KABANATA 26 May lungkot sa mga mata na tinanaw ni Lui ang pagsunod ni Sancho kila Mang Albert sa paghatid kay Taira. Hinding-hindi niya makakalimutan ang gulat sa mukha nito nang makita sila ni Taira. Ang takot nang tumakbo paalis si Taira. Hanggang sa sinundan nito ito ng hindi lumilingon sa kaniya. Tila ilang matatalim na kutsilyo ang tumusok sa puso niya. Napakapit siya sa kaniyang damit sa bandang dibdib, nanginginig ang mga labi sa pinipigilang sakit. Nang sinundan ni Sancho si Taira para habulin, noon na nakuha ni Lui. May hinuha na siya dahil sa mga galaw ni Sancho at walang ibang bukambibig kung hindi si Taira, ngayon ay sigurado na siya. May relasiyon ang dalawang iyon. Kahit noong magising si Taira kanina ay ramdam niya ang alala ni Sancho para rito. Sobrang sakit na natumabasa

