Sabay na nanlaki ang aming mga ni Ianea habang nakatitig sa nakasisilaw na malaking bilog sa aming harapan. Alam kong kilala na rin niya kung sino ang dumating. Napaatras siya sa kanyang kinatatayuan. "Panginoon, nakikiusap ako. Huwag n'yo na pong idamay ang aking anak sa pagpaparusa ninyo sa akin." Umiyak muli si Ianea. Ngayon ay dahil sa pagmamakaawa at hindi na sa pagdadalamhati. "Kunin N'yo na ang lahat maging ang buhay ko, huwag lang ang buhay ng anak ko. Huwag lang siya!" desperado niyang pagpapalahaw dahilan upang magising din ang natutulog na si Imperius sa kanyang bisig. "Bakit napakalupit ninyo? Bakit hindi ninyo naiintindihan ang aming pagmamahalan? Bakit hindi ninyo matanggap ang bunga ng aming pag-iisa? Dahil ba sa wala pa siyang katulad na nilalang sa mundong ito? Sa la

