Chapter 66: Jay

1658 Words

"Salamat, Marco." Ngumiti siya sa akin sabay sa pagkaway bago siya tumalikod upang magtungo na sa kanyang klase. Sinundan ko muna siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang makapasok sa building bago ako naglakad papasok sa kuwarto ng unang klase ko para sa umagang ito. Hindi ko pinansin ang pag-iingay ng mga kaklase ko hanggang sa makaupo na ako sa puwesto ko. Napabuntonghininga ako. Halos tatlong taon na rin mula nang makabalik kami ni Marco dito sa mundo. Sa katunayan nga ay nasa ikaapat na taon na ako sa kurso ko. Isang taon pa at makakapagtapos na ako sa kurso kong Architecture. Mukhang iyong pag-graduate ko ang hinihintay ni Yuri bago siya tuluyang magbalik sa akin. Mapait akong napangiti sa ginawa kong pagbibiro sa aking sarili. Nakakalungkot. Tatlong taon na rin akong naghihint

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD