"Yuri, anak ko!" Bumitaw ako kay Jay at sinalubong ang aking ina. Hinayaan ko siyang yakapin ako at paghahalikan. "Jay!" Napangiti ako nang makitang niyakap din ni Ina si Jay. Naririto kami ngayon sa pinagtataguan nina Remniz upang sunduin na si Ina. "Mabuti na lang po at ligtas kayo," narinig kong sabi ni Jay nang maghiwalay na sila sa pagyayakapan ni Ina. "Oo, Jay. Nagpapasalamat din ako na buhay ka at natalo na ng anak ko ang Imperius na iyon. Sa wakas, matatahimik na rin tayong lahat." Natutuwa man si Ina ngunit may kislap pa rin ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Alam kong dahil iyon sa nangyari kay Lolo. "Okay ba kayong lahat? Wala bang nasaktan sa inyo?" pagtatanong ni Ina habang isa-isa kaming tinitignan. Nagdikit ang kanyang mga kilay nang kay Ama siya mapatingin. Hin

