Chapter 55

1514 Words

Nang sunod na magmulat ako ng mga mata ay nasa gitna na ako ng kagubatan. Noong una ay may nadama akong takot dahil hindi ko alam kung bakit napunta ako sa mundo ng mga tao. Ngunit nang makita ko ang isang lalaki na galing sa kakahuyan at may dalang mga kawayan ay napagtanto ko kung nasaan ba talaga ako. Dinala ako ni Imperius sa nakaraan at ang nakikita kong naglalakad na lalaki ay ang kanyang ama. Tao man ang panlabas niyang anyo ngunit sa pagpikit ko at muling pagmulat ay nakita ko na ang kanyang totoong anyo. Isa siyang demonyo. Pula ang kulay ng kanyang balat, may buntot siyang may trianggulo sa dulo, may pakpak siyang tila sa isang higanteng paniki na matatalim ang bawat dulo, at dalawa ang kanyang baluktot na sungay sa magkabilang bahagi ng kanyang ulo. Nasa anyong tao siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD