"I could kill you for this, Karla! Kayo ng Mama mo!" galit na galit si Dylan kay Karla na kausap sa telepono. Nasa istasyon sila ngayon ng pulis para mag-report ng pagdukot kay Sarrah. May plate number ang itim na van pero hindi ma-trace ng mga pulis kung sino ang may-ari. Kakalap na rin sila ng mga CCTV footages sa mga maaaring daanan ng sasakyan. Pero mahaba-habang proseso pa 'yun. Nanganganib ang buhay ni Sarrah at ng mga anak nilang nasa sinapupunan nito. Masisiraan na yata siya ng ulo. Gusto nang bumigay ng isip at dibdib niya sa labis na takot at pag-aalala. "Wala akong kinalaman sa pagdukot kay Sarrah, Dylan! Bakit ko naman gagawin 'yun gayung pumayag siyang kay Mama titira para maayos natin ang relasyon natin?" "I don't believe you! Oras na makahanap kami ng ebidensya

