Napalayo ako sa kanya nang bumitaw na ang kanyang mga kamay sa aking ulo. Nilingon ko ang mga anghel at demonyong nasa likuran ko. May pagtatanong sa kanilang mga mata kung ano ang nangyari sa akin. Muli kong hinarap si Imperius. Nasa mga mata niya ang pag-asa na dahil sa mga nasaksihan ko ay kakampi na ako sa kanya. "Ikinalulungkot ang nangyari sa iyong mga magulang, Imperius, lalo na sa ibinigay nilang kaparusahan nila dahil sa kanilang pagmamahalan." Narinig ko ang malalakas na pagsinghap na galing sa mga arkanghel. Dumaan naman ang malalim na kalungkutan sa mga mata ni Imperius. "Salamat at nauunawaan mo na ang naging damdamin ko sa ginawa nilang pagpatay sa aking mga magulang, Yuri. Pinatay sila ng mga arkanghel nang walang kalaban-laban. Marami naman silang maaaring gawin at hi

