Magkakasunod na lumitaw sina Michael, Gabriel, Ariel, Azrael, Chamuel, Haniel, Jeremiel, Jophiel, Metatron, Raguel, Raziel, Sandalphon, Uriel, Zadkiel, at si Ama. Sa kanya ako napatitig sa kanilang magkakapatid. Malayong mas bata ang itsura niya ngayon kesa sa kasalukuyan niyang itsura. Ngunit nang makita ko ang ekspresyon sa kanyang mukha na katulad na katulad ng mga nasa mukha ng kanyang mga kapatid ay nakadama ako ng takot para kina Kiaros, Ianea, at sa kanilang sanggol na si Imperius gaano man ako namumuhi sa kanya sa kasalukuyang panahon. "Nakapanganak na pala ang anghel na mas pinili ang lumublob sa kasalanan," wika ni Haniel, ang isa sa mga babaeng arkanghel. Tumitig pa ito na tila nanunuya kay Ianea. "At naisilang na ang nilalang na kinakailangan nating pigilan sa paglaki bago

