KABANATA 4

1398 Words
KABANATA 4 Mas naging malapit na sa isa’t-isa sila Lui at Sancho simula ng araw na iyon. More on, parang tuko nang nakapit si Sancho kay Lui. Kung nasaan si Lui ay naroon ito. Roon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Nang magising si Lui umaga pagkatapos mangyari ang ginawa ni Sancho sa kaniya, nakita niya ang natutulog na si Sancho sa kaniyang tabi. Noong una ay nagulat siya at natigilan, kalaunan ay napangiti rin dahil hindi na siya nito iniwan. Hindi siya nagkamali na magtiwala sa pakiramdam niya. Naniwala si Lui na sa likod ng malamig na pakitungo ni Sancho ay may tinatago itong simpatiya sa iba. Alam niya. Alam ni Lui na sadyang iniwan siya ni Sancho sa masukal na lugar na iyon. Iniwan na mag-isa. Nakita niya nang tumakbo ito paalis na hindi lumilingon. Sa puntong iyon ay nabato siya sa kaniyang pwesto at labis siyang nasaktan. Pero nakadama siya ng kakaibang pag-asa sa kaniyang puso na babalikan siya ni Sancho. Walang kasiguraduhan, pero nagtitiwala siya. Hindi siya umalis sa kung saan siya iniwan ni Sancho sa pag-asa na baka bumalik nga ito. Nandoon ang takot at ang lungkot na nadama niya dala ng pag-iisa. Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat; ang iniiwanan. Pero naiintindihan niya naman si Sancho. Naisip ni Lui na baka ayaw talaga nito sa kaniya. Ngunit hayun siya at naghihintay na ito ay bumalik. Nagsimula nang lumalim nang lumalim ang gabi. Nakaupo lamang siya sa damuhan, ang ulo ay nakapatong sa kaniyang mga tuhod. Nagsimula siyang maluha dala ng pangamba. Naglalaro sa isipan niya ang mga katanungan na bakit hanggang ngayon ni isa sa kanila ay walang naghahanap sa kaniya? Naisip ni Lui kung maging ang mga madre ba at ang ibang kabataan ay hinayaan na lang siya? Hindi lang ba si Sancho ang nang-iwan ngayon sa kaniya kundi lahat na sila? Ayaw na ba nila sa kaniya? Kaiwan-iwan ba talaga siya? Pero bakit? Anong meron sa kaniya at sanggol pa lang ay iniwan na? Sa tahimik na gabi habang mag-isa, dama niya ang panlalamig. Nagsimulang pumatak ang tubig ulan hanggang sa iyon ay lumakas. Basang-basa siya at dumagdag pa ang kulog at kidlat na pinakaayaw niya sa lahat. Ayaw na ayaw niya iyon lalo na kapag siya ay mag-isa. Tila ba ang ingay noon ay nagpapaalala sa kaniya ng mga gabi na wala siyang kasama. Walang mga magulang na yumayakap sa kaniya para siya ay tumahan. Tinakpan ng mga kamay niya ang magkabila niyang tenga. Nagsimula siyang humagulhol, tinatawag silang lahat. “Sancho! Sister! Nasaan kayo? Bakit niyo ako hinayaan at iniwan dito?” tawag niya sa gitna ng pag-iyak. “N-Nanay! Tatay! B-Bakit niyo po ako hinayaan at iniwan? Natatakot po ako…” Kasabay ng dagundong ng malakas na kulog ay siyang dagundong din ng kaniyang dibdib. Lui feels so helpless that time, pakiramdam niya ay huli na para sa kaniya ang lahat. Nanghihina na siya dala ng lamig at takot. Ramdam na niya ang unti-unting pagpikit ng kaniyang mga mata. “L-Lui! Lui!” Hindi niya alam kung bakit sa gitna ng kaniyang deliryo ay parang naririnig niya ang boses ni Sancho. Tila hinihila siya ng boses na iyon na bumalik sa kasalukuyan, na buksan ang kaniyang mga mata. Sa nanlalabong paningin ay nakita niya ang pigura nito at doon ay nakita nga niya si Sancho. Bumalik ito, binalikan nga siya nito. Hinawakan niya ang mukha nito at sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi. “I-Ikaw nga… Bumalik ka. S-Salamat…” Marahan siyang bumangon mula sa pagkahihiga. Muli siyang napangiti nang maalala ang nangyari na iyon. Bagama’t hindi niya tanda ang nangyari kung paano siya nakabalik sa ampunan, sigurado naman siya na dahil iyon kay Sancho. Kahit matigas ito at lagi siyang iniiwasan, hindi siya tumigil. Ramdam ni Lui na may pagkapareho sila ni Sancho at iyon ay ang pagnanais ng pagmamahal at kalinga. Lahat naman sila sa ampunan ay ganoon, pero sa una pa lang ay mas nakaramdam siya ng kakaibang koneksiyon kay Sancho sa hindi niya alam na dahilan. