Napaangat ako ng ulo nang maramdaman ko ang pagdating ng isang puwersa ng kapangyarihan. Maging sina Kiaros at Ianea ay napabalikwas din ng bangon. "Kiaros," bulong ni Ianea sa pangalan ng demonyong nakayakap sa kanya at pinapakalma siya. "Kilala ko ang pinanggagalingan ng mga kapangyarihang iyon, Ianea. Dito ka lang at kakausapin ko sila," may halong pakiusap nitong bilin sa anghel. Nang tumayo si Kiaros ay napatayo na rin ako at tahimik na sumunod sa kanya palabas sa munting kubo upang harapin ang mga dumating. "Sakran, Tiamon, Viano," bati ni Kiaros sa tatlong demonyong nakatayo sa harapan ng kubo. Kalmado siya kaya natitiyak kong hindi kalaban ang mga dumating kundi ang kanyang mga itinuturing na kaibigan sa lahing pinagmulan. Ngunit hindi palakaibigan na awra ang nararamdaman

