"Bakit kailangan pang sumama ni Remniz, Yuri? Hindi ba at masyadong delikado lalo na kung wala naman siyang laban sa mga Nephalem kundi ang maliit na sandatang dala niya?" pangungulit sa akin ni Lucian. "Lucian, siya ang may alam sa lugar na ito. Alam niya kung saang direksyon tayo dapat magpunta upang mahanap natin si Ina," matiyaga kong paliwanag dito. "Malakas naman ang pang-amoy mo. Gamitin mo na lang." Napailing ako kay Lucian. Ginawa pa ako nitong aso. "Hayaan mo na. Isa pa, nakita mo naman na kahit ipinipilit na kanina ni Marco na huwag nang sumama si Remniz ay hindi rin siya nito sinunod. Ano ba ang inirereklamo mo?" May halong pagkainis ko nang tanong. "Naiinis ako dahil sila magka-partner samantalang tayo, solo flight!" Napaikot ang mga mata ko dahil sa isip-batang sago

