa, e di maghanap na ng iba. That's why it is important that we have this night out. Hindi natin didibdibin ang ganitong mga problema." "I beg to disagree. Nawalan ka ng oras sa asawa mo kakapunta mo sa La Guardia. For sure she knows what you've been doing," katwiran naman niya kay Duke. "Nagkaroon tuloy siya ng dahilan para hanapin ang atensyon ng asawa niya sa iba." "Don't blame Duke, Dylan. Sa ating lalaki natural na ang tumikim ng iba. Pero ibang usapan na kapag sila ang kumandong sa iba." Napailing na lang siya sa katwiran ni Luis. "Tama na 'yang usapan na 'yan dahil nakapagdesisyon na rin naman si Duke. Let's just enjoy this night with wine and women. Paparating ang mga kaibigan ko kaya humanda kayo. These women are all single and ready to mingle," nakangiti namang wika ni Troy. Nag-apir pa ang mga kaibigan niya habang siya naman ay napapailing. Hindi talaga gustong tumigil ng mga ito sa pambababae. Lumalalim na ang gabi at marami na silang nainom. Alas onse naman nang dumating ang apat na kaibigan ni Troy. Kaagad nakipagsayaw ang mga kaibigan niya. Kahit si Duke ay game na game sa mga babaeng bagong dating na halata nang nakainom na rin sa pinanggalingang bar. "Bakit ka naman nagmumukmok dito?" Mula sa gilid niya ay umupo si Ara na naka-mini skirt na'y dumekwatro pa. "I'm not in the mood to dance. Marami na akong nainom." "Ako rin..." Ipinatong nito ang baba sa balikat niya kasabay ng pagpatong ng isang kamay sa hita niya. Hindi na siya napalagay. "I-ikaw rin ano?" tanong niya. "Marami na rin akong nainom. Inaantok na nga ako..." "Hmmm... Umidlip ka muna sandali at tigilan mo na rin 'yang alak sa kamay mo. It's not safe to drink and drive." "Sasabay na lang ako sa 'yo. I also live in Oxfordville." He smells danger. Palagay niya'y pain ng mga kaibigan niya si Ara dahil wala na siyang matanaw kahit isa kina Troy. At ang paghimas-himas ng dalaga sa hita niya ay nagdudulot ng kiliti sa itaas pa niyon. He cursed silently. Kailangan niyang mapanaig ang matinong kaisipan kung hindi ay magagaya siya kay Duke na nasira lang ang kasal dahil sa tukso. "Or we could stay in Albano Hotel overnight..." bulong pa ni Ara. "Wala naman yata ang asawa mo..." Ilang beses siyang napalunok dahil tumaas pa ang kamay ni Ara sa mismong namumukol niya nang p*********i. Hinawakan niya ang kamay nito para ihinto. "Magpapaalam lang ako sa kanila." Tumayo na ang babae saka tinungo ang mag kaibigan nila sa kung saan. Nakayuko lang siya habang hinahagilap ang pagtitimpi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD