"Akala ko hindi na kayo bababa eh," tudyo ni Troy nang makababa sila sa hapagkainan. Pinamulahan siya ng mukha dahil guilty naman talaga sila ni Dylan. "Hi, Ariana," bati ni Dylan sa kinakapatid ni Troy na ngumiti naman sa kanila. Naka-sando lang ito na halos kita na ang pisngi dibdib sa kilikili bagama't mas nakakaakit itong tingnan kaysa sa malaswa. Kung ganoon lang sana siya kapayat ay gusto niya ring magsuot ng ganoon. Ang presko siguro sa pakiramdam. Pero mas malaman kasi siya kay Ariana. Lalo na ngayon na lagi siyang nagluluto at parang ang gana niyang kumain tuwing umaga. "Hi, lovebirds. Ang sarap naman nitong ham at beef tapa." "I agree. Kaya nga napa-order kaagad si Raphael para sa restaurants nila eh. Sarrah should create her own company," sang-ayon naman ni Troy. "Thank y

