Sinalubong kami ng mga anghel, demonyo, at mga Nephalem na naglalaban-laban gamit ang kani-kanilang mga sandata. May gumagamit ng espada, ng mga latigo, at ng mga pana. Ang iba ay gamit ang kanilang mga kapangyarihan kung wala silang sandata na hawak. Karamihan sa mga demonyo ay gamit ang kanilang pitch fork upang sugatan ang kanilang kalaban. Marami na ang pagod, ang sugatan, at duguan. Kaagad naming sinaklolohan ang mga kasamahan naming pinagtutulungan ng mga alagad ni Imperius. "Hindi ko inakala na ganito karami ang kanyang alagad!" sigaw ko kay Marco pagkatapos kong paliparin sa pamamagitan ng aking suntok ang isang Nephalem na sumugod sa akin. "Marami siyang namanipulang Nephalim, Yuri," sagot naman sa akin ni Marco pagkatapos niyang sipain ang Nephalim na nasa harapan niya. "Na