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito dahilan para ito ay magising. Nang magtama ang kanilang paningin ay natawa siya dahil sa gulat nitong mukha. Taranta itong napatayo at agad na hinaplos ang kaniyang noo. Sa lapit ng kanilang mukha ay napalunok si Lui dahil bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung bakit. “K-Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka na mainit pero maayos na ba ang pakiramdam mo?” ang unang katanungan nito. Tumango siya rito. “Salamat, Sancho. Sa pagbantay sa akin at sa… pagdala mo sa akin pabalik.” “P-Pasensiya na, Lui.” Napayuko ito. “Pasensiya na k-kung niloko kita at…” Nakita ni Lui ang konsiyensiya at hiya sa mga mata nito. Oo, nakaramdam siya ng kaunting inis at tampo pero mas maiinis siya kung hindi manlang ito nakaramdam ng sisi. Ngunit sa nakikita niya ngayon kay Sancho ay sapat na sa kaniya. Ang pagsisihan nito ang sariling kamalian at paghingi ng tawad ay sapat na para hindi na palakihin pa ang nangyari. Sinsero siyang napangiti. “Gusto lang naman kita maging kaibigan, Sancho. Pasensiya na rin kung masyado akong naging makulit dahilan para gawin mo iyon. Pero… pwede pa rin ba tayong maging magkaibigan?” Hindi makapaniwala na tumitig ito sa kaniya. Binigyan niya ito ng isang sinsero na ngiti. Hindi niya napaghandaan ang pagyakap nito sa kaniya. Sa yakap nitong iyon ay tila pinapahiwatig ni Sancho na wala nang iba pang makapapanakit sa kaniya. Bigla ay kumabog nang mabilis ang kaniyang dibdib kagaya kanina nang bahagyang magkalapit ang kanilang mga mukha. “Hindi kita pababayaan, Lui. Simula ngayon, lagi na akong nasa tabi mo. Pangako ko iyan sa’yo.” Naging totoo si Sancho sa pangako nito sa kaniya. Simula nga ng araw na iyon ay lagi na itong dikit sa kaniya na tila gwardiya. Kahit nga ang ibang mga bata minsan na mga kaibigan na talaga ni Lui ay hirap nang makalapit sa kaniya dahil kay Sancho. Binibiro pa nga ito minsan ng mga madre na sinosolo siya na nagdadala sa kaniya ng kakaibang saya. Tuwing pinagsisilbihan siya nito ay ramdam niya ang pagmamahal ni Sancho. Maling isipin dahil pareho silang lalaki, pero ramdam niya talaga ang lalim ng damdamin nila na minsan ay tila higit pa sa magkaibigan. Para kay Lui, si Sancho na ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Hindi niya siguro makakaya kung ito ay mawawala sa kaniya. Nangako ito sa kaniya, kung kaya ay panghahawakan niya iyon. “Oh, tubig.” Agad siyang napangiti nang bumungad ang masungit nitong mukha sa kaniya. Katatapos lang nilang tumulong sa paglilinis ng ampunan habang ang mga bata sa kanila ay naglalaro lamang. Lumipas ang mga araw at nagbibinata na sila ni Sancho. Ang ibang mga naging kasamahan nila noon ay inampon na at iilan na lang silang nasa ampunan. May mangilan-ngilang bago at mga bata pa. Isa na silang dalawa sa mga matanda. “Salamat.” Tinanggap niya ang inumin. “Ah, napakaganda ng paglubog ng araw ngayon.” Sa bubong ng ampunan kung saan sila tumatambay dalawa kada hapon ay matatanaw ang malawak na kalangitan. Ang lugar na naging sikretong hingahan nila ni Sancho na sila lamang ang nakaaalam. Nasimulan nilang matuklasan ang makipot na daan papunta sa bubong noong naglalaro silang lahat ng tagu-taguan. Kahit yata ang mga madre ay hindi alam iyon. Medyo mahirap akyatin, pero sulit naman kapag iyong narating. “Lui,” narinig niyang tawag nito. Sinalubong siya ng malambot at malamig na mga labi ni Sancho noong lingunin niya ito. Napahigpit ang hawak niya sa bote ng tubig at unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata. Umihip ang malamig na hangin sa pagitan nila at nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay napabuga siya ng hininga. They smiled at each other, gently let their forehead meet. “Medyo matagal ngayon, ah?” biro niya at kapwa silang natawa. They’re still friends, but there’s something special between them. Nag-umpisa ang pagbibigay nila ng halik sa isa’t-isa ng mismong araw ring nadiskubre nila ang kanilang sikretong lugar. Ang unang halik na binigay ni Sancho para mawala ang kaniyang tampo. Natatawa siya minsan sa kaisipan na iyon, ngunit nagdadala rin iyon ng kakaibang kiliti sa kaniyang tiyan. It’s always that light and small kisses, but it always give butterflies on Lui’s stomach. Lui and Sancho thought that their relationship would forever remain, not until someone came and wants Lui out of the orphanage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD