[Mikko Jang] INABOT ko ang bote mula kay Yu at saka sinunod ang hiling niya na umupo na muna sa malambot na sofa na naroon sa kuwarto. May mga babae siyang kasama at tila sila naghaharutan. Makikita ang pagkadisgusto sa mukha ko na hindi ako natutuwa, ayoko nang magtagal pa roon. "Who is that girl?" tanong ko habang turo ang babaeng wala sa sarili at parang lantang gulay na nakasandal sa sofa; namumula ang pisngi niya dahil sa kalasingan. "An old lover?" dagdag ko, saka ko inilapit ang bote ng soju sa aking labi. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtalim ng mata ng kaibigan ko. Pinangko niya ang babae at maayos na inilapag sa sofa. I could sense that he has special feelings for this girl. Hindi ko lang alam kung ano ang mayroon sila. "Let's play, Master Yu," saad ng malanding babae. Lumapi

