Anastasha’s Point of View Buntis ako. Walang duda, nabuo namin ito noong unang gabing may nangyari sa amin ni Quevin. Sinisigurado kasi ni Quevin na lagi siyang protektado tuwing gagawin namin iyon noong panahong f*ck buddies kami. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Saya dahil may buhay nang nabubuo sa sinapupunan ko. Kaba dahil hindi ko alam kung magiging mabuti ba akong ina at makakaya ko bang maayos na gampanan ang responsibilidad na ito. Natatakot din ako sa magiging reaksiyon ni Quevin. Napag-usapan na namin ito noon at hindi pa raw siya bukas na magkaroon ng anak sa edad niyang ito. Hindi raw para sa kaniya ang maging isang ama, at bumuo ng pamilya. Ano ang magiging reaksiyon niya? Hindi niya ba matatanggap ang anak namin? Makakaya ko ba itong palakihin na mag-i

