KABANATA 9

1486 Words
KABANATA 9 Pagod at hapo na pinunasan ni Sancho ang kaniyang pawis mula sa maghapon na paghahanap ng trabaho. Dalawang araw na magmula nang maghanap siya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. Napangiti na lamang siya habang tinatanaw si Lui mula sa pwesto niya na nauna pang makahanap ng gagawin. Isinama ito ng kasamahan nila sa upahan na magbenta ng barbecue sa harap, matatanaw mula sa kainan ng upahan sa baba. “Oy ijo, wala pa rin bang swerte ngayong araw?” boses ng landlord nila na inabutan siya ng mainit na sabaw na lagi nitong ginagawa kapag nauwi siya. “Wala pa rin po e, Tatay Tonyo,” sagot niya pabalik. “Aba eh, mukha ka namang malakas, ijo. Matipuno rin ang iyong katawan. Ikaw ba, kaya mong mag-bodyguard?” Napaangat ang tingin niya sa matanda dahil nakuha ang atensiyon niya sa sinabi nito. Nabuhayan siya ng pag-asa sa mga sinabi nito. Sancho felt that eversince then, their landlord became his lucky charm. Siguro nga sa kabila ng hindi magandang nakamulatan niya sa mundo ay nakakabit pa rin sa kaniya ang swerte. “Oo naman po!” masigla niyang tugon. “May naghahanap po ba?” Bigla itong nag-angat ng tingin at tinawag ang kasamahan nila sa upahan na kumakain ng barbecue sa labas. Mukhang kakauwi lang din nito mula sa trabaho dahil hindi pa bihis. Mabilis itong lumapit sa kanila, binati pa siya. “ Bakit po, Tay Tonyo?” tanong nito sa kanilang landlord. “Ay, ‘di ba at nabanggit mo sa akin kamakailan na naghahanap si Governor ng bodyguard doon sa bunso nitong lalaki? Aba’y heto si Sancho at naghahanap ng trabaho. Pwede ba siya?” Nagulat man sa narinig, umasa siya nang sinipat ng kausap. Pagkaalala niya nga pala ay driver ito ng Gobernador ng bayan. Mukhang hindi na rin masama na trabaho iyon, iniisip niya lamang kung papayag si Lui dahil nakataya rin ang buhay niya roon. “Aba’y pwede. Dadalhin kita bukas doon. Ano?” Hindi siya tumanggi. “Ano? S-Sancho, delikado yata iyan. Ayaw ko.” Tama nga siya na hindi payag si Lui roon. Bakas ang alala sa mukha nito habang nasa hapagkainan silang dalawa. Sancho already expected this, pero nakahain na ang kabuhayan nila, tatanggihan pa ba niya? Hinawakan niya ang kamay nito. “Lui, mag-iingat ako. Isa pa, hindi na ako kagaya ng dati. Naging malakas ako para sa iyo. Magtiwala ka sa akin, okay?” Halatang hindi pa rin ito kumbinsido. Mahaba pa ang pinag-usapan nila buong gabi, ngunit ayaw niyang matulog sila na may samaan ng loob sa isa’t-isa at hindi pagkaintindihan. Sa huli ay napapayag niya rin ito. Bagama’t alam niyang napilitan lamang dahil hahaba lamang ang kanilang diskusiyon. “Mag-iingat ka, ha?” bilin nito sa kaniya kinaumagahan bago siya umalis. “Opo.” Sumabay siya sa driver ng Gobernador na si Mang Albert, ala-sais pa lang ng umaga ay nasa daan na sila. “Mabait iyang pamilyang Joaquin. Apat na taon na ako sa kanila at maganda rin ang sahuran. Gawin mo lang ng mabuti ang trabaho mo at tiyak na magtatagal ka,” kwento nito. “Ganoon po ba. Iyong bunso po ba nilang anak ay nag-aaral pa?” “Ah oo! Graduating iyong si Taira, medyo masungit nga lang iyon at spoiled. Tiisin mo na lang.” Natawa ito. Taira? Pangbabae naman yata ang pangalan. Biglang naisip ni Sancho. Bahagya rin siyang natawa. Naalala niya ang dating sarili sa masungit. Mahirap nga pakitunguhan ang masungit na tao, pero kung may mga kagaya ni Lui, tiyak niyang aamo rin ‘yun. Napangiti siya dahil naalala niya na naman ang mga pambabalewala niya kay Lui noong una sa ampunan. Pero hindi ito natinag. Ganoon na lamang din ang gagawin niya. Ano pa at umaamo rin ang mabangis na tuta. “Oh, narito na tayo. Tamang-tama at nag-uumagahan ‘yan silang magpamilya ngayon.” Pagkababa niya ng sasakiyan, nalula kaagad siya sa tahanan sa harap. Hindi naman siya nabigla dahil nasa gobyerno ang may-ari. May alaala lamang siyang naalala na ayaw na niyang ni alalahanin pa. Bumati si Mang Albert sa mga gwardiya sa gate at ganoon din siya. Pinakilala kaagad siya nito sa mga tao roon at naging mabuti naman ang pagtanggap sa kaniya. Pagpasok nila sa tahanan ay pinaghintay muna sila ng kasambahay sa sala at kumakain pa raw ang mga amo nila. Pagkatapos ang kulang limang minuto ay lumabas na ang Gobernador na bagama’t may edad na’y magandang lalaki pa rin. Ito si Gov. Troy Joaquin kasunod ang asawa nito na si Aira Joaquin na kaagad napaigik pagkakita sa kaniya. “Ay, magandang umaga po, Gov!” bati ni Mang Albert na sinunod rin niya. “Magandang umaga rin. Nais mo raw kaming makausap? At sino itong binata na kasama mo?” nakangiti nitong tanong. “Ay, siya nga po pala…” Giniya siya nito paharap sa mag-asawa. “Si Sancho Dominguez po pala, nais pong mag-apply na bodyguard ni Sir Taira po.” Ngumiti siya at inilahad ang kamay sa Gobernador. “Magandang umaga po, Gov. Ako po pala si Sancho Dominguez. Mamamasukan po sana,” magalang niyang sambit. “Ay oo na agad! Ang pogi naman ng batang ito, Albert? Kamag-anak mo?” ang galak na sabi ng asawa ng Gobernador na mabilis na tinanggap ang kamay niya kahit na magaspang. Nahihiya siyang napatingin sa asawa nito na Gobernador, pero umiiling lamang ito habang natatawa, mukhang sanay na sa asawa. “Ma, mahiya ka nga,” isang boses ang nagsalita palabas ng kusina. Isang magandang babae na dalawang taon yata ang tanda sa kaniya ang lumabas. Halatang kagalang-galang, tila isang abogado ang awra. Kamukhang-kamukha ito ng Gobernador. Ang tanging nakuha sa ina ay hugis ng labi lamang yata. “Ano ka ba, Tala! Wala ka bang mga mata?” si Mrs. Joaquin. “Ikaw ba ijo, single? Itong dalaga ko rin, single.” “Ma!” “Sorry about them, ijo. Anyways, mukhang tanggap ka na rin naman at mukha ring pasok bilang bodyguard ng aming bunso. I trust Albert who brought you here, hindi mo naman siguro babaliin iyon?” ang Gobernador. “Makakaasa po kayo, Gov,” mabilis niyang tugon. “Good. Where’s Taira anyway? Hindi pa rin ba tapos kumain?” Nagpaalam ang panganay nilang babae at aalis na yata papuntang trabaho. Tumango lamang ito sa kaniya, seryoso ang mukha pero mukhang hindi naman masungit. Ang asawa naman ng Gobernador ay panay pa rin ang kausap sa kaniya habang pinapatawag na ang bunso nilang anak. Maya-maya pa ay may lumabas na sa kusinang lalaki. Nase bente anyos ang edad sa tantiya niya. Mababa si Lui pero mukhang mas mababa ito. Sa tantiya niya’y hanggang kili-kili niya lamang. Maputi, walang kapintas-pintas sa balat. Mahahaba ang mga pilikmata sa mga mata nitong matapang. Mapula ang mga labi, tila isang mansanas na masarap kagatin. Tumagal ang paningin ni Sancho roon. Kawangis na kawangis nito ang magandang ina, parang pinagbiyak na bunga. Akala niya ay hindi babagay sa isang lalaki ang pambabaeng pangalan, nagkamali si Sancho. Mas maganda pa ito sa mga babaeng nakita niya noon. Tila isang anghel, pero masungit. Nang magtama ang kanilang paningin, pakiramdam niya ay bahagyang tumigil ang mundo sa hindi niya alam na dahilan. Bumuka ang langit at ito’y isang napakagandang anghel na bumaba. Napalunok siya at pilit na inayos ang sarili. “What is it, Pa?” Nanayo ang mga balahibo ni Sancho nang marinig ang boses nito. Malumanay, tila babae. Naisip niya bigla kung lalaki ba talaga ito? “Come, ijo. Narito na ang bodyguard na papalit sa umalis,” ang ama. Lumapit ito sa kanila at nang nasa harap na niya, napalunok muli siya. Mas maganda ito sa malapitan! Hindi siya makatagal sa titig ng malalim at itim nitong mga mata. “Sancho, this is my son Taira. Siya ang babantayan mo. Taira, this is Sancho, your bodyguard from now on,” pagpapakilala ng Gobernador sa kanilang dalawa. Nakita niya ang pagsimangot nito nang ilahad niya ang kaniyang kamay sa harap nito. Kinagat ni Sancho ang sariling dila para pigilan ang isang ngiti. “Goodmorning, Sir. Sancho po pala.” Tinanggap nito ang kamay niya na labag pa yata sa kalooban nito. “Taira,” tipid nitong sabi. Nang maglapat ang mga kamay nila, nanuot kaagad sa malaki at magaspang niyang kamay ang napakalambot nitong kamay. Malambot din ang kay Lui, pero triple ang lambot kay Taira. Ang sarap pisil-pisilin kaya hindi niya napigilan dahilan para mapabawi ito sa pagkakahawak. “I hope makatagal ka sa akin. Goodluck.” Ngumisi ito, showing his set of white pearly teeths. Ang sulok ng kaniyang labi ay tumaas din. He didn’t smirk; he only showed his cool boy smile. Mukhang isang spoiled brat ang magiging alaga niya. Ngayon pa lang ay natutuwa na siya rito. Mahaba ang pasensiya niya kaya baka ito pa ang mapagod na inisin siya. “Huwag ka pong mag-alala, kahit hanggang magpakailan pa.” Biro lang sana iyon pero nakita niya kaagad ang pamumula ng magkabilang pisngi nito dahil napakaputi nito. Taira rolled his eyes at him and Sancho’s amused. Lihim siyang natawa sa sarili. Being a bodyguard of a spoiled brat prince seems not that bad… for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD